CHAPTER 7

574 24 10
                                    

It's been 30 minutes since Sejun left, I bet they're on their way pabalik dito.

Habang inaantay sila ay naalala ko na napadami pala ang bili ko ng chocolates nung lumabas ako so I checked the fridge if the chocolates are still there. I smiled a little nang makita kong nandoon pa iyon. I'll give Faye some chocolates since most of kids loves it. Hindi ko naman alam kung anong favorite niya since she's just one year old when I left at that house kung saan sila nag-stay.

Bumalik na ako sa sala and nagcellphone lang doon. Hindi ko pa rin maiwasan na mag-alala kung bakit umiiyak si Ate kanina nung tumawag siya. And hindi siya hihingi ng tulong sakin kung simpleng problema lang ang meron siya. I know her, siya ang mas matatag sa aming dalawa.

Parati ko ngang naiisip na sana si Ate Angelique nalang ang naging kapatid ko. Kasi si Ate, mahal niya ako. Magkapatid ang turingan namin sa isa't isa since she's an only child and wala namang pakialam sa akin si Kuya.

Habang nag-iisip-isip ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa non si Sejun na buhat-buhat si Faye na tulog. Kasama na niya sina Ate.

"Ate!" I called her.

I ran to her to hug her but then she stopped me bago ko pa man siya mayakap. It's strange. I also noticed that she's pale! Ang layo ng itsura niya ngayon sa itsura niya noong nagkita kami sa park.

Oh no, something's wrong.

"Ate, what happened? Ba't namumutla ka?" I asked her worriedly.

Bago pa man siya sumagot ay pinakiusapan muna niya si Sejun na ihiga muna sa sofa si Faye para makaayos ng tulog. Imbis na sa sofa ihiga ni Sejun si Faye ay dinala niya ito sa kwarto kung saan ako natutulog. He has a soft heart for kids. Inisip niya na sa kwarto nalang patulugin si Faye para mas komportable.

I guided Ate to sit on the sofa atsaka pumunta muna sa kitchen para kumuha ng tubig. I gave the water to her and she gladly accepted it.

"What happened to you Ate? You're so pale!" I said worriedly.

Bumuntong-hininga muna siya bago magsalita. "They know Yaz" she said. Naguluhan naman ako. Anong alam nila?

"I'm so sorry! Kung hindi lang sana kita tinatawag-tawagan ay hindi nila malalaman kung nasaan ka, wala sanang nagmamasid sayo! At sana hanggang ngayon hindi pa nila alam kung nasaan ka" she said and cry.

Pinatahan ko naman siya at pinapagaan ang loob. I kept telling her that it's not her fault, it's no one's fault.

"Don't worry about that too much. Anong nangyari sayo?" I asked her.

"Sinaktan nila ulit ako Yaz. Nang malaman nila na nagkita na tayo and may contact na ulit tayo sa isa't isa ay kinulit nila ako at pilit na pinapaamin kung nasaan ka." she stated.

Mga hayop sila! Hindi na sila nakuntento sa pananakit nila sa akin dati tapos ngayon si Ate naman?! Napapaisip na tuloy ako kung dapat ko pa ba silang galangin eh kami nga hindi nila nirerespeto! Sinasaktan pa nila.

"But I didn't tell them kung nasaan ka. Hindi ko sinabi dahil baka kapag nakuha ka nila, baka saktan ka ulit nila. Or worse baka grabe pa doon ang abutin mo. Ayokong maranasan mo ulit yung ganon Yaz" she added. I want to hug her but I can't, baka magalaw ko pa yung braso niyang may sugat at mga pasa.

"Thank you Ate" I said with tears flowing down on my cheeks. "Pero sana nung una palang na sinaktan ka nila ulit, umalis na kayo doon. Hindi mo alam kung anong kaya nilang gawin" I said worriedly.

"Hindi ako makahanap ng timing, kanina lang dahil wala sila at natakasan namin yung mga tauhan nila. I even had a hard time escaping dahil hawak hawak ko lang sa kamay si Faye, I can't carry her dahil dito." she said tsaka tinuro ang braso niya. "But for now, let's think of a way pano sila mapapatigil hm?" she added and she cupped my cheeks.

Saved By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon