CHAPTER 18

11 4 0
                                    


Chapter 18: Rarest pain

KYLE'S POV

Sumapit ang sabado ng ganto parin ako, parang lantang gulay sa kama, ni hindi ako lumabas para magumagahan at maghaponan, kinakatok ako ng mga maids pero hindi ko sila sinasagot, hindi pa ako maayos gusto kong mapag-isa, ayaw ko ng may kausap, hanggang ngayon ay nasasaktan ako sa mga sinabi niya, madaming tanong sa isipan ko kung bakit ganon nalang ang sinabi niya saakin, nagtataka ako kung bakit gusto niyang layuan ko siya,

'may problema ba?'

Gulat akong napatayo sa kama ko ng nagbukas ang pinto at iniluwa non si Sharvein, napalunok ako ng ilang beses ng padabog niyang isinara ang pinto, at wala pa itong sinasabi ay ramdam ko na ang galit nito saakin

"Kyle naman! Ano't nandito ka hindi lumalabas! Anong nangyayare sayo? What's your problem?!" umaalingawngaw ang sigaw na iyon sa buong kwarto ko

"Hindi ka raw kumakain simula kagabi?! May balak kang magpakamatay? Sabihin mo lang sakin para mapadali! tatagain na agad kita!" singhal ni Sharvein, kung makasigaw akala mo ay siya ang nakakatanda saaming dalawa!

bumuntong hininga ako at napayuko, hindi ko kayang makipagsabayan sakanya, masyado akong nanghihina, ayaw kong may makausap

"Kuya, what's your problem?" hindi ako nakatingin sakanya pero batid kong seryoso na ito na nagtatanong

muli ako humugot ng malalim na hininga at tumingin sakanya, agad na rumehistro ako pag-aalala sa muhka niya ng makita niya ako

"it's about--

"---a girl that broke your heart again?" pagpatuloy niya sa sasabihin ko, bumuntong hininga akong nag-iwas ng tingin sakanya

"Who's that girl?" Tanong niya muli ng mapagtantong tama ang sinabi niya

"Nothing. bababa na ako mamaya, prepare my food" anang ko ng makatayo ako at dumeretso sa cr para mag shower

Wala akong balak sabihin sakanya ang mga nangyare, magagalit lang siya at baka mag oa..

Pilit kong inalis ang mga pangyayare kahapon, at pinalakas ang loob ko, ayaw ko muna siyang maalala, bumaba ako at agad ko nasalubong si yaya doon sa table na hinahanda na ang pagkain ko

"Who cooked this?" Tanong ko sa yaya, tinutukoy ko ang pagkain na nakahanda saakin

"Si Sharvein, nasa itaas siya at may kausap, ako na naghanda ng pagkain mo iho"

"Thanks Yaya" nginitian ko ito ng tipid dahil batid kong pati siya ay nagaalala sakin, siya ang pinaka matagal na naging kasambahay namin bata pa lamang ako ay madalas ko na ito kasama

"Sana ay maging maayos ka na iho, pati ang mom at dad mo ay nag-aalala para sayo" aniya ng makaupo ako, nakita ko pang sinalinan niya ako ng tubig sa baso

Buntong hininga akong tuminhin nalang sa pagkain ko, kilala na ako ni yaya kapag nagkukulong ako sa kwarto ay ibig sabihin non ay may problema ako, pangalawa na nangyari toh at hindi na bago sakanila iyon, ang bago nga lang ay matagal akong nagkulong dati,

"Where's mom and dad po pala Yaya?" Pagiiba ko

"Nasa Baguio sila iho at may aasikasuhin sa business ninyo"

"Ah ganon po ba, Salamat"

Madalas ay si mom at dad ay pumupunta doon dahil doon ang business namin, karamihan doon sa Baguio ay pag-aari namin, madaming restaurant doon na pag-aari namin, at balak pa nila mommy na magtayo ng hotel na may restaurant doon, dinadayo ito ng mga turista..batid kong yon ang inaasikaso nila

City Lights with You (Baguio Series #1)Where stories live. Discover now