Chapter 14

2.7K 74 2
                                    

"I never believed in love at first sight, never believed until I saw you that day"

Yan ang salitang paulit ulit kong naririnig sa aking isipan habang dinadama ko ang bawat paghalik nya sakin.

Naramdaman ko ang paghaplos ng mainit nyang palad sa likuran ko at ang isang kamay nya ay nakahawak sa ulo ko, kinabig pa nya ako palapit sa kanya upang mas lumalim ang bawat paghalik namin. Nakakahibang ang bawat paghaplos nya sakin na para bang ayoko nang matapos ang pakiramdam na ito.

Marahan nyang pinaghiwalay ang mga labi namin at habol hininga kaming pareho ng maputol ang halik na iyon.

"bakit ba niyayanig mo ang buong katauhan ko?" bulong nya na nagpabilis ng husto ng tibok ng puso ko. Nanatili lang akong nakatayo at nakatitig sa kanya ni hindi ko magawang magsalita na para bang may kung anong nakabara sa lalamunan ko.

"Savannah" namamaos na tawag nya sakin. Hinablot nya ako palapit sa kanya at mabilis na ikinulong ako sa mga bisig nya. Nag-iinit ang mga mata ko na para bang kahit anung sandali ay babagsak na ang mga luha mula dito.

"why are you doing this to me?" nanghihina na bigkas ko, hinampas hampas ko sya sa dibdib nya gamit ang isang kamay ko at ang luhang nagbabadya kanina sa aking mga mata ay tuluyan nang tumulo.

"sshhh...stop crying, I'm sorry" pag aalo nya sakin habang hinihimas himas ang likuran ko. Naramdaman kong dumampi ang labi nya sa ulo ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nya at rinig na rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso nya.

"sorry? sorry dahil pagkatapos nito ay iiwan mo na naman ako?" humahagulgol na sinabi ko

"sshhh.. sshh.. I'm sorry dahil nilayuan kita, I'm sorry dahil hindi ko agad narealized na mahal na kita" bulong nya. Tama ba ang naririnig ko na mahal nya ako?

"nahirapan din ako, ilang beses ko tinangka na lapitan at kausapin ka pero nauunahan ako ng kaba" humiwalay sya sa pagkakayakap sakin then he cupped my face, pinunasan nya ang mga luha ko gamit ang dalawang hinlalaki nya.

"hindi ko na hahayaan na malayo ka pa sakin" sinabi nya yon habang nakatitig sa mga mata ko. Yumuko sya ng kaunti para magpantay ang mga mukha namin then he claimed my lips again. Ramdam ko ang pagmamahal sa bawat paghalik nya sakin, sandali lang iyon.

"tara na iuuwi na kita" hinila na nya ako kaya hinayaan ko nalang ang sarili ko na magpatangay sa kanya.

habang tinatahak namin ang daan, ay hindi kami nag-iimikan nababalot kami ng katahimikan, kinuha ko ang cellphone ko at tinext si mang Vic na wag na akong sunduin. Sumulyap ako sa kanya ng bahagya, napatingin naman sya sakin, naramdaman siguro nya na nakatingin ako sa kanya.

Hinawakan nya ang kaliwang kamay ko gamit ang kanang kamay nya at dinala sa labi nya upang hagkan. Naramdaman ko ang mainit nyang labi na dumampi sa ibabaw ng kamay ko, pagkaraan ay ngumiti sya ng marahan sakin.

"teka Chaz pero hindi dito ang pauwi sa bahay namin" sandali syang sumulyap sakin

"alam ko, ang sabi ko sayo ay iuuwi na kita diba? pero hindi ko sinabi na iuuwi kita sa inyo" pagkatapos ay ngumiti sya ng nakakaloko

pakiwari ko ay namula ako sa sinabi nya kaya yumuko ako ng bahagya para hindi nya mapansin

Sa condo nya ako dinala. Nang makapasok na kami sa loob ay pinagmasdan ko ang kabuuan nito. Malinis, simple lang ang ayos pero magara ito, halatang lalaki ang nag mamay ari nito. Puro kulay itim at puti lang ang mga kagamitan dito pero parang hindi lalaki ang nakatira sa linis ng condo nya.

Love at First Sight (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon