(Ella's POV)
Habang hinahanap namin ni Ammy si Renzo ay bigla kong nakita si Jerick.Oo nga pala dito rin siya nag-aaral.Saan kaya yung babaeng kinahuhumalingan niya?Dito rin daw yun nag-aaral eh.
"Jerick!!!!!!!"Tawag ko sa kanya kaso di niya ako narinig eh.Sisigaw pa sana ako ulit ng magsalita si Ammy.
"A-ahh E-Ella mauna na ako.Magsisimula na kasi klase namin.Tutal nakita mo na naman kasama mo diba?"
"Ahh eh pwede ba kitang ipakilala sa kaibigan ko sandali?Tawagin ko lang siya.Je..."
"No!I-I mean..sorry talaga but I really have to go.Next time nalang Ella."
"Ganun ba?Sayang.Pero sige ingat ka.Thanks!Sana magkita pa tayo ulit!"
"Sige."
Tumalikod na siya at lumakad playo.
"Sayang naman.But there's always a next time naman eh."Nagsimula na akong maglakad papalapit kay Jerick ng bigla nalang may bumangga sa akin.
"Ahh.."
"Ay!Sorry miss!"Buti nalang tinulungan niya akong tumayo.
"Hey Ella,are you alright?"To the rescue naman ang aking prince charming!
"Ah ok lang ako."
"Miss sorry talaga."
"Hindi ok lang."Pagkatapos humingi ng ilang sorry nung lalaki ay umalis na siya.
"Anong ginagawa mo rito at bakit mag-isa ka lang?"
"Ay oo nga pala hindi ko nakuwento sayo na dito na pala ako mag-aaral.Dapat nga kasama ko si Renz ngayon pero bigla nalang siyang nawala eh."
"Dapat marunong ka na rin gumamit nito."Sabi niya pagkatpos niyang kunin ang cellphone niya.Lumayo siya konti sakin at may kinausap sa phone.Parang....
*SUDDEN FLASH BACK*
Lumayo sandali si daddy.May tumawag kasi sa kanya.Ilang saglit lang ay nagsimula na itong tumakbo pabalik sa kinaroroonan namin.Yung expression niya.Parang kinakabahan.Nagmamadali siyang makalapit sa amin na tila may pinipigilan.Naramdaman ko na lang ang paghila at pagyakap sa akin ni mommy at biglang....
*END OF SUDDEN FLASH BACK*
Nagulat ako nang may marinig akong malakas na tunog at bigla nalang akong napaupo at nagtakip ng tenga.
"Hey Ella what happened?Ok ka lang ba?"Tanong sakin ni Jerick.Hindi parin ako tumatayo at nakatakip parin ang mga kamay ko sa mga tenga ko.
"What the?Is she a freak?Parang may natumba lang naman na table."
"Oo nga!Ahahaha."
May narinig mga akong babaeng nagsalita at nagtawanan sa may di kalayuan.
"OMG!Tama ba 'tong nakikita ko?Is she witha Jerick Espinosa?Psh!"
"Oo nga,siguro kaya siya nagreact ng ganyan kasi gusto niya lang magpapansin.Pero infairness ang galing niya ah!"
Bakit sila ganun?
"Ella tumayo ka na."Tinulungan ako ni Jerick na tumayo at bigla niya nalang akong hinila papunta sa kinaroroonan ng mga babaeng nanlilibak sakin.
"Watch your words Tanya.Hindi mo ba kilala kung sino siya?"Mahinahong sabi ni Jerick habang hawak ang kamay ko.
"Pasensya na pero hindi ko siya kilala eh.Ahmm..let me guess..Siya ba yung ipinalit mo sakin?Freak pala ang mga ideal type mo?haha.Kaya pala."
"I'm sorry pero mali ka.Hindi siya yung ipinalit ko sayo cause as far as I remember hindi naman naging tayo.Siya si Ellaine Ravara.Ang babaeng nakatakda kong pakasalan."
_____________________________________________________________________________
A/N
Sorry matagal nakapag-update.Busy kasi.Sa susunod ulit!

BINABASA MO ANG
fantasy into reality
Fiksi RemajaFantasy into Reality is all about a girl na inlove sa kanyang kababata,na nakatakdang ipakasal sa kanya.Kung iisipin para talaga silang itinadhana kasi ipinagkasundo sila ng kanilang mga ama na magpakasal kapag nasa tamang edad na sila for a busines...