Chapter 9

45 2 1
                                    

TRISHIA'S POV

Matapos namin magusap kumain kami at inihatid ko na siya sa labas dahil marami pa raw siyang aasikasuhin. "Una na ako trish,lagi kang magiingat mahal na mahal kita." Nakangiti nyang saad ngunit napansin kong may mga luhang  pinipigilan nyang lumabas.

"Ingat, ikaw din lagi mong iingatan ang sarili mo paalam, salamat timothy sa maikling panahong nakilala kita at pinaramdam mo sakin na espesyal ako." Nginitian ko siya bago tumalikod at agad akong naglakad ng mabilis dahil ayokong makita niyang umiiyak ako.

"Kung kailan naman alam ko ng mahal ko na siya at sigurado na ako saka naman siya mawawala gusto kong maging selfish sabihing dito nalang siya dahil mahal ko na siya pero hindi pwede dahil ayoko namang masira ang kanyang pangarap na binuo nang dahil lang saakin." wala sa sarili kong nagsasalita habang umiiyak sa kwarto.

Tama nga siguro ang mga kaibigan ko na hindi ko na mahal si cal siguro dala lang ng pagkamiss ko sakanya dahil nasanay ako na laging siya at sa kakaisip na hanggang ngayon siya pa rin kahit na ang kabaliktaran nito ay hindi na talaga siya.

TIMOTHY'S POV

Pagtalikod sakin ni trish sumakay na ako agad sa sasakyan at agad ding umalis habang tinatahak ko ang daan tungo sa'king condo hindi ko mapigilang hindi umiyak, ang sakit pala hindi lang dahil natalo ka sa laban kundi napatunayan mong wala talagang chance na mamahalin nya rin ako, kaya siguro ito ang tama ang  pakawalan siya habaang maaga pa. sarili ko muna ang hirap mahalin ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba ang sakit.

Nang makarating ako sa condo ko nagpahinga muna ako bago maagayos ng mga gamit na dadalhin ko sa newyork.

Ang mga kaibigan namin ang naghatid sakin sa airport, hindi na siya sumama dahil hindi kinaya ng sched naintindihan ko naman sayang lang hindi ako nakapagpaalam bago umalis hindi ko manlang siya nasilayan kahit sandali, "Mahal na Mahal kita, Trisha walang magbabago pangako." Bulong ko sa hangin bago pumasok sa eroplano.

Wala pa man ako sa NYC namimiss ko na siya agad, ang maganda niyang mukha at magandang ngiti nya na nakakapagpasaya sakin, sana lang sa pagbalik ko muli kaming pagtagpuin para ipagpatuloy ang kung ano mang naudlot sa'min, dahil mula ng makilala ko siya wala na akong ibang gustong makasama kundi siya nalang.

Hindi ko akalaing magmamahal ako muli dahil sa nakaaran ko, ganon na ba ako kahirap mahalin? Kailan ba yung ako naman ung pipiliin, ung mahal, ung ipaglalaban. Ayoko ng magmukhang patay na patay sakanya kaya siguro sa pagbalik ko sa pilipinas at siya pa rin ay hindi ako agad aamin na siya pa rin dahil ayoko na masaktan ulit nakakatakot masaktan, ang duwag ko ba pakinggan? Pasensya na.

𝐼𝑘𝑎𝑤 𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑛𝑜𝑜𝑛 ℎ𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon