Chapter 4 - Black Hoodie

800 30 1
                                    

Her POV

"Kumain po kayo ng marami ma'am Hara." sabi sa akin ni manang Nilla.

"Salamat manang." nandito ako ngayon sa dining room. Kumakain ng umagahan. Pero medyo late na for a breakfast.

"Eto pa ma'am oh, kumain pa po kayo ng marami." alok ni Rose.

"Oo nga, ma'am eto pa kanin oh." si manang Nilla.

It's good that I have them here. Kasi meron akong nakakausap. Palagi naman kasing wala dito sina mommy at daddy, kung nandito nga naman sa bahay palagi namang nakalugmok sa office. Madalas lang lumabas. Lalabas lang pagkakain na.

"I'm already full na po eh." kanina pa kasi nila ako inaalokan ng pagkain hindi ko na 'yon mauubos.

"Ganun po ba, ma'am? Uminom po muna kayo ng tubig." at binigyan nila ako ng isang basong tubig.

Masasabi ko talaga na alagang alaga nila ako dito.

"Thank you." at ininom na 'yong tubig.

"Sige po lilinisin na lang po namin 'to." sabi ni Gina.

"Sige, pakiligpit na lang po ha." sabi ko sa kanila.

"Kami na po ang bahala dito, ma'am Hara."

Kaya tumayo naman ako and I already wiped my mouth with the table napkin.

"Zaharaaa!" at parang mabibilaukan naman ako.

It's Andromeda!

What is she doing here?

"Oh, ma'am Andra napadaan po kayo." sabi ni Manang.

"Opo, manang. Good morning po sa inyo." bati niya kina manang.

At nadako naman ang tingin nito sa akin "Omg, Haraaa! Hello, I missed you!" at agad naman ako nitong niyakap.

Uhm? I just wanna asked her, if when we got this close? Because the last time we met it was the lunch time we had.

"H-hello." I awkwardly replied.

"Omg, it's so nice talaga na maging friend ka! Ang ganda mo kasi!" at niyakap niya naman ako ulit.

Yeah, she's loud and clingy.

"What brings you here pala?" I asked at kumawala na sa yakap niya. I have to go pa kasi.

"Wala naman, binibisita ka lang. We are friends right?" at ngumiti ng napakalapad.

"Uh, yes... yes. Kumain kana ba? Kasi kapag hindi pa, may foods pa oh." turo ko sa lamesa.

"Ah, no... no. I have already eaten my breakfast."

"I see." paano ko ba sasabihin sa kanya na aalis pa ako.

"So, anong gagawin mo for today? Gala tayo!" aya niya. Sina manang naman ay nagliligpit na ng pagkain sa mesa.

"Oh, I'm sorry, may lakad kasi ako. I have to go to the mall." sabi ko sa kanya.

"Really? Why anong gagawin mo dun?" she asked.

"Bibili ako ng lens ng mga camera ko." sabi ko sa kanya.

"Wow, so you really like photography." yes, I do so much.

"Yeah."

"Sasama na lang ako sayo, pleaseee." and she gave me the sweetest smile.

How can I reject her?

"Ohh, sure." and I smiled a little bit. Maybe, it's not that bad naman to be friends with her.

Vampire's Possession (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon