"Eat na si Baby Coco." Sabay lagay ng pagkain sa stainless steel cat bowl na binila namin kahapon.
Tip lang, buy stainless steel bowl than plastic bowl. Why? Kasi mas safe and mostly recommend ng mga veterinarian when choosing a bowl.
Umagang umaga ay ginising ko si Ponyo para mahiram si Coco. We strolled around the farm and I take her a pictures. Sinend ko naman ito kay Ponyo with the caption of "Coco with mommy"
"Oh.. ano yan? Hoy, don't tell me ninakaw mo yan." Si gaga habang pinagmamasdan nyang kumakain si Coco.
"Anak ko."
"Anak mo? Sinapak pa kita dyan. Wala ngang jowa, anak pa kaya?" Bulong bulong nya. Inirapan ko naman ito habang hinahaplos si Coco.
" Binili ni Ponyo."
"Ah anak ni Ponyo."
"Anak ko!" Pagpupumilit ko.
"Anak nyong dalawa. Ayiee mommy and daddy. Ay parent na sila! Ay-ay-ayieeeee!" Abnoy na sabi ni gaga. Hindi ko mapigilan ang mapangiti kaya hinampas hampas ko na si gaga.
" oy! Ngumingiti."
"Alam mo ang abnoy mo!"
"Wews... Stop making an excuse. Please huwag ako." Sabay stop sign nya sa kamay nya.
Hindi ko na ito pinansin at tinuon ko nalang ang aking atensyon kay Coco na sarap na sarap sa pagkain. I'm glad that she ate a lot pero syempre nililimit ko din baka ma over feeding, mahirap na baka sisishin ako ni Ponyo. Baka hindi na nya ako pahihiramin kay Coco.
"Are you done eating, baby? Balik na muna kita sa amo mo, baka hinahanap ka na. " Yapos ko kay Coco ng natapos na itong kumain.
" Meow.. Meow. "
Pumasok na kami ni Coco sa opisina ni Ponyo at naabutan pa namin sya na may kausap sa telepono ngunit binaba din nya ito kalaunan ng makita nya kami ni Coco.
Binaba ko na si Coco sa mesa at binuhat naman din ito ni Ponyo.
" On the way na si Architect Buenavano and his Crew. "
Naging mas abala kaming lahat for the upcoming event. Nag decide muna din kami ng temporary clossing para matutukan ang pinaka mahalagang event lalo na isasabay daw ni Gov and victory party para sa pagkapanalo ng isang kandidato for a prestigious beauty contest.
Halos hindi na kami magkaimikan sa pagod ng kami ay nagpahinga saglit. Pinunasan namin ang mga tagaktak na pawis sa katawan namin. Halos maligo na kami sa pawis dahil sa init habang inaasikaso ang event
sandovallucasio@gmail.com:
Tired?
Reply:
Yup. Daming ginawa.
sandovallucasio@gmail.com:
Your daughter is waiting for you here.
Reply:
Otw
"Oh saan ka pupunta?" Si gaga.
"Sa opisina."
"Para sa mag ama mo?" Panunukso ni gaga at naki isyoso na ang ibang mga dabarkads.
"May napapansin ako sayo. Pag si Sir tumatawag game na game, pag kami naman nagyayaya parang napipilitan ka lang." Si Tiyo Rubs.
" Uy.. halata na masyado." Bulong ni Bea sakin.
" Trabaho lang po ito. Walang personalan."
" Wews. Grabe ka ngang maka claim na anak mo yung pusa na yun eh." Leche na sabi ni Gaga.
"Ah yung dala mo ba kanina?" Tanong ni Gardo na kinatango ko naman.
"Wag ka ng magdeny nakita ko sa gallery mo yung mga pictures nyong together ni Ponyo mo eh. Pinakelaman ko yang phone mo nung isang gabi! Huli ka balbon!" Pagkakalat ni gaga na kina ingay ng tuksuan nila sakin.
BINABASA MO ANG
My Beloved Sandoval (Completed)
Подростковая литератураProvincial Series 1: Pampanga Aikatherine Villafuerte, she is the loving daughter of Mayor Santiago Luis Villafuerte, the Mayor of Magalang Pampanga. Aikatherine also known as Aika or Kath, sya ay isang pasaway, mabait at masayahing dalaga. Walang s...
