The fudge!!! Late na ako!!!!! I overslept last night dahil sa sobrang excited ko para sa Fan-meeting ng Bangtan mamaya. Mag a undertime pa naman ako ngayon tapos late ako tsssss
‘Di na ako nakapag suklay dumiretso na ako sa kotse at pinatakbo agad para makarating agad ako sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko.
Pagkababang pagkababa ko ay tumakbo agad ako sa loob. Buti nalng at wala pang mga customer at naglilinis palang yung mga kasama ko.
“oh hi Luna!! Mahangin sa labas?! Baka habulin ka ng suklay girl!” – Janine
“ I overslept last night shocks! I’m sorry ah”
“Why are you saying sorry? You are the owner of this coffee shop girl” – George
“Yes! But you are the manager here so dapat good role model ako for the both of you diba?”
“It’s okay baby! You don’t have to worry about us. Yakang yaka namin ni Janine to. Osya! Go inside and fix yourself. Kami na muna dito”
“Thank you! bibilisan ko lang”
Habang nag aayos ay pumasok si Janine sa opisina para sabihin na tapos na silang maglinis at bubuksan na nila, nilagay daw nilang closed kanina dahil wala pa ako at di pa sila tapos maglinis.
“alam mo Lu, kung di ko alam na bakla si George iisipin ko may gusto sayo yun”
“Hoy bunganga mo, may makarinig sayo dyan. Mamaya dumating bigla si james e tas marinig ka dyan, mag-aaway na naman kami nun.”
“Sus! ‘yong jowa mo na napakaseloso dahil takot siyang gawin mo mga ginagawa niya sayo? Wala ka ng freedom te! Siya pwede magpakasaya at pumarty ikaw bawal ? kakaloka ahh! Sabi ko sayong hiwalayan mo na yun at walang dulot na maganda sayo yun e, ilang beses ka na ring niloko nun e. bulag ka na nga martyr pa! tss”
“andaming sinabe te? Kakaloka ka! Bumabawi naman siya e diba. Kaso busy lang talaga siya ngayon kaya di kami nakakapagkita at nagkakausap. Hayaan mo kapag inulit niya pa mambabae hihiwalayan ko na siya, promise yun nay”
“hoy babae!!! Kilala kita! Alam ko saan ka nakatira! Wag nga ako hahahaha ilang beses mo na sinabi sakin yan”
“Promise talaga, yieeeehhh ang sweet ni nanay pa-hug nga”
“Che tigilan mo ako dyan! Ang init init e. lalabas na ako, balakajan”
“Ito naman e naglalambing lang hahahaha”
Tapos na rin naman akong mag-ayos kaya lumabas na rin ako. Si Janine parang naging ate ko na siya dito sa korea. Silang dalawa ni George ang tumulong sakin para mapalago itong coffee shop ko.
Nagkataon na naghahanap siya ng trabaho at nakita niya akong nahihirapan sa pagseserve at pag aasikaso ng customer kaya sinubukan niya mag apply. Hindi naman matao nung mga oras na yun pero kasi mas gagaan talaga kapag may kasama ka.
Kaya noong araw mismo na yun ay nagumpisa na siya magtrabaho para sakin. Si George naman ay nag apply din mga ilang araw pagkatapos kong mahire si Janine. Siya ang ginaawa kong manager dahil ayaw ni Janine, masaya na daw siyang magserve sa mga customer.
Ako ang taga timpla ng mga order nila at si George ang sa kaha. Nagpapasasalamat ako at malapit lang mga bahay nila dito. E ako sa UN village pa malapit sa Hannam river.
“2 shots iced Americano for Mr. Hyun” sigaw ko
Medyo natagalan tong order na to dahil nagloko yung espresso machine ko. Bibili nga ako mamaya ng bago mahirap na baka tuluyan ng masira e.
may lumapit na lalaki na naka-all black at nakamask at sombrero pa natakot ako dahil ang talim tumingin kaya humingi ako ng pasensya.
“I’m sorry Mr. Hyun for inconvenience and thank you for patiently waiting for your order”
“I think this is not mine. The name in the cup was not my name. My name is yoon not hyun”
“I’m sorry sir, wait I’ll ask my co-worker. Janine kanino tong 2 shots Americano?”
“huh? Wait check ko. Hmmm. Mr. Yoon. Are you Mr. yoon sir?”
“Yes, is there anyone else who ordered 2 shots iced Americano aside from me?”
“oh nothing sir. You’re the only one who ordered that”
“oh, so this is mine? But the name written on cups was not mine. Who wrote this?”
“Me sir, im really sorry, next time I will check the spelling before I wrote it”
Grabe nakakatakot naman to. Parang galit ang cold cold ng boses . Nasaan ba si George siya magaling makipagusap sa mga ganito e.
“What is your name?”
“My name is Luna sir, im really sorry”
“Its okay, Im Yoon, remember my name and write it correctly next time. Its my first time to order here, if the taste is good I will come back here Ms. Luna. I’ll go ahead, nice meeting you and you too ms. Janine. Thank you -_- “
“Thank you sir, and sorry for inconvenience”
Nag bow ako at si Janine as a sign of respect but di ko iniexpect na mag bow din siya. Gosh akala ko mangangain ng tao sa sobrang cold ng boses at talim tumingin. Pero napaka down to earth, mukha siyang mayaman makinis at maputi ang mga braso e.
“Girl ano yun? Grabe natakot ako sa kanya. Akala ko mag-i-eskandalo e. Mabait naman pala si koya hahahahahahahha”
“Luka luka ka, grabe yung pigil ng hininga ko akala ko sisinghalan tayo e pero nagulat ako nung nagbow din siya satin kakaloka. Asan ba si George? Siya magaling makipagusap sa mga ganyan e.”
“Luh, ulyanin ka teh? Inutusan mo kaya bumili ng supply, para bukas may supply tayo dahil maaga kang aalis mamaya .”
“ay oo nga. Ano ba yan. Siya nga pala wag ka muna magtake ng order mamaya ng black Americano. Mukhang masisira na ang espresso machine natin e. bibili ako mamaya ipapadeliver ko nalang dito”
Alas tres na ng hapon kaya umalis na ako. Alas sais ang fan meeting kailangan kong maging maaga para di masayang yung seats ko. Kahit kasi yung seat no. mo e bandang unahan kapag nahuli ka ng dating sa likod ka mapupunta. 1st time ko to kaya dapat paghandaan ko :DD
Dumaan muna ako sa bilihan ng espresso machine para wala na akong iisipin bukas . deliver sa store naman kaya di ko siya kailangan bitbitin. Magbake pa ko ng cupcakes para pamapasalubong sa bangtan. Sana tanggapin nila.
Natapos akong mag-ayos ng mga 4:30 tss babyahe pa ako. Sana di matraffic..Kasasabi ko lang na sana hindi matraffic e. pero eto ako na stress na sa traffic. Maaga pa naman kaso alam nyo naman mga army maaga palagi. Baka sa likod na ako umupo neto..
5:30 nakarating ako sa venue. Salamat at hindi pa nagpapapasok kaya makakaupo ako sa seat no. ko.
I’m so excited shocks.Finally makikita ko na sila sa malapitan.. :DDD
BINABASA MO ANG
HIDE & SEEK
FanfictionCharacters: Luna Selene Valdemor Daniella Choi Janine Abrigo Suran Dahyun Kim Namjoon Kim Seokjin Min Yoongi Jung Hoseok Park Jimin Kim Taehyung Jeon Jungkook James Oliver Cortez George Lee Author's Note: Isipin nyo nalang kunwari marunong sila magt...