Chapter 35 Part I

2.1K 58 4
                                    

"good job" masayang sambit ni Xander sa mga empleyado nya dahil tatlo sa mga project ng company ang naging successful.

"thank you Sir" sagot ng mga empleyado.

"at dahil dyan pwede na kayong umuwi ng maaga ngayon" nakangiting pahayag nya, nagsigawan naman ang mga empleyado nya at dali daling inayos ang mga gamit nila.

"sige po Sir mauna na po kami thank you po" paalam sakanya ng employees nya

"6:00 am ang call time bukas ha" paalala pa nya bgo nagsilabasan ang mga empleyado nya. Bukas ay may outing daw kami para icelebrate ang tagumpay ng project ng company, humahabol pa sa summer ang outing namin kahit May na,kaya bukas ay walang pasok sa kompanya nila.

Nag aayos na din ako ng gamit ko para maaga din ako makauwi, 1:00 pm palang oh di ba bongga? maaga nagpauwi si bestfriend, yun na kasi ang tinatawag ko sa kanya sa labas ng company.

"oopss! san ka pupunta?" hinarang nya ang isa nyang braso sa daraanan ko

"san pa edi uuwi? di ba sabi mo pwede na kaming umuwi?"

"yes, except you!" nakangiting saad nya, humalukipkip ako sa harapan nya at tinaasan ko sya ng kilay

"unfair naman yata yon?" nakangusong sambit ko, tumawa naman sya at inakbayan ako

"tara na sasamahan mo pa akong mamili ng babaunin natin para bukas" nakaakbay sya sakin habang naglalakad kami palabas

"teka lang panu naman yung sasakyan ko?" pigil ko sa kanya nung maalala ko na dala ko nga pala ang kotse ko.

"iwan mo nalang muna, safe naman yun dito" di na ako tumutol at pumasok na ako sa kotse nya.

"parang iba na yata yang kinukuha mo ah, nakakadami ka na ha"

"ito naman minsan lang eh" nagpapacute na sambit ko sa kanya, panay lagay ko kasi ng chocolates sa cart na tinutulak nya.

"ang hilig mo talaga sa chocolates" napapailing nalang sya, di naman nya magawang makatanggi sakin.

"bestfriend hindi ba masyadong marami ata tong pinamili natin?"

"kulang pa nga yan eh" natatawang aniya

"sabagay sa dami natin, tara na magbayad kana para makakain na tayo" tatawa tawa kong saad sa kanya, nakakalimutan ko ang mga problema ko kapag kasama ko si Xander, medyo nagiging close na talaga kami at kumakapal na din ang mukha ko sa kanya.

"gutom ka na ba? sige tara na magbayad na tayo" mabilis kaming pumila sa counter upang magbayad

"san mo gustong kumain?" tanung nya

"gusto ko ng pizza sa greenwich" I said smiling at him

"sige ilalagay ko lang muna sa kotse tong pinamili natin,hintayin mo nalang ako don" tumango nalang ako sa kanya tapos ay naglakad na sya papuntang parking lot. Naglakad na din ako papunta sa greenwich, trip ko talagang kumain ng pizza ngayon, nakakatuwa lang isipin na talagang magkasundo na kami ni Xander ngayon.

Habang naglalakad ako ay napadaan ako sa isang boutique, napatigil ako dahil sa nakita kong summer dress,naalala kong wala pa pala akong susuotin para bukas sa outing namin kaya naman pumasok ako dito,malapit lang naman ang greenwich dito kaya kung dumating si Xander ay mapapansin ko agad sya.

Patuloy lang ako sa paghahalungkat ng mga damit nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses kaya hinanap iyon ng mga mata ko.

"miss wala ba kayong medium size nito?" tanung nya sa sales lady

Love at First Sight (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon