17

1 0 0
                                    

Ilang araw nalang pasko na. medyo dumadami na rin ang tao dito sa café. Marami talagang nagdedate kapag ganitong season. Yes , nakabalik na ako sa trabaho ko. Humupa na rin ang issue sa amin ni kuya pagkatapos ng 2 buwan. Medyo busy sila ngayon dahil sa year end special nila.



Hindi na sila nagpupunta dito ng magkakasama, di tulad ng dati. Paisa isa o dala dalawa nalang sila kung magpunta. Bihira nalang din sila tumambay sa vip room dahil hindi naman sila nakukumpleto. Si jimin? Nagpupunta parin naman siya dito minsan kasama niya si dahyun na feeling close tss.



Ang madalas magpunta dito ay si kuya at ang 2 maknae dahil sila ang madalas mautusan ng mga nakakatanda sa kanila.

Si yoongi ayos naman kami . wala naman siyang alam sa nangyari kaya maayos parin pakikitungo niya sakin pero ako? hindi ako makatingin sa kanya ng maayos lalo pa at nakikita ko na nasasakan parin siya dahil tuluyan na silang naghiwalay ni suran. Lalo na kapag kasama namin ito parang gusto niyang tawirin ang pagitan para mayakap lang ang huli kaso si suran na rin mismo ang lumalayo dahil mahihirapan lang itong maka move on kapag hindi siya ang kusang lumayo. Nasasaktan akong isipin na naglilihim ako sa kanila. Lalo na kay suran.

"Aray!!!!!! Tss."



Nagulat ako ng tinuktukan ni V ang bunbunan ko. Napaka brutal nito kahit kalian tss. Naging close kami ni v mula ng nagkaroon ng issue sa amin ni kuya. Wala naman problema dun dahil naaalala daw niya sa akin ung kapatid niyang babae. Kaya lagi rin niya akong sinasamahan kung saan ko gusong magpunta. Gaya ngayon andito kami sa may amusement park. Kahit ayaw niya ay napilit ko parin siya. Nagpahinga muna kami saglit dahil napagod ako kakasigaw sa roller coaster.

"Ngatngat ka ng ngatngat ng kuko mo , di naman pagkain yan! Bumili ka ng pagkain dun!"

"Kelangan mangutos? Taena napaka mo. ikaw bumili dun tss . arayyyyy ano ba?!"

"bunganga mo! mura ka ng mura kababae mong tao. Isa pa paduduguin ko yan! Tumayo ka na at bumili ng pagkain natin!! Bawal akong bumili at baka makilala ako ng mga yan!"

"bahala ka ! ikaw bumili .. nakailan ka na sumbong kita kay kuya. Ginagawa mo akong alipin. Lalayasan kita dito kapag di ka bumili dyan.."



"Aiiiiiiissssshhhhh kapag ako nakilala ng mga toh sasabihin kong kinidnap mo ako.."

Hahahahahahaha susunod din naman pala. Puek nakailang kaltok siya sakin e. bahala siyang bumili.

Walang araw na hindi ko naiisip ang kasalanan ko kay suran at yung nangyari sa amin ni yoongi. Sana wala talagang makaalam na kahit na sino nito. Kapag naiisip ko yun ay natutulala ako at hindi umiimik ng ilang minuto. Noong nakaraang buwan ay naiiyak pa ako habang naiisip un. Pero ngayon nilalabanan ko na. ayokong mag alala ulit ang mga kaibigan ko sakin.

Nakabalik na si V na may dala dalang pagkain. May bitbit siyang isang tray kitang kita ako kung gaano karami ito. Dahil alam niyang marami ako kung kumain. Nagsisimula na kaming kumain ng ma naamoy akong hindi maganda sa pang amoy ko parang babaliktad ang sikmura ko..

"Ang baho V! ano ba yun?"

"Wala namang mabaho ah. Bibig mo ata naaamoy mo malapit sa ilong mo yan. Sinabi ng magtoothbrush lagi e. damak ka talaga!"

"Seryoso ako V, mabaho nga! Ano ba yang kinakain mo? parang yan yung naamoy ko."

"teubokki at fishcake to. Anong mabaho? Ang bango bango nga at mukhang masarap naman tikman mo"

Nung inilapit niya sakin yung kinakain niya dun ko nakumpirma na iyon nga yung naamoy kong mabaho. Hindi na kinaya ng sikmura ko kaya tumakbo na ako sa gilid at sumuka ng sumuka.

HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon