Chapter 5 - Tears

704 25 1
                                    

Her POV

Maaga pa akong ginising ni daddy kasi kakausapin daw nila ako ni mommy, at wala naman akong kaalam-alam kung ano ba ang pag-uusapan namin. Kaya naghanda na ako at nagayos na at pumunta na sa office. Nandun na raw kasi si mommy naghihintay sa akin. And I don't want her to wait baka mapagalitan na naman niya ako.

Bago ako pumasok ay kumatok muna ako and I heard daddy allowing me to come in.

Kaya pumasok na ako sa loob. Nakita ko kaagad si mommy na nakaupo sa mesa niya while drinking her tea. And si daddy naman na nagbabasa lang ng dyaryo.

"Good morning, anak." bati sa akin ni daddy.

"Good morning, daddy."

"Halika, umupo ka muna dito. We have something to talk about." sabi ni daddy kaya lumapit naman ako sa kanila at umupo sa harapan ni mommy.

"Bakit dad? Anong pag-uusapan natin?" I asked.

"Alam naman nating lahat na we are still mourning about my mother's death at alam kung hindi madaling kalimutan ang grandma mo." sabi ni daddy.

"I know dad."

"But we need to move into another chapter anak. Kailangan na nating mag move forward at alam kung hindi rin gugustuhin ng grandma mo maging malungkot tayo. She wants our happiness, Hara."

I also know about that, dad. My grandma would definitely be sad if she will see me like this.

"I understand, dad." at nginitian ko siya.

"That's good to hear. Now, can we talk about business?" sabi ni mommy.

"What do you mean, mom?"

"Kasi anak, me and and your mom wants you to help in our hacienda. Kasi sa huli ikaw rin naman ang magmamana nito anak. We want you to help us manage it." sabi ni daddy.

Agad naman akong na pressure sa sinabi sa akin ni daddy. "But dad... I think hindi ko pa kaya. Ang laki kaya ng hacienda natin dad... I don't think I can handle it... and the people... I don't think I can manage them dad ang dami nila." sagot ko. Hindi ko kasi alam kung kaya ko ba talaga ito. Paano kapag nagkamali ako? Paano kapag dahil sa akin malugi lang kami?

"We are here anak, don't you worry." my dad assured e me.

"Dad..."

"Zahara, what's the use of studying in London if you can't apply it here?" sabi ni mommy at nakatingin na ito sa akin ngayon. Even at my age, I still fear my mother.

"Mom, it's not like that... I just.... I just doubt myself if I can really handle this." sagot ko sa kanya. Yes, I doubt myself kasi alam kung iba ang gusto kung gawin sa buhay. Wala akong hilig sa negosyo ng parents ko. I want to pursue what I love.

"Anak, that's why we are here. Para gabayan ka. Alam namin ng mommy mo na makakaya mo 'to. We just need your help, marami na rin kasing kakumpetensya ngayon anak." sabi ni daddy.

"Pero dad—"

"Is the reason why you are declining this, is because of your photography career?" tanong ni mommy and she sips her tea.

"No, mommy it's not like that—."

"I heard that you bought lenses for your camera last time, is this true?" she said and I know that she is mad already because of the tone of her voice.

"Yes, I did mom."

Agad namang tumaas ang kilay nito sa akin. "So, Zahara Alzate, are you telling me that you studied business in a prestigious academy in London just to pursue your photography?!" and this time she raised her voice at me.

Vampire's Possession (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon