Chapter 9

3.2K 83 0
                                    

Nakauwi na kami sa bahay. Ako naman ay naisipan ko munang dumiretso sa balkunahe ng bahay namin. Umupo muna ako sa pasmano at napatingin ako sa kalangitan, ang sarap lang ng ganitong pakiramdam nakakarelax. Nakakahinga ako ng maluwag.

Ilang sandali pa akong nakatitig sa kalangitan at parang biglang lumitaw ang imahe ni Chaz duon. Napapikit nalang ako ng mariin.

Hindi ba dapat masaya ako? dahil pagkatapos ng ilang taon ay nakita ulit kita... pero bakit parang iba ang nararamdaman ko.

Napabuntong hininga nalang ako.

"ang lalim nun ah" - napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Kuya James hindi ko namalayan na nakalapit na pala si kuya sakin.

"ikaw pala kuya"

"para san naman yun?" usisa nya sakin na para bang binalewala niya ang pagpansin ko sa kanya

"wala kuya napagod lang ako"-palusot ko "bakit nga pala hindi ka nakaattend kanina?"

bigla syang napakamot ng ulo "ah..kasi biglang nagkaproblema ng kaunti sa kumpanya"- bulong nya "teka bakit parang mukhang nalugi ata ang itsura mo? may nangyari ba?"- tanung pa ni kuya

"wala naman pagod lang siguro ako"- wala sa sariling sagot ko

"tara na sa loob kung ganun para makapagpahinga ka na" sabay akbay sakin ni kuya papasok sa loob ng bahay.

Matapos kong magpalit ng damit ay nahiga na ako sa higaan ko. Pinilit kong ipikit ang aking mga mata para makatulog ngunit para akong kiti kiti sa higaan ko, hindi ko malaman kung anong posisyon ang gagawin ko para makatulog. Nababalisa ako

Nagising nalang ako dahil sa pakiramdam na may tumatapik ng marahan sa pisngi ko

"Savannah iha, gumising kana may klase pa daw kayo sabi ng gwapong binata na nasa baba"- si Manang Ester pala

Kinuha ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan at tiningnan ang oras. Napalundag ako sa higaan ko nang makita ko na 7AM na pala. 8AM ang klase ko 

Bigla namang nagflashback sa utak ko ang sinabi ni Manang sakin. Anu nga ulit yun?

"anu nga pong sabi nyo ulit manang?"

"sabi ng gwapong binata na nasa baba ay may klase pa daw kayo ngayong umaga kaya tumayo ka na dyan at mag ayos kana, Dave ata ang pangalan ng binata na nasa baba"

Napaisip naman ako dun. Dave? wala naman akong kilalang Dave. ahh si Dale ata ang tinutukoy ni Manang. Anu bang araw ngayon? TUESDAY? ibig sabihin ay magkaklase nga kami ngayong araw nato. Pero panu naman nya nalaman ang bahay namin? aishhh mamaya ko na nga itatanong

"sige po manang pakisabi nalang po kay Dale na hintayin nalang po nya ako at maliligo nako"

"ah Dale pala ang pangalan ng binatang yun akala ko ay Dave, oh sige na iha maiwan na kita at bilisan mo ang pagkilos baka mainip pa si pogi"

lumabas na sya sa silid ko at nagmadali akong tumungo sa bathroom

Nakabihis na ako ngayon binilisan ko ang pagaayos dahil baka malate ako ay kami pala.hehe

Pagbaba ko.

"Manang nasan na po si Dale?"

"Nasa labas na don ka nalang daw nya hihintayin, sige na at baka malate ka baunin mo nalang ito kainin mo habang papunta ka sa school"

Love at First Sight (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon