Chapter 10

54 3 2
                                    


TRISHIA POV

Niyaya ko ang aking mga kaibigan na mag bar dahil mula ng umalis si tim nalungkot ako ng sobra dahil nasanay ako na araw araw nandiyan siya para mangulit,magbigay ng flower,pagkain ung mga goodmornings,goodnights,i miss yous,i love yous nya hinahanap hanap ko. hindi ko naman siya masisi dahil nasaktan ko talaga siya.

XYLO

Nauna akong dumating sa bar dahil maagang natapos ang shooting namin, nagulat ako dahil sa pagdating ng mga kaibigan ko kasama nila ang kaibigan nilang si timothy. "hoy bakit kasama sila?" tanong ko sa dalawa bigla namang sumagot si lance. "ay bakit bawal ba, kala ko ba magkakaibigan tayo?" sabat nito. "Hindi naman nagtaka lang akala ko kasi kaming tatlo lang." sagot ko dito at tumawa naman ito.

lumipas ang ilang oras at wala kaming ibang ginawa kundi ang uminom,tumawa at magsaya pero mas masaya siguro to kong nandito siya. nagulat ako ng bigla akong tapikin ni tatiana, "uy bakit tulala ka diyan." sabi nito. " huh? wala may iniisi lang." saad ko sakanya. " si tim?"hindi na ako sumagot dahil totoo naman at sumandal nalang sa upuan at tumingala para pigilan ang mga luhang gustong kumuwala.

"Ganyan talaga sa huli mo lang makikita ang halaga ng isang tao kapag tinigilan ka na o sinukuan ka na, ang sakit lang sa part niya kasi kailangan niya pa pala umalis para marealize mo na mahal mo na rin siya, pero sana huwag mong masamain un o sisihin ang sarili mo kaya siya nawala, dahil wala namang may gusto non umalis siya hindi para kalimutan ka kundi para sa pangarap niya malay mo sa pagbalik niya ikaaw pa rin pero alam mo, kung mahal mo na bakit hindi kaya ikaw naman ang maghabol sundan mo siya sa newyork." bigla niyang sagot muli pero ako? maghahabol? parang di ko kaya. "biro lang sa ikaw naman ang maghabol, siguro kagaya niya bakit hindi naman ikaw ang maghintay ngayon hintayin mo siya bumalik kagaya ng paghihintay niya sayo noon ng ilang buwan, walang kasiguraduhan yun pero nagawa ka niyang hintayin so maybe its your turn naman." Saad nya.

She's right, maybe its my turn to wait for him, panghahawakan ko ang pangako niya na sa pagbalik niya ako pa rin, "sana nga ako pa rin." 

Habang ang lahat ay nagsasaya nasa gilid lang ako inaalala lahat ng alaala naming dalawa, masaya naman kami e ang tanga ko lang hindi ko nabigyan ng importansya, hindi man nya sabihin alam kong ako ang nagtulak sakanya para umalis. Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako, akalain mo yun umiiyak nanaman ako dahil sa lalaki ang pinagkaiba lang ako ung nakasakit hindi ako ung sinaktan, nakakapanghinayang. Sana ay makabawi ako sa pagbalik niya.

"Mahal na Mahal kita, Tim patawarin mo ako hindi mo man alam na mahal kita sana kapag dumating ung araw na malalaman mong mahal kita, ako pa rin hindi ako susuko dahil kung may makakasama man ako sa pagtanda ikaw na ang gusto ko." Sambit ko sa'king sarili habang nakatingin sa mga larawan namin habang umiinom, lasing na ako.

Maya maya ay inaya ko na din sila umuwi dahil hindi na kaya ng katawan ko baka kung anong kakalatan pa ang magawa ko ayoko magkasala, kahit hindi kami gusto kong magpaka-faithful sakanya ganon ko siya kamahal.

𝐼𝑘𝑎𝑤 𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑛𝑜𝑜𝑛 ℎ𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon