TIMOTHY POV
Papunta na ako sa bahay ni trish para sunduin sya dahil may dinner kami tonight, malapit na ako sakanila kaya naman tinext ko na siya na lumabas na at sakto naman nakita ko siyang palabas na ng bahay.
Bumaba ako sa sasakyan para alalayan siya pumasok, iisa lang ang sasakyan na gagamitin namin para hindi na siya mapagod. Pagpasok ko sa loob ng sasakyan agad ko naman siyang kinamusta at nginitian. "Kumusta araw mo?" Tanong ko sakanya. "Okay lang medj nakakapagod but its okay masaya naman." Sagot nito ng nakangiti.
"Buti naman, tara na baka nagugutom ka na." Sabi ko dito at agad naman syang tumungo, buong byahe ay tahimik lamang kami mabuti nalang ay agad kaming nakarating sa restaurant na aming kakainan.
TRISHIA POV
Mabilis kaming nakarating ng restaurant at dinala naman nya ako sa isang VIP room exclusive para saaming dalawa lang dahil baka raw pagkaguluhan ako.
Maya maya lang ay dumating na din ang aming order at nagsimula siyang magdasal bago kami kumain. grabe iba talaga siya sa lahat nakaka-amaze ang mga taong kagaya niyang hindi nakakalimutan ang panginoon.
Kung wala lang sigurong cal minahal ko na to"hmm hindi naman siguro malabong mangyari un ang mahulog ako sakanya parang hindi naman siya mahirap mahalin." Bulong ko sa'king isipan.
Nang matapos kaming kumain ay nagkwentuhan kami about saming mga sarili, he also told me about dun sa girl na nagugustuhan nya pero mukhang mahirap kunin and i saw the sadness in his eyes.
Sana lang ay magkaroon na siya ng lakas ng loob na masabi sa babaeng yun na gusto nya ito. "Balang araw darating din ung araw na masasabi mo sakanyang mahal mo siya." nakangiti kung saad sakanya. "Sana nga" saad nya ng nakangiti rin.
TIMOTHY POV
"Paano kung ikaw yung babaeng tinutukoy ko? Anong gagawin mo?" Biglaan kung tanong rito, hindi siya agad nakasagot siguro nagulat siya.
"Ha? Well kung ako man hindi ko alam siguro ipapaliwanag ko sayo ng maayos na mahirap akong mahalin kaya huwag nalang ako lalo na ngayong nasasaktan pa rin ako sa nangyari samin ni cal." malungkot niyang saad.
"Paano kung wala akong pake dahil ang alam ko lang mahal na talaga kita noon pa, Paano kung handa naman akong maghintay? Maghintay na makalimutan mo siya." Seryoso kung saad dito.
"No, baka infatuation lang yan dahil kakakilala lang natin." Naguguluhan niyang saad.
"Matagal na kitang kilala, bago pa ako magsimula sa pagmomodelo kilala na kita lagi kitang napapanood nakikita kung saan saan sa tv sa magazine sa diyaryo sa billboard at kung saan saan pa. At lagi kung napapansin ang mga mata mo nangungusap na para bang nais ng makawala ng lungkot na bumabalot saiyong mata, nakikita nilang masaya ka pero ang hindi nila alam malungkot ka naman talaga sa loob mo." Seryoso kung saad dito. " at oo ikaw ang babaeng tinutukoy ko." Lakas loob kung dagdag.
Hindi na niya ako sinagot sa halip ay inaya nya na akong ihatid siya at umuwi wala naman akong nagawa kung yun ang gusto niya, nakakalungkot kang na hindi pa ako nagsisimula mukhang talo na agad. "pero hindi ibigsabihin non susukuan na kita." Bulong ko saking sarili.

BINABASA MO ANG
𝐼𝑘𝑎𝑤 𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑛𝑜𝑜𝑛 ℎ𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛.
FanficIsa lang naman ang gusto ko yung mahalin ng tapat at ipagmalaki ng lalaking mamahalin ko, sa kabila ng kasarian ko at mamahalin ako bilang ako. -Trishia Isa lang naman ang gusto ko ang mahalin ako ng totoo pero niloko ako akala ko sya na akala ko l...