Sleeping together with Sejun for the second time felt a little bit awkward to me. Alam kong ako lang ang nakaramdam ng awkwardness kagabi dahil panay yakap pa niya sakin and he looks comfortable with that kaya pinabayaan ko nalang. Maybe naiisip ko lang yung nangyari samin kaya ako naging awkward. We just slept peacefully at walang nangyaring kung ano man.
I am staring at Sejun's face, nakayakap pa siya sakin. He's like an angel. I can't stop admiring him.
"Titig na titig ah" nagulat ako nang magsalita siya kaya nag-iwas nalang ako ng tingin. Gising na pala siya at nahuli niya pa akong nakatitig sa kaniya. "Goodmorning Babe." he said with his husky voice at yumakap ulit sakin. "Nasan goodmorning ko?" he asked and he pouted.
"G-Goodmorning" sabi ko.
Bakit ba kasi siya nag-pout! Hindi niya ba alam na marupok ako?!
He did not stop pouting, nagpapa-cute ba siya? Kung oo, tama na, tumalab na sakin ang pagpapacute niya!
"Stop pouting" I said tsaka ko siya inirapan.
"What will you do if I did not stop?" he asked, smirking.
Hindi ako sumagot. Nagulat nalang ako nang nakawan niya ako ng halik. Sa pisngi lang yon pero nagulat ako. Agad siyang tumayo at tumawa. Binato ko nalang siya ng unan pero nasalo niya iyon.
He didn't stop laughing. Hanggang sa may narinig kaming katok sa pinto, baka si Ate lang iyon.
Binuksan din agad iyon ni Sejun. Sinabi ni Ate na nasa sala si Josh, hinahanap siya.
Lumabas na ng kwarto si Sejun at pumunta ng sala. Ako naman ay nag-ayos muna bago lumabas, nasa pinto pa rin si Ate hinihintay ako. "Mag-almusal na kayo. I cooked breakfast" sabi ni Ate.
Nagulat naman ako doon. Hindi pa nga siya magaling nagluto na siya and siya dapat ang paglulutuan ko ngayon e, kasi siya ang bisita.
"Ba't ikaw nagluto?! Ang aga pa, sana ginising mo nalang ako." sabi ko sa kaniya.
"Faye got hungry and hindi siya sanay na gatas lang ang iniinom niya sa umaga." sabi niya. "Tsaka anong maaga pa, alas otso na kaya" sabi niya pa na ikinagulat ko.
Ngayon lang ako na-late ng gising ah.
"Oh Josh, what brings you here?" tanong ko kay Josh nang makita ko sila sa sala. It's not that nagfefeeling may-ari ko itong condo ni Sejun.
Nagtaka lang ako kasi siya lang mag-isa ang pumunta. Usually kasi ay lahat sila magkakasama kapag tumatambay sila dito.
"Ah, sasabay lang kasi ako kay Sejun e. Pupunta pala siyang Imus. May mga kukunin lang kasi ako sa dating bahay namin." he said.
Tinanguan ko nalang siya at inaya na sana mag breakfast but he refused, nag-almusal na daw siya bago pumunta dito.
Kaya ngayon ay kaming dalawa nalang ni Sejun ang nag-aalmusal. Konti lang ang kinain ko dahil hindi naman ako sanay na kumain ng marami kapag umaga, si Sejun lang ang mahilig kumain.
Natapos na kaming kumain at ako nalang ang nag-hugas ng pinagkainan naming dalawa. Pinaligo ko na si Sejun dahil hinihintay pa siya ni Josh.
Habang naghuhugas ako ay lumapit sakin si Josh. Mukhang nagdadalawang-isip pa siya kung sasabihin niya ba ang gusto niyang sabihin kaya nagsalita na ako. "Hm Josh, do you need anything?" I asked him.
"Ah, Yaz, pwede bang mahingi number ng Ate mo?" he asked.
I got shocked at first pero nginitian ko naman na siya.
"Gusto mo siya?" I asked him.
Nahalata ko kasi siya kilos niya kaninang kaharap niya si Ate tsaka kung pano siya makipag-usap. Pati na nung unang kita nila, nakita ko kung pano titigan ni Josh si Ate.
BINABASA MO ANG
Saved By Him
FanficFrom the very start of Yazmaine's darkest times, Sejun is always there for her. Even not physically at first, they have their ways to share their problems to each other. Simula nung lumayas si Yazmaine sa puder ng magulang niya simula nang mawala a...