"Hi Preggy!" Pat greeted me pakarating niya dito sa condo.
Pinapunta ko siya dito. Magpapasama lang akong bumili ng regalo for Sejun. It's his birthday next week, September 14.
Napasimangot ako sa tinawag sakin ni Pat. She called me 'Preggy' huh.
"So, bakit mo pala ako pinapunta dito?" tinanong niya 'ko.
"Punta tayo sa mall. Tulungan mo 'kong maghanap ng regalo for Sejun. Birthday niya na next week." sabi ko sa kaniya.
Nakita kong nagsalubong ang kilay niyang nakatingin sakin. "Why?" I asked her.
"Maling tao ang pinakiusapan mo. Alam mo naman na wala akong alam jan sa mga parega-regalo na yan." nagmaktol pa ang gaga.
"Ako rin naman e! Pero bahala na, kung ano nalang makita ko dun." sabi ko sa kaniya.
"Tara na, bilisan lang natin!" hinila ko agad siya.
Umalis na kami at papunta na ng mall.
"Nagpaalam ka bang aalis ka kay Sejun?" maya-maya'y tanong ni Pat.
Nandito na kami sa mall. Dumiretso kami sa department store.
"Hindi nga e. Kaya bilisan lang natin." sabi ko.
Tumingin-tingin ako ng mga damit, pero wala akong mapili. Sunod kong tinignan ang mga hoodie na nandoon. Nilingon ko ang katabi ko pero wala na doon si Pat kaya iginala ko ang paningin ko.
Napansin kong may mga nakatingin sakin. Maybe fans sila nila Sejun na nakilala ako. Yung isa ay ngumiti sakin so I smiled back at her.
"Pat!" I called Pat nang makita ko na siya.
May tinitignan din siyang mga hoodie. Agad siyang lumapit sakin ng tawagin ko siya.
"Eto nalang kaya?" tanong ko sa kaniya.
She shrugged her shoulders kaya nagsalubong kilay ko. "Ikaw bahala." sabi niya.
Napatingin naman ako sa hawak kong hoodie. Cute naman siya. Neon green ang color niya.
Nagtingin-tingin pa ako ng ibang hoodie. Nang wala na akong mahanap na iba ay napagpasyahan kong yung neon green color nalang na hoodie ang bilhin ko.
Pakabili ko ay agad naman na akong umuwi.
Inaya ko pa na mag-stay muna kahit sandali sa condo si Pat but she refused. Gustuhin man daw niya na mag-stay kahit sandali pero may lakad pa daw siya, kaya hinayaan ko nalang. I thanked her for accompanying me before she left.
Since sa kwarto na ako ni Sejun natutulog. Itinago ko yung hoodie na binili ko para sa kanya sa cabinet sa kwarto ko dati. Hindi naman siya nagkakalkal ng gamit ko doon kaya hindi niya iyon makikita.
Sejun got home and hindi naman siya nagtanong kung umalis ba 'ko. Alam niya kasi na kapag aalis ako ay nagpapaalam ako sa kaniya kahit dati pa. Ngayon lang ako umalis ng hindi nagpapaalam sa kaniya pero sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako uulit.
"Yaz" tinawag ako ni Sejun kaya tumingin ako sa kaniya.
"What?"
"First week next month, may event kami." sabi niya.
"And? Natural may event kayo, ano bang bago?" sabi ko naman.
"Pepsi event iyon. Pero hindi dito gaganapin." sabi pa niya. Eto naman si Sejun, pabitin pa, di nalang sabihin diretso.
"Saan?" tanong ko sa kaniya.
"Sa Cebu." sagot niya.
"Cebu lang naman pala e." I simply said.
BINABASA MO ANG
Saved By Him
FanfictionFrom the very start of Yazmaine's darkest times, Sejun is always there for her. Even not physically at first, they have their ways to share their problems to each other. Simula nung lumayas si Yazmaine sa puder ng magulang niya simula nang mawala a...