16

1 0 0
                                    

May lumabas na article na may gf na nga ang ibang bangtan members. 3 sa kanila ang tinutukoy dito. Napicturan kase na kasama nila ang mga babae. Ang tinutukoy dun ay si kuya, yoongi at jimin.




Ako ang nililink nila ngayon kay kuya. Kalat na kalat sa social media yung yakap yakap ako ni kuya habang palabas sa café. Fuck napaka malisyoso ng mga tao. Well di mo rin masisisi dahil nga wala naman silang alam. Nanghahawak nalang ako sa mga taong alam ang totoo.

May natatanggap akong mga hate comments mula sa mga fans and marami din naman ang positive. Ang kaso di naman kami magkasintahan ni kuya e. MAGKAPATID KAMI!!!! Wag sanang malaman ito nila mama at papa . mas mahihirapan silang lalo na ipakilala si kuya sa public..

Yung kay jimin at dahyun na-confirm na ng both agencies na sila nga. Well okay naman na kami ni dahyun . nagsorry naman siya sa akin kaharap ang ibang member.







As of dani wag daw akong maniwala dahil kung sincere siya ay pwede naman siang magsorry ng kami lang pero pinatawag niya pa ang iba para ma witness na mabait siya "kuno". Well alam kung hindi siya sincere about dun pero hinayaan ko nalang because ayoko pa ng dagdag sakit sa dibdib.

Suran and Yoongi is not good right now. Ayaw ng agency ni suran na magka-boyfriend siya kahit pa sinabi ng dalawa na high school palang ay sila na. maraming hate commens na natatanggap si suran sa mga fans.







Tinawag pa siyang famewhore dahil ginagamit lang daw  niya si yoongi para sumikat agad. Hays wala silang alam sa mga istorya namin bakit sila ganyan.

Pinagbawalan muna na lumabas labas si suran at ang bangtan maliban kay jimin dahil naconfirm na sa public na sila nga at si kuya dahil kailangan niya akong bantay bantayan.




 Masakit para sakin yun. Bakit hindi niya ako pinagpaliwanag manlang. Sasabihin ko sa kanya na magkapatid kami ni kuya kung hinayaan nya akong makipagusap sa kanya.





Bakit jimin? Alam kong mahal niya pa ako. nagdrunk call kasi siya last time. Sinabi niya na mahal niya ako pero dahil nga naipublic na yung sa kanila ni dahyun hindi na niya magawang ipaglaban ako.

Bakit ngayon mo lang sinabi? Sana noon pa para naipaglaban din kita..

Si  kuya umuuwi naman araw araw para icheck kung okay lang ba ako. nalaman na kase nila mama sa US kaya pinababantayan ako kay kuya dahil baka may baliw na fans na umatake sakin. Umaalis din naman siya agad dahil kailangan niyang sa dorm matulog.

Hindi rin ako pumapasok dahil sariwa pa ang issue kaya si Janine at George muna ang pinahandle ko ng café .

Burong buro na ako dito sa bahay. Gusto kong lumabas pero pano ? hindi ako papayagan lalo na ni dani kapag inaaya ko silang lumabas sila nalang ang nagpupunta dito sa bahay.




Sumasama palagi si v kay kuya para hindi masyadong halata at isa si v sa mga nakakaalam na magkapatid kami ni kuya.

Kaya nagkaron ako ng idea na isama si v sa bar na pupuntahan ko. Pumayag naman siya. Hindi nalang daw siya iinom dahil walang maghahatid sa akin pauwi..

Habang nagsasaya ako ito namang isang katabi ko kala mo kung sinong kabadong natae. Hinahanap na daw siya sa dorm dahil ang paalam niya ay may bibilhin lang siya pero ayaw namang umalis dahil ayoko pang umuwi.





Hanggang sa nakita namin si yoongi na pasuray suray na. tumayo agad si v para alalayan siya. Medyo tinamaan na rin ako ng alak pero di ko pinapahalata kay v dahil mag aaya na to pauwi malamang.

HIDE & SEEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon