Kabanata 6

2 0 0
                                    

Kabanata 6

Speaker

Nang makauwi, pinatawag ako ni Tito Augustin sa study room. Nagpalit muna ako ng damit bago nagtungo roon.

"Maupo ka hija", ani ni tito.

Nang naupo ako sa harap niya, tinignan niya ako nang mataman.

"You'll graduate in senior high soon. What course will you take in college?"

I gulped as I saw his serious face with ruthless facade mixed up with his gentle voice.

"Uhm, engineering po sana. I want to follow my dad's steps".

Tumango siya, I noticed the wrinkles in his face. Napansin kong parang laging aburido at stress si tito.

"Sige, I always know you want to follow your Dad's way pero hija, your mom never wanted you to be in a male dominant field".

Alam ko nang hindi sang-ayon sa kukunin kong kurso pero bakit ako magpapaapekto sa sinabi niya? It's always my dream and my passion.

"Hindi naman po siguro gusto ni mommy na makulong ako sa isang career na hindi ko naman po gusto".

Nakita kong nagpalit ang emosyon sa mukha ni tito. Naging mas arogante ang naipahayag nito.

Hindi ko na pinatagal ang usapan at baka maisumbat ko sa kanya ang nalaman ko kamakailan lang.

Next morning, pasukan nanaman. Hindi naman ako mahilig makihalubilo.

Lumapit sa akin si Gemma. "Girl, wala daw tayong teacher ngayon kasi may paorientation sa gym!"

Ngayon ko lang rin nalaman na walang klase, edi sana hindi na ako pumasok.

Tumango ako sa kanya at nagsimulang maglakad.

Napansin ko ang sulyap ng isang kaklase namin na si Leonardo, ang representative ng block namin.

"Tara 'wag na tayong umattend tutal, tapos naman na ung presentation natin sa capstone!" sigaw ng isa sa kaklase namin.

Umani iyon ng hiyawan sa room.

Nilingon ko ang sigaw habang naglalakad kami ni Gemma paalis ng room.

Nagsalita si Leonardo, "Nasa akin ang attendance, habilin ni Ma'am na plus points sa finals ang aattend ng orientation. Ichecheck niya rin ang attendance."

Maraming nagprotesta, "Gg naman si Ma'am!"

"Icheck mo nalang lahat pres!" sigaw ng isa sa pinakapasaway sa klase.

Napalingon ako nang bumulong si Gemma.

"Swerte naman ni Val, hindi pumasok kasi isa sa mga kakilala niya ang speakers sa orientation."

Wala naman na kaming magagawa kundi sumunod.

Bago kami tuluyang umalis, sumigaw muli ang isa kong kaklase.

"Zen! Baka naman, pagbigyan mo na 'tong si Pres na ligawan ka, nang macheck niya lahat ng attendance natin at di na umattend." sabay asar ng mga kaklase ko.

Nanlaki ang mga mata ko, sumulyap ako kay Pres at nakita ko ring nanlaki ang mga mata niya at namula.

"Bakit ako pa? Aattend naman kasi ako 'don, tumabi siya sa akin kung gusto niya!" Sabay hatak kay Gemma paalis ng room.

Sinundot ako ni Gemma sa gilid.

"Ikaw ha! May tinatago ka pang landi! Lakas mo naman sa kanya sir!"

Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko na muli pinansin.

Marami nang nakaabang sa labas ng gym. Hinanap ko ang may hawak ng placard ng section namin para makasingit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

At the mercy of Luna (Restless Heart #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon