CHAPTER 25

18 4 0
                                    

Chapter 25: a soft kiss of his

ELLIE'S POV

Nagsimula niya nang patugtugin ang piano, humahanga ako sakanya dahil muhkang hindi nga siya nagbibiro kanina na kaya niyang patugtugin ang ibat ibang instrumento,

Day after day, I must face a world of strangers

It's nice to know that there's someone I can turn to
Who will always care, you're always there

kahanga hanga ang bawat pagpindot niya sa piano gamit ang kanyang mga daliri, ang bawat paglipat ng pwesto sa kamay niya upang matugtog niya iyon ng maayos at maganda, sa isip ko ay gusto ko rin pag-aralan ito,

lumingon ako sakanya na nakangiti ang bawat pagtugtog niya ng piano ay sinabayan ko ng galaw ng aking katawan, hindi ko maipaliwag ang saya ng dulot saakin non lalo na at dumaragdag ang saya dahil kasama ko siya ngayon

When there's no gettin' over that rainbow

When my smallest of dreams won't come true

I can take all the madness the world has to give

But I won't last a day without you..

Ang ganda ng boses niya hindi ko yon matatanggi, malamig ang tinig niya masyadong panglalake, mapapangiti ka nalang at hahanga ka sa ganda ng boses niya, walang katulad..siya at nagagandahan ako don,

Naiinis ako kung bakit hindi ko matagalan ang tingin niya ngayon, sobrang lalim niyon animoy kinakausap niya ako gamit ang mga mata lang, nasaan na ang matigas at walang hiya na Millicent? Damn..

So many times when the city seems to be

Without a friendly face, a lonely place
It's nice to know that you'll be there if I need you

And you'll always smile, it's all worthwhile

When there's no gettin' over that rainbow

When my smallest of dreams won't come true..

I can take all the madness the world has to give

But I won't last a day without you...

Hindi na nawala ang tingin ko sakanya, hanggang sa lumingon narin ito saakin ng matapos siya sa pagkanta, sa tagal nang pagkakatitigan namin ay ako rin ang sumuko kaya agad akong napaiwas ng tingin, narinig ko pa itong matunog na ngumiti

"Look at me" bulong niya na kami lang ang makakarinig, may kung anong epekto saakin ang boses niya n gasgas

"Ha?" dinapuan ko siya ng tingin ngunit hindi matagal para bang sulyap lang

"Just look at me"

wala akong nagawa kundi ang dahan dahan at paulit ulit na lumunok na tumitig sakanya, ganon nalang ang pagmangha ko sa kanyang mga mata, hindi ako nagkakamali masaya siya ngayon nakikita ko yon sa pamamagitan ng pagtitig lang sakanya

Ganon nalang ulit ang paglunok ko ng suyurin niya ang bawat parte ng muhka ko

Hindi ko rin alam kung bakit natiklop nalang ako sa ganoong pagtitig niya lang

City Lights with You (Baguio Series #1)Where stories live. Discover now