"Sure ka na ba Lu, na sasabihin mo na sa kuya mo ang totoo? Pa'no kung magalit siya?"
"Hindi ko alam. Sana talaga hindi siya magalit. Sa kanya ko muna sasabihin bago kanila mama at papa."
"Tama yan Lu, pero pa'no si yoongi-oppa?"
"Hindi ko naman sasabihin."
Andito kami sa bahay ngayon. Kasama ko si V at dahyun. Hinihintay namin na dumaing si kuya. Hindi ko na kase talaga maitatago ito. 6 months na masyado ng Malaki . ilang buwan nalang manganganak na ako.
Nagulat nalang kami ng bumukas ang pinto. Si kuya at kasama si yoongi. Bakit ba laging sumasama yan. Sinabihan ko si kuya na dapat siya lang e. buti nalang nakatayo agad si V at dahyun para harangan ako.
"Bakit nyo hinaharangan si Selene? May nangyari ba? Saka bakit andito ka V?"
"Ahh ano kasi jin-hyung ahm. Ayyssssh"
Kumapit ako sa likod ni V na parang nakayakap ako sa kanya. Hindi pa ako handa Makita ni yoongi na ganito. Ayokong malaman niya ang totoo.
"Kuya, bakit kasama mo si yoongi? Di ba sabi ko ikaw lang?"
"Gusto ka daw niyang Makita e. bakit ka ba nagtatago sa likod ni V? hinila nia ako mula sa likod ni V
"Hyung/oppa!!!! " Dahyun/V
"Se-selene? Bu-buntis ka? Si-sino? Pa-paano? Selene?!"
Naiyak nalang ako dahil alam kong galit si kuya. Dapat pala sinabi ko na umpisa palang. Galit siya. Hindi ko kayang magalit si kuya. Kung galit siya malamang magagalit din ang mga magulang ko.
"V? Dahyun?! Ano to? Alam nyo pero hindi nyo sinasabi sa amin?! Lalo ka na V! ikaw ba ang ama ng bata?! Sumagot kayo?"
"jin-hyung, magpapaliwanag kami please humina------"
Nagulat nalang kami ng biglang sinapak ni kuya si V. kaya lumapit ako sa kanya para awatin siya. Si Dahyun naman ay nakalapit na kay V para alalayan ito sa pagtayo.
"Nagtiwala ako sayo V . hindi ako naghinala dahil alam kong wala kang gagawin pero ano to? V naman! Bakit si Selene?!"
"Kuya, kuya please tama na. hindi si V kuya hindi siya. Please tama na please"
"Eh sino?!!! Baka pinagtatakpan nyo lang. Dahyun?! Sino ang tatay?! Sabihin mo?!"
"Sorry oppa. Si Luna dapat ang magsabi sayo , pero sinisiguro kong hindi si V yun. Please po huminahon ka muna."
"Si Jimin ba?!! ano?!!!"
Wala na akong naiintindihan sa mga sinasabi nila basta naririnig ko si yoongi na tinatawag ako paulit ulit . sobrang sakit ng tiyan ko at hilong hilo na ako. please baby kapit lang . wag kang bumitaw ka mommy please. Napalingon pa ako kay yoongi saglit And everything went black
Nagising ako na nasa hospital room ako. napabalikwas akong ng bangon. Ang baby ko?
"Misis, huminahon po kayo. Makakasama po sa inyo yan."
"Ang baby ko?"
"Maayos naman si baby misis. Malakas ang kapit ni baby at healthy din"
Salamat sa diyos at maayos ang baby ko. nung umalis na ang nurse nakita ko na andito pala silang 4 sa loob ng kwarto. Si kuya nakatingin sa akin si dahyun naman nililinis yung sugat ni V. at si yoongi nakita kong tumayo at sinenyasan yung 2 na iwanan muna kami ni kuya dito sa loob.
"Kuya, im so sorry kuya. Wag ka ng magalit kuya. Di ko kaya na galit ka"
"Shhh. Hindi ako galit. Nabigla lang talaga ako kanina. Hindi ko alam na ganan na kalaki ang tiyan mo. bakit ka naglihim sa akin. Higit sa lahat kay yoongi."
"Kuya pano mong nalaman?"
"Nagtaka lang ako kanina. Iba ung pag alala niya sayo, nakumpirma ko yun nung tinanong ko si v at dahyun. Wag ka mag alala hindi namin siya kasama kanina dahil siya yung nakikipagusap sa doctor"
"kuya kasalanan ko. hindi ko siya pinigilan nung mga oras na un. Kuya hindi ko sinasadya. Magagalit siya sakin lalo na si suran kuya. Hindi ko kaya na magalit ang mga kaibigan ko sa akin"
"Shhhh tahan na. sa tingin ko may alam si yoongi. Lagi siyang balisa nitong mga nakaraang buwan at lagi niyang tinatanong si jimin kung kamusta ka dahil nga lagi mong kasama si dahyun. Pero wala din naman masabi ang isa dahil walang kinukwento si dahyun about sayo."
"Kuya pa'no sila mama at papa baka magalit sila sakin."
"Wag mo na isipin yun. tinawagan ko na sila sa nangyari. Uuwi daw sila dito sa susunod na linggo. Magpalakas ka para Makita kong malusog ang pamangkin ko. "
"Kuya . salamat at sorry"
Pagkatapos namin magusap ni kuya ay parang nabunutan ng tinik ang puso ko. hindi ko na nakita yung 3 hanggang sa makalabas ako. pinauwi na ata ng kuya...
Kinabukasan ay hindi na muna ako pumasok sa trabaho dahil narin sa advice ng doctor na kailangan ko mag bed rest pero paano yun e ako lang mag isa. Hindi ko sinabi kay kuya at dahyun dahil alam kong busy sila. Kaya naman pagkatapos kong maligo ay lumabas agad ako ng kwarto pero may naamoy akong pagkain. Andito pa pala si kuya. Kaya dali dali akong pumunta ng kusina.
"Ku—yoongi?!"
"selene gising ka na pala. Umupo ka muna. Dapat di ka na bumangon ihahatid ko nalang sa taas yung pagkain mo. pero andito ka na umupo ka muna. Ipagtitimpla kita ng gatas. Maganda para kay baby yun."
"A-anong ginagawa mo? bakit andito ka?!"
"Nagsabi ako sa kuya mo. sorry dapat pala nagpaalam ako sayo. Upo ka na"
"Hindi! Anong ginagawa mo dito? Bakit mo ginagawa to?"
"Inaalagaan ka. Sabi sakin ng doctor bedrest ka muna. Saka umiwas ka sa stress. Makakasama sa baby natin yan."
"Natin? Sinong may sabi sayong sayo to?"
"Alam kong akin yan selene. Naalala mo nung tinanong kita kung buntis ka? Alam kong sakin talaga yan. Dahil alam kong ikaw ang kasama ko nung gabing yun. nakita kita sa cctv na umalis ka ng bahay ko. kaya sinundan kita sa ospital at narinig ko kayo ni dahyun na naguusap. Please wag mo ng itago selene. Papanagutan naman kita."
"Hindi pwede yoongi. Masisira ang career mo saka image mo sa mga tao masisira ang pangarap mo please . kaya kong buhayin to . lalayo kami sayo"
"Paano ako? anak ko rin naman yan. Parehas naing ginusto yan. "
"Hindi yoongi . napagkamalan mo lang na ako si suran kaya wala kang pananagutan sa akin. Ako ang nakakaalala ng lahat ng nangyari kaya hayaan mo na ako please?"
"No! I can't let you go, please Selene I will marry you. nakausap ko na si bang pd-nim kahapon. Pumayag na siya pero dapat hindi natin ipupublic. Pananagutan ko yan Selene."
"Pero hindi mo ako mahal. Si suran ang mahal mo hindi ako. hindi ka dapat magpakasal sa taong hindi mo mahal. Kaibigan ko si suran . hindi mo ako mahal "
"sinong may sabi sayong hindi kita mahal?"
Napatingin ako sa sinabi niya. totoo ba ito? Pero paano si suran? Ayokong mawalan ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
HIDE & SEEK
FanfictionCharacters: Luna Selene Valdemor Daniella Choi Janine Abrigo Suran Dahyun Kim Namjoon Kim Seokjin Min Yoongi Jung Hoseok Park Jimin Kim Taehyung Jeon Jungkook James Oliver Cortez George Lee Author's Note: Isipin nyo nalang kunwari marunong sila magt...