Chapter 8 : confirmed

3.2K 86 9
                                    

*dugdug...dugdug...*

yung puso ko bakit ganun mag-react? 

Isang lalaki na nakatayo sa harapan habang kumakanta.

"CHAZ???" hindi ko napigilang sambitin . Medyo malakas na banggit ko dahilan para mangunot ang noo ng lalaking nasa harapan ko.

Narinig kaya niya?

Napatingin sya sakin. Heto na naman yung kakaibang pakiramdam ko. Parang nawala ang mga tao sa paligid ko at tanging sya nalang ang nakikita ko. Nagpapatuloy pa din sya sa pagkanta habang nakatitig sakin?

-- and I will take

you in my arms

and hold you right where you belong

till the day my love is through

this I promise you

this I promise you

"oh Wesley" sigaw ng ilang kababaihan

Wesley? sya? sya yung nakita ko sa airport at Wesley nga ang pangalan nya at hindi Chaz . Pero maaari nga ba na iisang tao lang sila?

Matagal kami nakatitig sa isat isa at hindi ko maalis ang paningin ko sa kanya.

-- just close your eyes

each loving day

I know this feeling won't go away

till the day my love is through

this I promise you

this I promise you


Biglang nagsalita si Meghan kaya naman nabaling ang atensyon ko sa kanya

"couz hindi ba sya... sya yung nasa... yung nasa picture?" tanung nya habang hindi inaalis ang paningin sa harapan.

Pati si Meghan ay iyon din ang inaakala. Napatango nalang ako.

May biglang lumapit samin.

"hi Savannah , nandito ka rin pala?" - si Dale bakit nandito din sya? sobrang liit naman yata ng mundo.

"Dale???" bulalas ni Meghan sa pagkamangha

"Magkakilala kayo???" tanung ulit ni Meghan

Ngumiti lang si Dale

"oo classmates kami" sagot ko

"sige couz mauna na akong bumalik sa table natin sunod ka nalang ha" paalam ni Meg

"ok sige" sagot ko

Naiwan na kaming dalawa ni Dale

"hindi ko akalain na magkikita tayo dito" masayang tinig ni Dale

"oo nga eh kahit saang lugar ata ay nagkikita tayo"

"haha.. wala nga sana akong balak na umattend dito kaso pinilit lang ako ng kapatid ko, malapit na kaibigan kasi ng pamilya namin ang pamilya nila Harvey" paliwanag nya

"ganun pala, pinsan ko naman ang Bride"

Tumaas ang kanang kamay ni Dale at parang may kinawayan.

Magpapaalam na sana ako kay Dale dahil balak ko na bumalik sa table namin baka hinahanap na ako nila mama at ni Meghan ngunit parang nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sino ang taong papalapit sa pwesto namin ni Dale.

Love at First Sight (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon