Chapter 4

59 1 0
                                    

Start writing your story

Trishia POV

Matutulog na sana ako ng maalala ko si timothy hinatid nya ako sa bahay ng matapos namin magusap, marami akong nalaman sakanyaa at nalaman ko rin na may minamahal siya ngunit malabo raw syang magustuhan nito ang swerte sana nong girl sa sandaling nakasama ko si timothy naramdaman kong mabuting tao sya marunong sya makinig at makisama, kaya naman masayang makasama ang mga kagaya nya.

Kung sana kagaya nya lang si cal baka hindi ako nsasaktan ngayon baka hindi nya ako iniwan, bakit nga ba kasi mahal ko pa rin sya kahit ang sakit sakit na, masaya naman kami noon e pero ganon talaga siguro hindi lahat mananatili sa tabi mo. I see myself crying again and again walang tigil sa pagluha ang mga traydor kong mata hanggang kailan ba ako iiyak? bulong ko saking sarili.

Another day, another work! nakatulong ako kakaiyak kagabi, okay na rin siguro to ang magpakalunod ako sa trabaho para hindi ko sya naiisip, para nalilibang ako.

Timothy POV

Kagigising ko lang naisipan kong itext si trishia ngunit nakakahiya kaya naman hindi na ako nagabala pa lalo na hindi naman ako ang kailangan nya, kahapon nakilala ko ng tuluyan ang isang trishia viceral at lalo akong humanga sakanya at mas nagkaroon ako ng dahilan upang patuloy syang mahalin. kahapon habang nagkkwento sya tungkol sa pinagdadaan nya sa ex nya hinihiling ko nalang na sana ako nalang dahil kung magkakaroon man ng pagkakataon sisiguraduhin kong hindi sya masasaktan at iiyak sa piling ko.

ang hirap mahulog sa taong hindi ka gusto, pero wala kang magagawa dahil ganon talaga ang tanging magagawa ko lang ay maghintay na maghilom sya sa sakit, hintayin sya kung kailan pwede na at sana kapag pwede na pwede pa.

Wala mang kasiguraduhan kung hanggang kailan ako maghihintay basta hangga't mahal ko siya mamahalin at iingatan ko sya sa abot ng aking makakaya.

Balang araw magkakaroon din ako ng lakas ng loob para umamin sakanya para ipagsiwagan sya at para patunayan sakanya ang sarili ko. "Mahal kita trish sana mapansin mo." bulong ko saking sarili.

"Kung sana nauna ako, baka hindi ka nasasaktan ngayon, pero baka ito talaga ang nakatadhana hayaan mo balang araw kapag akin la na hindi ko hahayaang umiyak at masaktan ka."  sabi ko saking sarili bago bumangon.

TRISHIA POV

Nagtext sakin si timothy kung pwede raw bang magdinner kami tonight pumayag naman ako dahil wala naman akong gagawin, hindi ko alam pero i feel safe when i'm with him.

Katatapos lang nagshoot kaya umuwi na ako at natulog sandali, paggising ko naligo na ako at nagayos para sa dinner naming dalawa ni timothy kakakilala lang namin ni tim pero hindi ko maipaliwanag lung bakit excited akong makita siya ngayon.

Alam kung si cal parin pero kapag pumapasok sa isip ko si tim nagbabago ang isip, do i like him na ba? O baka naglilito lang ako dahil sya ung laging nandiyan siya ung gumagawa ng mga bagay na sana nagagawa din sakin ni cal.

Nevermind, kailangan ko mag focus sa lakad namin ayoko namang makita nyang ganito ako na parang tanga na ang lalim ng iniisip nakakahiya. Tapos na ako magayos sabi ni ion susunduin nya ako kaya naman hinihintay ko nalang na dumating sya.

𝐼𝑘𝑎𝑤 𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑛𝑜𝑜𝑛 ℎ𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon