CHAPTER 40

12 1 0
                                    


ELLIE'S POV

Mag-gagabi na ng bumalik ulit ako sa hospital, pinuntahan ako ni Cheska kanina dumeretso siya dito pagtapos ng klase niya, ang sabi niya ay nang hingi siya ng mga notes sa prof namin para kapag nasa ayos na ako ay pwede akong humabol. Malapit narin ang final sem namin next week na.

"Anak.." napayuko ako ng makapasok sa kwarto ni Lolo, nandoon na si Mom and Dad, hindi ko sila liningon at nakatingin lang sa natutulog na si Lolo.

"I'm sorry" lumapit siya saakin at kinuha ang kamay ko,

Tatlong beses ko narinig ang mga yan sa isang araw lang, I'm so tired hearing it again.

binitawan ko ang kamay ni Mom, ayoko muna pag-usapan ang mga yon, nakakapagod pakinggan, ang gusto ko lang ay magising si Lolo

Maya-maya ay narinig ko na ang pag-sara ng pinto umalis na sila at kami nalang ni Lolo dito sa kwarto,

"ang sabi mo magpapagaling ka" kinuha ko ang kamay ni Lolo at linagay sa pisngi ko, "gising na.." sinandal ko ang pisngi sa braso niya, siguradong aasarin ako nito kapag nakita niya ang muhka ko,

"gumising kana Lo, gusto kitang kantahan" ngumiti ako, kaya ako nagpa-bili ng gitara dahil gusto ko siyang kantahan, sounds cheesy pero gusto ko talaga gawin yon.

Narinig ko ang pag-sara ng pinto at nakita si Jadd na pumasok, hindi ako nagsalita, at ganoon lang kami ng ilang minuto..tahimik.

Maya-maya ay tumayo na ako, bibili lang ako ng pagkain dahil kagabi pa ako walang kain, alam kong gusto ako kausapin ni Jadd pero iniiwasan ko talaga muna dahil hindi ko kaya na masaktan nanaman ako dahil nakokonsensya siya saakin, sapat na ang mga sinabi ni Valentina saakin.

I walk with an heavy feeling, I feel like every second i'll faint because of tiredness, I feel heavy, parang pasan ko ang mundo kahit hindi naman, kalahati lang ang naitulog ko kagabi dahil tiniis kong gumawa ng ilang schoolworks sa hospital

Bumili ako sa cafeteria ng hospital, I buy two orders of dumplings with rice and two orders of orange juice, binilhan ko na si Jadd dahil muhkang pati ito ay walang kain simula kagabi.

Habang naglalakad dala ang binili kong pagkain ay biglang tumunog ang phone ko, si Jadd. Bigla ay kinabahan ako...

Sinagot ko yun at hinintay siyang maunang magsalita "Ellie,, Lolo.." sa sinabing niyang yon ay naglakad na agad ako ng mabilis papunta sa room niya "Lolo was--" nang nakaabot don ay nakita ko nang nasa labas si Jadd at naiyak, My heart bursted when I heard the sounds of the monitor, the sounds of Lolo's heartbeat..stopped.

Lumingon ako sa pinto kung saan tinitignan siya ng doktor,

"Time of death..4:12 pm" rinig kong sabi ng doktor, para akong nabingi, lumingon ako kay Jadd hindi alam ang gagawin dahil sa sakit na nararamdaman.

Ganoon nalang yon?

Masakit para saakin ang mga nangyari dahil sa sobrang panghihinayang, onti lang ang mga araw na magkasama kami ni Lolo at ang mga araw na iyon ay wala akong kaalam-alam na ako ang tunay na anak nila Mom

"Kailan nalaman ni Lolo?" tanong ko kay Jadd pareho kaming nakatulala, nakaupo sa bench.

"Years ago," Matagal niya nang alam? "Nalaman niya ang mga yon, napag-desisyonan niyang wag sabihin, dahil wala siyang muhkang maihaharap sayo kapag nalaman mo 'yon, he treated you a complete orphan kid and he regret it so much that he even flew in France just to make him more busy, sinisisi niya ang sarili niya sa lahat" mahabang sabi niya na ikinadurog muli ng puso ko,

City Lights with You (Baguio Series #1)Where stories live. Discover now