CHAPTER 2

69 15 1
                                    

JADD'S POV

4 years after..

nandito kami ngayon sa labasan ng airport habang inaantay ang sundo namen, nakikita ko ang mga tao na natingin saakin , ano paba ang tinitignan nila syempre ang muhka ko? tch

I'm wearing jacket and pants na gucci kulay puti bahagya pang nakasabit ang aking chain malapit sa gilid ng bewang ko also my gucci white ace sneakers na galing pang amerika..So handsome mah' men..

kasama ko ang kapatid ko na si Ellie na walang pake sa paligid, tinignan ko siya nakatayo lang siya habang hawak ang kanyang maleta,walang reaksyon ang muhka, sanay na akong ganyan ang kapatid ko simula bata pa lang ay suplada na iyan at mainitin ang ulo kumbaga mabilis mawalan ng pasensya sadyang ako lang ang tanging natitiis niya dahil sa kakulitan ko at yon ang nagustuhan ko sakanya kahit na she's not my sister in blood ay tinuring ko parin itong parang totoong kapatid, mabait naman talaga siya hindi niya lang pinapakita tch..ang ayaw ko lang sakanya ay ang taste ng pananamit niya hahaha!

'sino kaya ang magsasando at ripped jeans tapos naka tsinelas lang sa airport..hahaha'

"Namimiss mo naba ang Philippines lil sis?" tanong ko sakanya

halos apat na taon kami doon, bumalik lang kami ni Ellie dito dahil inip na inip na siya sa Amerika, doon siya nag-aral ng apat na taon at kahit hindi niya sabihin ay nabobored na siya kaya umuwi nalang kami dito sa Philippines. Napagusapan narin namin na dito na siya mag-aaral dahil gusto niya rin dito makapag-tapos ng last high school year niya..pinilit ko lang talaga siya sumama saakin noon dahil alam kong matutulungan ako ni Ellie umasikaso ng mga properties na pinapautos ni Lolo saakin, hindi naman ako nagkamali,Alam kong sa ganoong bagay ay magaling si Ellie roon, sadyang ayaw lang ni Lolo na si Ellie ang gumawa nang pinapautos niya saakin dahil hanggang ngayon ay iba parin ang trato niya sakanya, ayaw niya kay Ellie dahil ampon lang ang turing niya sakanya, I hate him kapag pinapa muhka niya kay Ellie na ampon lang siya, I don't like how he treat my sister..

"Yeah" pasiring na sagot niya

"Tch ang panget ng ugale, napaka suplada.." pabulong na sumbat ko

"Narinig ko yon"

'as always maririnig niya talaga yon dahil sa talim ng pindinig niya na pati pauusap ng langgam ay naririnig niya tch..'

"Nasan na ba yung sundo naten? Napaka tagal tch.." reklamo niya bahagya pang ikinamot ang ulo sa sobrang inis

tatawagan ko na sana sila nang bigla ay nakita ko na ang ang kotse na susundo saamen

"Yan na pala sila eh" sabay ng pagkasabi kong yon ay lamabas na ang mga gaurds para kumuha sa maleta namen

"I'm sorry sir, ma--" hindi na pinatapos ni Ellie ang sinasabi ng driver dahil dali-dali na siyang pumasok sa van, tatawa tawa ko naman siyang pinagmasdan, tipikal na ugali ng isang Millicent Heather

pumasok na rin ako sa loob at tumabi kay Ellie

"Hindi ka naman masyadong excited ano?" biro ko sakanya, binigyan niya naman ako ng mataray na tingin

"wag ka dito sa tabi ko..doon ka sa likod" lumingon ako na naka kunot ang noo sakanya

"Gusto ko dito.."

"Sa likod"

"Dito.."

"Likod" bahagya niyang tinaasan ang boses niya kaya wala narin akong nagawa kundi lumipat sa likod dahil baka masuntok niya ako pag nawalan na siya ng pasensya

City Lights with You (Baguio Series #1)Where stories live. Discover now