4

4 1 0
                                    

Natapos na yung event pero itong Dani na to ayaw akong pansinin bwesit to. Nagtatampo parin dahil niyakap ako ni Jin kanina.

Di daw siya papayag kasi siya hinawakan lang daw ang kamay tapos ako nayakap. Asawa niya daw yun. Feeling niya daw nagcheat sa kanya si Jin hahahaha :D :D



“Wag mo nga akong tinatawanan dyan. Nakakota ka ngayon  ah! Kala mo di ko napansin? Ang tagal mo kay suga kay jimin at kay namjoon tapos kay jin pa.. naku kung alam ko lang ganyan mabroken hearted edi sana nagjowa na ako kahit isang beses lang tapos magpapaalo ako sa bangtan!”

“di ka pa nagkakaboyfriend eversince? “

“hoy Grabe ka sakin ah. Atleast ako di naloko noh.”

“hoy masakit ka na magsalita ahh..”

“totohanan lang bes. Ahahaha atleast di ako plastic.”

“Anyways, thank you Dani ah. I have a new friend at army pa. shocks. Ikaw ang pangatlo kong kaibigan dito sa korea.”

“Bakit 3 lang? Grabe be meant to be tayo ahahaha wala akong friends e. kase wala akong friends. E dati meron ngayon waley. They call me freak because I stan bts. Yes. Di nila matanggap na yung fave nila nalalamangan ng bangtan :DDDD galit nag alit sa bangtan e kala mo naman mapapansin sila ng mga faves nila :DDD”

“Hoy ang mean ha. Hahahaha thank you Dani. See you next time. Text tayo at call kapag di tayo busy..”

“Sure babes, So dito nalang ako. Andito na ang aking pink na kotse hahahahaha Jinnie baby meet my frenny, frenny heres my car jinnie.”

“Nakakaloka ka talaga dani :DDD”




Sumakay na ako sa kotse ko para umuwi. Buti nalang talaga andiyan si Dani to light up my mood kung hindi di ko alam kung ano na mangyayari sakin.. I really remember this day that I met her :DDD

Pagkauwi ko ng bahay nagtaka ako kung bakit bukas ang mga ilaw sa loob. Naiwan ko bang bukas ang mga yan kaninang umalis ako? Pero imposible kase kanina bago ako umalis chineck ko lahat kung nakapatay ba. Si kuya lang may alam ng passcode ko at may remote ng gate ko. Does it means. Oh my gosh!!!! :O

Pagkapasok ko bumungad agad sakin ang mabangong amoy galing sa kusina. Andito nga talaga si kuya. Tumakbo agad ako sa kanya suot nya yung kulay pink na apron nya. Kitang kita ko yung malapad nyang balikat. Niyakap ko siya sa likod. Miss na miss ko na si kuya, marami akong ikukwento at isusumbong sa kanya.


“Sus namiss naman ako masyado ng baby sister ko”


“Kuya, miss na miss na kita kuya. Akala ko di muna ako pupuntatahan dito e. ang lungkot lungkot mag isa kuya . wala man lang ako mapag sabihan ng problema ko.”


“Bakit umiiyak ka? Sinong nang away sayo ha? Asaan mga kaibigan mo? hindi ka ba pinupuntahan ni James dito?”


“Nakipaghiwalay na ako sa kanya kuya, niloko na naman niya ako. Natauhan na ako kuya di na ako makikipagbalikan sa kanya.”


“Mabuti naman at natauhan na ang baby ko. Hinayaan ko lang siya noon nung una kang nagsumbong sa akin kase nakita ko na masaya ka sa kanya. Pero ngayon di ko papalampasin to. Ampayat payat pa naman ng ex mo. walang wala sa balikat ko yun e”


“No kuya, sabi nga ni mama at papa di ba wag tayong gumanti sa mga taong gumawa ng masama sa atin. Bahala na ang diyos ang magparusa sa kanila.”


“Napaka bait mo Selene. Bakit nagawa ka nyang lokohin. Tss. Hayaan muna natin yun. Ipinagluto kita ng paborito mo “


“Salamat kuya , yan talaga ang pinaka namiss ko sayo , ang masarap na luto mo :DDDD”




Habang kumakain kami ay tinanong ko siya kung hanggang kalian siya sa bahay, sabi niya binigyan daw sila ng 1 week ni Mr. Bang para magbakasyon bago sila maging busy para sa world tour nila.

Dahil namiss namin ang isa’t isa nagmovie marathon kami ni kuya. At nagpost din ako sa IG account ko di pwedeng ipakita ang mukha ni kuya dahil baka mabash ako at maiship ako sa kanya hahahahaha

Pagka pangatlong araw na board na si kuya sa bahay kaya inaya ko siyang sumama sakin sa coffee shop at magpunta ng amusement park . dahil weekdays naman, wala gaanong tao sa amusement kaya walang makakapansin sa kanya at sa amin.

Pinaupo ko siya dun sa malapit sa counter para kung halimbawang may makakilala sa kanya madali siyang makapasok sa opisina ko.

May daanan dun papuntang parking lot kaya madali siyang makakatakas.
Wala din masyadong customer dahil ordinaryong araw at oras lang naman ngayon.

Andito ako sa may counter nakikipag kwentuhan kay Janine at George si kuya naman may ginagawa. Parang nagsusulat ata ng kanta niya.



“hoy ate girl ahh. Yaan ba yung sinasabi mo saamin na kapatid mo ha? Bakit parang ayaw magpakita ng mukha? Di ko tuloy masight kung gwapo ba para makapagpalahi naman ako sa inyo. Ganda mo e malamang gwapo si kuya hahahaha”


“Janine, may makarinig sayo ah. Baka isipin nila anong klaseng babae ka. Medyo nakita ko mukha nya kanina. Gwapo nga pero di ko bet. :DDDD”


“Baklang to aagawan pa ako hahahaha ay wait nakatingin dito si kuya, type din ata ako hahaha”



Kaya lumingon ako kay kuya para malaman kung bakit . pinapalapit nya ako kaya nilapitan ko siya.

Nagugutom na daw siya, pagtingin ko sa oras past 12nn na pala kaya pala gutom na. ang takaw takaw pa naman nito.

Magpapadeliver nalang ako ng pagkain. Walang matinong pagkain dito puro cakes at coffee lang ang nandito. Ang takaw takaw pa naman nito.

Sa opisina ko nalang kami kakain baka kase may makakita saamin. Umorder ako ng pang 6 na tao. Dahil wala naman silang pang apatan .

marami naman kumain si kuya kaya ayos lang. Lumabas ako ng office ko para tawagin si kuya ng hindi nakatingin sa kanya.



“Jin Oppa, andun na yung inorder ko. Kain na ta---- Oh my gosh Mr. Yoon?!!”



Sa gulat ko napasigaw ako kaya napalingon ang iba sa amin pero pasalamat ako at di na sila nakiusyoso pa. buti nalang at lumingon lang sila sandali at di na tumingin ulit.



“I’m here to order iced Americano and cupcakes that you gave us during fan meeting.”


“sorry but the cupcakes are not available right now. I don’t sell it. It’s my personalized cupcakes. The available here is cakes and pastas only”


“okay 1 two shots iced Americano please”



Tinawag ko si Janine para siya ang gumawa ng kape ni mr. yoon pero hindi siya pumayag gusto niya ako ang magtimpla ng kape nya. Pinapasok ko muna sila sa opisina ko dahil mahirap na medyo dumadami na rin ang tao at napapalingon na sa kanilang 2..



“Here’s Your coffee Mr. Yoon.”


“its too formal, I feel like im old everytime you call me mr. yoon. Yoongi will do.”


“But you are older than me. Can I call you Yoongi oppa?”


“Sure. Jin hyung do I need to know something I don’t know? I need an explaination, what is the meaning of this?"



Bago pa makasagot si kuya kumatok si Janine ng napakalakas at binuksan ang pinto. Nagulat siya sa nasaksihan niya pero naggesture nalang ako na wag siyang maingay.



“Sorry for interrupting you guys, but there’s a reporter outside may nakakita daw kasi na netizen sa 2 member ng BTS kanina sa labas at pinost online kaya sumugod dito mga reporter.”


“What? Gosh oppa You need to go. Isama mo si yoongi oppa . sa bahay muna kayo. Ikaw na magdrive susunod ako dun.”


“But my car is infront of your café . how can I come out?”


“If you don’t mind, I will drive your car give me the key we don’t need time.”




Pagkabigay niya sakin ng susi ay umalis na sila. Bitbit pa ni kuya yung inorder ko pero nag iwan siya para kay Janine at George . si kuya talaga pagdating sa pagkain iba talaga.

HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon