24

1 0 0
                                    

" Ang layo ng iniisip natin Luna ah. Saan na nakarating utak mo? nasa mars na ba? "

Hindi nalang ako umimik sa sinabi ni V sakin. Oo andito na naman siya dahil may world tour sila at kasama sa list ang pilipinas. Andito lang siya sa may opisina ko dahil hindi kami makagala gala dahil na rin baka may makakita sa kanya . last time kase may nakakilala sa kanya kaya nag-iingat na rin kami.

Si Luhan ay nasa school pa mamaya pa ang uwi niya ng 2pm at kami na rin ang magsusundo a sa mansion nalang kami maglalagi. Kilala na naman si V nila lolo at lola dahil nga maadalas itong nagpupunta sa mansion. Inakala nga nila na si V ang ama ni Luhan pero salamat narin at hindi na nagusisa pa sila lola.

" Oo nga pala Lu, ikakasal na si Jimin at Dahyun bago matapos ang taon, 4mos. pa naman kaya makakapaghanda ka pa at hinahanap ka ni Jimin dahil hindi daw siya magpapakasal kung hindi ka babalik dahil ikaw ang gagawin niyang made of honor at tutulungan mo daw siya mag-asikaso dahil nga siya raw ang tumulong sayo noon. May sapak talaga utak ng babaeng yun tss may kapalit pala lahat ng tulong niya sayo noon.."

Mahabang paliwanag ni V. bigla ko tuloy silang namiss lahat. Sa 4 na taon kong naninirahan dito at pabalik balik si V dito hindi ako nagtanong about sa nangyayari sa mga buhay nila lalo na kay Yoongi at ayoko rin pagusapan kaya si V iba nalang ang mga kinukwento, madalas e yung mga nakikilala niyang babae sa ibat ibang bansa kaso di naman niya dinedate dahil nalalaman niya agad na dahil sikat siya kaya siya ini-entertain ng mga natitipuhan niya.

" Kamusta na sila ? Kwentuhan mo ako sa mga nangyari noong mga panahong wala ako V"

" Sino ka? May sumapi ba sayong anghel at nagtanong ka na sa mga buhay nila? It's a miracle !! "

Pinakansel ko lahat ng schedule ko ngayong araw para maikwento sakin ni V lahat ng nangyari sa loob ng 4 na taon. Nalaman kong minamanage ng maayos ni George at Janine ang coffee shop ko. gusto nilang mag expand kaso di nila ginagawa dahil nga wala ako. napaisip akong ibigay nalang sa kanila yun. si kuya at si Janine naman ay dalawang taon na magkasintahan gayun din ang iba may mga kanya kanya ng kasintahan maliban sa kanya at kay Hobi dahil naghiwalay pala sila ni Dani 2 taon na ang nakalipas.

Si Yoongi nalaman kong pinahahanap pala niya ako, matagal na niyang tinapos kung anong meron sa kanila ni suran pero itong huli ay ayaw parin siyang tantanan lalo't wala naman ako. nalaman kong lagi silang magkasama ni kuya dahil baka nga magkaroon sila ng impormasyon about sa'kin.

Marami ng nabago mula ng umalis ako. palagi rin daw pinapagalitan si yoongi nila mama dahil nga hindi pa ako nahahanap. Itatakwil daw nila ito kapag hindi ako nakita. Gayon din ang kuya nito. Parang gusto ko ng bumalik sa korea dahil sa mga nalaman ko. mahal pala talaga ako ni Yoongi



~~~~ KRIIIINNNNGGGG~~~~~~~~~

" Hello po La? Ah sige po. Salamat po. Dideretso nalang po kami sa mansiyon. Opo La kasama ko si V. okay po Lola. Ingat po kayo . I love you"

" May nangyari ba kay Lola ?" – tanong ni V

Napalapi na rin kasi ito kay lola lalo na't wala na siyang lola .

" Wala naman. Sinabi lang niya na sia na ang nagsundo kay Luhan, dumiretso nalang daw tayo sa mansion, dahil may bisita daw kami at pinapauwi na tayo"

Bigla akong kinabahan ng hindi ko malaman ang dahilan . pero baka sila mama lang iyon. Maige na rin to at kakausapin ko rin si lola na babalik na kami sa korea dahil di naman pwedeng magtago kami habang buhay.

Nauna na akong pumasok sa loob dahil ang bagal nitong kasama ko kaya naman nagtatakbo palapit sa akin at nabuhol ang buhok ko sa botones ng polo niya pero natanggal naman agad at siya na mismo nag ayos ng buhok ko at inaamoy amoy pa tss

" Nagsha-shampoo ka ba Lu? Ang asim ng buhok mo! ang yaman mo di ka makabiling shampoo!"

Bwesit talaga to. Tumanda lang ang edad pero ung utak naiwan ata sa nakaraan . patawa tawa pa mukhang mongoloid! Hahampasin ko na sana siya ng may marinig akong tumawag sakin. Kilalang kilala ko kung kanino boses yun.

" Selene ? "

" Yoongi? "

" Selene? V ? bakit kayo magkasama? V ano to? Alam mo kung nasaan ang kapatid ko? ba----------- "

" Mommy you're here! Oh Tito V!!!!!! "

Tumakbo naman papalapit si Luhan dito at niyakap naman ito agad at kinarga naman ito ni V

" Mommy, we have a visitor. I don't know them po Lola said that you are the one who's going to introduce me to them. Who are they po mommy?" – tanong nito habang karga ni V

Paglingon ko sa kanila ay masama ang tingin sa'min ni yoongi at si kuya ay parang namangha sa nalaman niya na si Luhan na ito.

Ito na siguro ang tamang panahon para malaman niya kung asana ng daddy niya. alam kong sabik siya sa tatay lalo pa't lagi siyang nagtatanong kung nasaan ang daddy niya.

" Baby, he's your uncle Jin . he's my older brother. Diba I told you before that I had a kuya? And here he is"

Lumapit naman si Luhan dito para yumakap at humalik sa pisnge. Knowing Luhan hindi siya lalapit kapag hindi niya kilala. Nakita ko naman si Yoongi na parang gusto niyang tawirin ang pagitan nila ni Luhan at masama parin ang tingin niya kapag nagagawi sa amin ni V ang kanyang tingin.

" Is he my uncle also mommy?"

" No baby, he's your ----"

Di ko na napigilan ang iyak ko. for almost 5 years na nawalay kami sa kanila bigla nalang bumalik lahat ng sakit nung nakaraan yayakapin sana ako ni V pero naging mailap tong si yoongi at natawid na niya ang pagitan namin. Lumapi naman din si Luhan sa akin.

" Mommy? Why are you crying?"

" Baby he is your Daddy! "

Kitang kitaa ko kung paano lumiwanag ang mukha ng anak ko nung sabihin ko iyon gayong itong Yoongi ay parang natatakot naman baka ayawan siya ng bata..

" I knew it! Daddy!! You're not busy na ? kukunin mo na ba kami ni mommy? Will we live together daddy?" – excited na tanong ni Luhan

Lumingon sa akin si yoongi na parang hindi makapaniwala sa sinabi ni Luhan sa kanya.

" yes baby, we will live together. We will leave here soon "

Bumaling siya sakin

" and you, you will explain everything to me and why V is here"





-------------?????

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon