Chapter 28

2.1K 62 0
                                    

*cellphone ringing*

Napabalikwas ako sa tunog ng cellphone ko, pikit mata ko itong sinagot

"hello" I yawned

(goodmorning Love) si Chaz pala ang nasa kabilang linya, napamulat tuloy ako at parang nawala ang antok ko.

"Chaz aga mo namang tumawag" sinipat ko ang oras sa relo na nakalagay sa bedside table 6:00 am palang ng umaga at wala naman kaming pasok ngayon dahil bukas ay graduation.

(Sorry Love kung nagising kita, hindi na kasi ako makapaghintay sabihin sayo to eh) bigla naman akong naalarma sa sasabihin nya anu ba kasi yun at mukhang di na nga sya makapaghintay.

"anu ba yun Chaz?"

(parating na sila Mommy at Daddy, gusto ka na daw nilang mameet kaya mamayang gabi ay pupunta na agad kami dyan, ikaw nalang ang magsabi kay Mama) dirediretsong saad nya , what? para naman akong maiihi sa ibinalita nya nakakaramdam ako ng kaba at the same time nakakaramdam din naman ako ng pagkaexcite lamang nga lang yung kaba. Lalu akong nagising at napaupo na ako sa kama ko.

"o..oo sige Chaz, sasabihin ko agad kay Mama"

(kinakabahan ka ba Love? wala kang dapat ipagalala)

"hi..hindi ah nagulat lang ako"

(sige Love ibaba ko na muna, pupunta na kami ni Kendrick sa airport para sunduin sila, i love you)

"o..ok sige ingat kayo i love you too" hay napahawak naman ako sa dibdib ko pagkababa ko ng telepono. This is it! meet the parents ang drama ko mamaya, alam ko naman na mababait ang mga magulang nya kaya lang syempre first time ko silang makikita baka kasi hindi nila ako magustuhan at baka higit pa sakin yung ineexpect nila. Naipaypay ko nalang ang mga kamay ko sa mukha hooo! syete naman oh bat ba ako kinakabahan, ay oo nga pala bago ko ba makalimutan sabihin kina Mama, mabilis akong nanakbo palabas ng kwarto ko papunta sa kwarto nila Mama at Papa pero pagbukas ko ng pinto ay wala namang tao kaya naisipan kong bumaba baka nandun sila.

"oh iha ang aga mo yatang nagising" nakangiting bati sakin ni Manang Ester

"goodmorning po Manang nasaan po pala sila Mama at Papa?"

"nasa veranda sila, dun sila nagkakape ng Papa mo"

"sige po Manang salamat" pagkasabi ko nun ay mabilis na akong tumungo sa veranda ng bahay namin at hindi ko na nagawang lingunin si Manang dahil sa pagmamadali ko

Naabutan ko naman sila Mama at Papa na umiinom ng kape, lumakad na ako palapit sa kanila nakita na ako ni Mama at nakangiti na sya sakin ngayon.

"goodmorning iha" halik ni Mama sakin

"goodmorning Ma, Pa" bati ko sa kanila

"goodmorning iha mukhang excited kang bumaba at gulo gulo pa yang buhok mo" natatawang saad ni Papa

Oo nga pala ni hindi man lang ako nakapagsuklay o nanalamin man lang bago ako bumaba, baka may panis na laway pa nga ako at muta eh yay! nakakahiya naman, pagtingin ko sa paa ko wala din akong suot na sapin sa paa ko.

"eh kasi po nagmamadali na po akong bumaba, may importante po kasi akong sasabihin kay Mama ay sa inyong dalawa po pala"

"mukha ngang sobrang importante yan anak at hindi mo na nagawang magsuklay eh" nakangiting sabi ni Mama, napakamot nalang ako sa ulo.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ako nagsalita.

"pauwi na po ang parents ni Chaz at papunta na po sila Chaz sa airport para sunduin ang mga magulang nila" nakita ko naman na napaawang ang bibig ni Mama sa sinabi ko at nanlaki ang mga mata habang si Papa naman ay nanatili lang na seryoso ang kanyang mukha habang nakatitig lang sakin.

Love at First Sight (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon