Chapter 34

1.9K 54 0
                                    

Nandito ako sa supermarket sa loob ng mall dahil naisipan kong mag grocery, wala na akong stocks ng pagkain sa bahay.

Puro nalang mga instant noodles ang nakakain ko sa umaga, namimiss ko na ang mga luto ni Manang Ester sa bahay, hindi na ako nakakakain ng maayos ngayon, namamayat na nga ako eh.

"Miss pwede ba tumingin ka nga sa nilalakaran mo!" galit na sita sakin nung babae na nasanggi ko, lumulutang kasi ang utak ko kaya hindi ko na napapansin ang nasa paligid ko.

"sorry hindi kasi kita napansin" hinging paumanhin ko habang nakatungo

"ok lang Miss pasensya ka na rin" sabi nung laking kasama nya, yumuko nalang ako at napansin ko na naglalakad na sila palayo sakin

Naalala ko na naman si Chaz, sana sya ang kasama ko ngayon, lagi kasi nya akong sinasamahan mag grocery dati. Nakaramdam na naman ako ng pagkirot sa dibdib ko at tumingala ako para hindi tumulo ang nagbabadyang luha ko. Masakit pa din pala at parang lalu pa akong nakakaramdam ng sakit sa isiping hindi man lang nya ako nagagawang harapin.

Papunta na ako sa counter upang magbayad nang may madaanan ako na mga magazine na nakadisplay malapit sa counter at nakita ko ang isang magazine na si Xander ang cover, kinuha ko ito at tiningnan. Tingnan mo nga naman ang mokong cover ng isang magazine, anu pa nga bang aasahan ko eh sya ang anak ng may ari ng isa sa pinakakilalang publishing company sa bansa. May mukha naman talaga sya at masasabi ko ding maganda ang pangangatawan nya, matalino din sya yun nga lang mukha syang playboy.

"Miss 7,385 pesos po" natigilan ako at napalingon ako sa cashier na nagsalita.What? tiningnan ko ang groceries ko at laking gulat ko nang makita ko ang mga pinamili ko, sa sobrang paglutang ng isip ko kanina ay basta nalang pala ako kumukuha ng kung anu ano.Nakakahiya naman kung ipapabalik ko yung iba kaya kumuha ako ng cash sa wallet ko at ibinigay sa cashier.

Nasa parking lot na ako at inaayos ko ang mga pinamili ko sa sasakyan. Oo nga pala may nadaanan akong bake shop kanina habang pabalik ng parking lot, gusto kong bumili ng blueberry cheese cake at balak kong iuwi sa bahay kaya naman bumalik muna ulit ako sa loob na mall.

Umupo muna ako sa pangdalawahang table habang hinihintay ang cake na inorder ko nang may biglang umupo sa harapan ko

"hey Savannah!" nakangiting bati nya sakin, napansin ko naman na naka three piece suit sya.

"anong ginagawa mo dito?"

"bumili ako ng ilang gamit ko, pauwi na sana ako nang mapadaan ako dito at nakita kita kaya nilapitan na din kita" nakangiting pahayag nya, lalu syang naging gwapo sa suot nyang business attire

"bumili ka lang ng gamit mo tapos naka three piece suit ka pa?" tumawa naman sya bago nagsalita

"kagagaling ko lang sa MMG para sa isang presentation at dito na ako dumiretso,ikaw? may hinihintay ka ba dito?" ang MMG ay ang sarili nilang kompanya Martin Marketing Group, sila ang number one na kalaban ng Momarco pagdating sa marketing. Sasagot na sana ako kaya lang ay dumating na ang order ko.

"mam heto na po yung order nyo"

"thankyou"

bumaling ulit ako kay Dale

"ah wala ako lang,naggrocery kasi ako eh" sagot ko

"Si Wesley? bat di ka nya sinamahan?" tanung nya, nalungkot naman ako sa tanung nya at alam kong nagiba ang aura ng mukha ko ngayon

"wala sya" mahinang usal ko habang nakatungo, bigla namang may naglahad ng panyo sa harapan ko kaya napatunghay ako sa kanya.

"Dale" tawag ko sa kanya, bakit ba nya ako binibigyan ng panyo. Nagulat nalang ako nung dumampi ang panyo nya sa mga pisngi ko, may luha na pala ako, hindi ko man lang namalayan.

Love at First Sight (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon