Tahimik

19 3 0
                                    


Paligid ko'y hindi mawari 

Hindi ko maintindihan kung bakit

Bakit ganito, nahihirapan, nanghihinayang 

Dapat ba ganito ang aking mararamdaman


Nasa sulok, walang ilaw 

Nakayuko at hindi makagalaw 

Dapat ba ako magsalita? 

Inggit na inggit na ako 


Nanatiling tikom ang bibig sa magulong mundo 

Nagkawatak-watak, hindi pa rin makapagsalita 

Nakatingin sa kisame, hindi pa 

Hindi pa tamang oras para sa akin 


Madilim, walang makikita, naguguluhan ang isipan 

Makulimlim ang kalangitan, gusto kong sumabog at 

Gusto kong malaman pero wala itong laman 

Tumanggi akong magsalita, nananatiling tahimik 

Words UntoldWhere stories live. Discover now