Di ko alam kung saan magsimula
Di ko rin alam kung kailan ang huling araw na inisip kita
Oo, masaya ako sa mga araw na hindi kita iniisip
Masaya ako dahil sa wakas nakikita ko na ang sarili kong ngumiti
Ngunit bakit napanaginipan kita?
Anong dapat ibig sabihin 'nun?
Okay naman na ako
Pero bakit sa pagpikit ng aking mga mata ay ikaw
Ikaw ang nasa laman ng panaginip ko
Hindi lang isa kundi dalawang beses
Pag nabasa mo ito ano ang mararamdaman mo?
Iniisip mo pa rin ba ako kaya ako nananaginip?
YOU ARE READING
Words Untold
PoesíaWe carried a lot of bags and we need to get unloaded for us to feel that we are perfectly fine. So, instead of opening up to others that it is hard to do right now because of people who judge immediately, this is my way of expressing my feelings and...