CHAPTER 11

41 5 11
                                    


Chapter 11: I'm sorry

KYLE'S POV

Nakasandal ako ngayon sa kotse ko habang hinihintay si Denver na dumating dito sa parking lot, kasama ko si Trevorr ngayon at ayun siya nasa loob ng kotse nagpapatugtog, ako naman ay nasa labas na, hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isip ko ang mga narinig ko kahapon, totoong nag-aalala ako kay Ellie, hindi ko maiwasan magtanong at mag-isip
kung ayos lang ba siya, hindi ko na rin maitatangi na kaya ganon ang ugali niya laging malamig ang presensya kaya ay hindi ko siya masisisi at naiintindihan ko na siya ngayon, talagang malungkot ang pinagdadaanan niya, ngunit hanga parin ako ngayon dahil hanggang ngayon ay hindi ko nakikitaang umiyak man lang sa ganoong sitwasyon, siguro ay sanay na siya

Sa kabilang banda ay naalala ko ang naging usapan namin ni Ellie tungkol sa lollipop, totoong natigilan ako ng sabihin niya yun tungkol sa paniniwala niya sa kulay ng lollipop na iyon, naalala ko si Millicent dahil ganoon din ang sinabi niya saakin noon, ngunit hindi ko na iyon inisip pa muli dahil baka nagkataon lang iyon

' imposibleng siya si Millicent dahil, Ellie ang pangalan niya, baka nga nagkataon lang

Itinatak ko sa isipan ko na baka nagkataon lang iyon..

Hindi na ako magtataka pa kapag kumalat ang issue na naganap tungkol kay Sachlett at Ellie, ganoon dito sa school namen wala pang isang oras ang issue na nangyare ay malalaman mo nalang alam na pala ng buong unibersidad ang tungkol doon.

Hindi ko pa nakikita si Cheska at Ellie na dumating dahil bakante parin ang nasa harap namen, kadalasan sila pumaparada sa harap ng kotse namin kaya ay nagkikita kita kami

ako ang unang dumating, hindi ko alam ngunit gusto ko pumasok ng maaga ngayon, at andito ako hinihintay sila dahil dumadating lang sila kapag 10 minutes bago mag time

ilang minuto ang lumipas ay nakita kong may kotse na dumating, sa katunayan ay sports car ito, hindi na ako magtataka kung sino ang nag-mamayari nito , Bugatti La Voiture Noire ang kotse niya ngayon, sanay na akong ganyan siya, sa isang linggo ay dalawang beses siyang nagpapalit ng kotse, ganon ka lintek ang yaman ng babaeng yan, napapailing nalang ako dahil hindi niya ata matagalan ang isang kotse sa isang linggo

Nakakamanghang nakapag-park siya ng napakabilis, napangiti ako ng pagbukas niya ng pinto ay saakin na agad siya nakatingin, syempre naka-kunot noo nanaman siya

'ano pang bago hahaha'

lumabas na si Trevorr sa kotse niya at ayun ang mokong manghang-mangha nanaman sa bagong kotse na gamit ni Ellie

"Damn! I would risk my life, para magkaganyan lang tapos siya.." iiling iling siya tumingin kay Ellie "so rich like,hell!"

Nakita kong lumapit saamin si Ellie, nakakatuwang napapangiti ako dahil saakin lang siya nakatingin, at hindi linilipat sa iba

' stupid Kyle! Anong pinagsasabe mo!'

bumalik na ako sa wisyo ng sikuhin ako ni Trevorr sa braso ko dahil baka nakita rin niyang tulala ako kanina

"H-hey! uhmm.."

'Damn it bat ako nauutal! '

"Tch" ngiwi ni Ellie

Nakita kong tatawa tawa si Trevorr sa gilid ko kaya siniringan ko siya

"Oh ayan na pala sila eh" biglang sambit ni Trevorr

Liningon ko sila Denver at Cheska na nooy kakababa lang sa kanilang kotse, nagtatakang tinignan ko si Cheska, dahil nakabusangot itong naglalakad patungo sa kaibigan niya

City Lights with You (Baguio Series #1)Where stories live. Discover now