Nagising ako ng wala si Ponyo sa bahay. Nag iwan din sya ng note sa ref na may pupuntahan daw syang importance meeting, hindi nya na din ako ginising dahil disoras na kami nakauwi kagabi.
Nag iwan na din sya ng pagkain para sakin na kinangiti ko dahil naka disenyo ang strawberry ng hugis tao na nakalabas ang dila. Kumain na ako at naglinis na din sa bahay. Ngayon naman ay nagbabake ako ng cookies na paborito ni Ponyo bilang pasalamat.
May narinig naman akong sasakyan sa labas at pagkabukas ng pinto sa bahay. Nagmadali akong idecorate ang cookies na ginawa ko bilang surpresa kay Ponyo. Ang akala ko ay si Ponyo ito ngunit laking gulat ko ng sumulpot si Mrs. Sandoval sa harapan ko.
"Mrs. Sandoval." Ramdam ko ang nginig sa boses ko. Strikto ang kilos nito ng makita nya ako. Nagkunot din ang noo nya ng pagmasdan ako nito.
"Andito ka lang pala. Hiding in my son's property. Habang masarap na nakikitira dito."
"Mrs. Sandoval, pansamantala lang po ako dito."
" Hindi ka na nahiya. Kayo na nga ang nag agrabyado ng pamilya, ikaw pa ang nakikihingi ng tulong sa anak ko. How long did you stay here?"
"3 d-days po."
" Nang dahil sayo my son knows how to lie, unting unti na din nasisira ang relasyon nila ni Kaylee dahil wala na daw oras ang anak ko sakanya obviously dahil sayo. Wala na ba kayong ginawa ng nanay mo kung hindi mansira ng ibang tao?"
" Hindi po."
" Kung ayaw mong magaya sa nanay mo, learn how to fix things, how to bring them back together. Wag kang duwag, harapin mo ang current situation ngayon hindi yung nagtatago ka. Ayusin mo ang mga gusot in that way you will learn and understand everything that I'm saying."
" Opo." Napayuko nalang ako habang pinupunasan ang luha ko.
In the first place tama naman talaga si Mrs. Sandoval, duwag ako. At dahil sa kaduwagan ko ay may mga nasisira na pala akong mga relasyon. This is the time para gawin ko ang tama.
Kinuha ko na ang gamit ko at sumama kay Mrs. Sandoval para kausapin si Gov. She insists na samahan ako at pinangaralan na din nya ako sa pamagagaitan ng paglakas ng loob sakin.
Mrs. Sandoval is strict pero ramdam ko sa puso nya na mabait sya. Naiintindihan ko ang pakikitungo nya sakin, gusto lang nyang umayos ang mga pamilya namin at marahil hindi ito nakikita ni mama.
Nang nasa bahay na kami ni Gov ay agad akong inatake ng yakap nito. "Pasensya na po sa mga ginawa ko."
"Hindi. Kasalanan namin ng mama mo. Kami dapat ang manghingi ng sorry sayo. Naiintindihan kita." Bakas ang pagaalala sa mukha ni Gov.
" Handa na po akong magpa DNA test. Kung mag positive man po ang test at napatunayan nyo na anak nyo talaga ako, nangangakong mananahimik po ako at hindi ko po kayo gagambalahin."
" Hija, no."
" Atyaka nalang natin pag usapan yan kung talagang napatunayan na anak ka ni Maximiliano." Si Mrs. Sandoval habang sinenyas nya na ang kukuha ng DNA namin.
"Not so fast. Hayaan mo munang kausapin ko si Kath."
" Gov, sangayon po ako kay Mrs. Sandoval. Tatanggapin ko po kung ano man po ang magiging resulta. Gusto ko lang po maging ayos ang bawat pamilya atin. Papayag na po akong mag pa DNA testing." Diretsahan kong sabi.
" If that's what you want, how about your mama?"
"Kung wala po syang tinatago wala po dapat syang kinakatakutan sa test. "
" Right. " Sabay tango ni Mrs. Sandoval.
Inistart na nila ang pagkuha ng DNA namin. Mabilis lamang ang pagkuha and it doesn't consume time. Hiningi na din nila ang ilang hibla ng buhok namin ni Gov para sigurado.
BINABASA MO ANG
My Beloved Sandoval (Completed)
Teen FictionProvincial Series 1: Pampanga Aikatherine Villafuerte, she is the loving daughter of Mayor Santiago Luis Villafuerte, the Mayor of Magalang Pampanga. Aikatherine also known as Aika or Kath, sya ay isang pasaway, mabait at masayahing dalaga. Walang s...