Chapter 8

73 2 2
                                    

TRISHIA POV

Ang sakit ng ulo ko tinanghali na ako ng gising napansin kung iba ang suot ko kaya naman tinanong ko si erna kung sino ang nagpalit sakin sabi niya siya daw dahil hindi naman pwedeng si tim ang magpalit sakin.

Kumakain na ako ng mapansin kung wala pang text sakin si tim nasanay kasi ako na tuwing gigising ako may natatanggap ako na goodmorning mula sakanya ngayon lang ata wala siguro tulog pa siya kay naman ako nalang ang unang bumati. Maya maya ay nagreply din siya.

Pupuntahan niya daw ako dito dahil may importante siyang sasabihin hindi ko alam pero bakit parang kinakabahan ako. naligo na ako at nagayos.

Maya maya lang ay dumating na siya may dala siyang bulaklak para sakin agad ko naman tinanggap ito at pinapasok na siya sa loob. "Ano nga pala paguusapan natin?" Panimula ko.

"Trish magagalit ka ba kung aalis ako? Alam kung nangako akong hindi ako aalis sa tabi mo at hindi ka iiwan." Seryosong tanong niya sakin. "Okay lang bakit saan ka ba pupunta?" Naguguluhan kong tanong.  "Newyork magt-trabaho ako dun, modeling." Sabi nya sakin habang nakayuko. Hindi na ako sumagot dahil bigla ulit siyang nagsalta.

"Pumunta ako dito para magpaalam at ipaalam na aalis na ako at ung panliligaw ko sayo? Ayoko namang itigil pero mukhang kailangan." Malungkot nyang saad.

"Kailan ba ang alis mo? Bakit gaano ka ba katagal dun?" Nalilito kung tanong.

"sa monday na trish, hindi ko alam baka 3,4,5 years hindi ako sigurado at ung tungkol naman sa panliligaw ko sayo ayoko ng nakikitang nahihirapan ka alam ko naman siya pa rin e kaya siguro sarili ko naman pero sana huwag mong isiping hindi na kita mahal, hindi naman ibigsabihin na titigil ako ayoko na sayo mahal kita trish mahal na mahal kaya ko to ginagawa." Lakas loob nyang saad saakin habang nakatingin sa mga mata ko nakikita ko ang lungkot sa mga mata nya, nasaktan ko nga siguro sya ng husto dahil halos sa loob ng limang buwan si cal pa din lagi ang nababanggit ko sakanya.

"Nasasaktan ako na nasasaktan kita i'm sorry." Malungkot kong saad. "Okay lang hindi mo naman kasalanan kung si cal pa rin talaga." Malungkot niyang saad. Gusto ko siyang pigilan huwag umalis at manatili lang sa tabi ko pero parang ang selfish ko naman kung gagawin ko yun.

"Is this goodbye?" Wala sa sarili kong tanong sakanya. "No, magkikita pa tayo maybe after 3,4,5 years at sana kapag pwede na pwede pa." Nakangiti niyang saad pero alam ko malungkot siya.

TIMOTHY POV

Naguusap na kami ni trish tungkol sa pagalis ko wala naman akong planong sabihin sakanya na aalis ako pero feeling ko deserve niyang malaman to.

Hinihiling ko na sana sa paglipas ng panahon kapag nagkatagpo tayo sana pwede na hindi ko alam kung hanggang kailan kita mahal pero kung sakaling ikaw pa rin sa pagbalik ko sana nakamoveon ka na sana pwede pa.

Nagpahanda siya ng pwede naming kainin sa meryenda. "trish." Tawag ko sakanya. "Bakit?" Sagot niya. "Hindi ka ba galit?" Tanong ko, hindi ko alam kung bakit ako nagtatanong baka nga ito pa ang gusto nya ang umalis ako dahil baka nakukulitan na siya saakin.

"Hindi, bakit naman ako magagalit desisyon mo yan at alam kung para sa sarili mo yan sana lang ay para talaga sa trabaho ang pagpunta mo sa newyork dahil baka dahil sa nasasaktan kita ang pagalis mo." Seryoso niyang saad sakin. "No, aalis ako trish para ipagpatuloy ang pangarap ko hindi dahil nasaktan mo ko, gusto ko lang din piliin ang sarili ko para man lang maranasan ko ang pinipili." Nakangiti kung saad sakanya.

𝐼𝑘𝑎𝑤 𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑛𝑜𝑜𝑛 ℎ𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon