Hinatid na ako ni Roman samin after namin kumain sa labas. Masayang kasama si Roman, totoo syang tao at may sense of humor na mapapatawa ka nalang bigla not only because of his words but because of his action and expressions.
Nadatnan ko naman sila mama at PaPa na bihis na bihis sa sala.
"Where have you been?! Kanina ka pa namin tinatawag and your phone is dead." Nagpupuyos na galit na bungad ni PaPa.
"School."
"Aikatherine." Pagbabanta ni mama.
" Kumain sa labas, pa. " Pasinghap kong sabi. Hinila naman ako ni mama papunta sa kwarto ko.
" Kanina ka pa namin hinihintay. Pupunta kasi tayo sa bahay ng Governor. "Si mama.
" Ano namang gagawin natin doon, ma? " With my bored tone.
"Birthday kasi ng anak ng Governor."
Tuta? B-day nya?
"Hindi si Lucasio. Yung panganay na anak ng mga Sandoval."
Panganay? Marami pa nga talaga akong hindi nalalaman about sa pamilyang Sandoval lalo na kay tuta. Well wala naman akong balak alamin at wala akong pake.
Tinulungan na ako ni mama pumili ng isusuot kong damit pati na din sa ayos ng buhok ko.
Naka Blue floral off shoulder above the knee ang suot ko at pinartneran ng white shoes. Naka half braid naman ang pagkabilang buhok ko at binigyan din ng tirang buhok ang noo ko.
Conservative kasi ang noo ko. Ayaw kong ma exposed ang malai kong airport. Chareng!
Bumaba na din kami ni mama pagkatapos at nagmadaling umalis. Habang nagbyabyahe kami puro sermon ang inabot ko kay PaPa.
Ayaw kasi ni PaPa ang pinaghihintay. Conscious kasi sya masyado sa oras bale "Time is gold" ang paniniwala niya.
Dahil sa malayo layo ang byahe namin ay hindi ko na maiwasan ang makatulog. Tinapik lamang ako ni mama ng nasa tapat na kami ng mansyon ng mga Sandoval.
Malawak ang espasyo ng kanilang lugar, puno din ng mga guards ang mga bawat pasilyo, naka stand by din ang mga chef sa gilid at may mga nag aassist din dahil halos mga kilalang tao ang mga bisita.
Bumaba na kami nila mama at PaPa. Sinalubong naman kami Gov ng makita nya kami. Kinamayan namin ni PaPa at mama si Gov.
"Buti nakadating kayo. Kanina ko pa kayo hinihintay akala ko hindi kayo dadating." Si Gov.
" Pasensya na, Gov. Hinintay pa kasi namin makauwi si Kath." Sagot ni PaPa. Nahihiyang ngumiti nalang sko kay Gov.
" That's ok. It's better to be late, than never." Sabay ngiti ni Gov sakin. May lumapit naman na isang matipuno na lalaki at kamukha na kamukha ito ni Gov at sa tingin ko ay ito ang kanyang panganay na anak.
Bigla ko naman naalala si kuya sakanya. Sakto mukhang magka edad lang sila.
"By the way. I want you to meet my oldest son Tripacio Regala Sandoval." Pagpapakilala nya sa anak nya. Ngumiti naman yung Tripacio at magalang na kinamayan sila mama at PaPa.
"This is my daughter. Aikatherine Villafuerte." My PaPa introduced me.
"Ofcourse po. I know her. Nice to meet you, wale." Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin. "I know your kuya. Glad that I met you." Bulong nya at kumalas na ito sa yakap at matamis na ngumiti. Sa halip na gawaran ko sya ng ngiti ay ginawaran ko ito ng pagtataka.
"Pagpasensyahan mo na si Tripacio. Matagal na kasi nyang gusto magkaroon ng babaeng kapatid and it seems yun ang nakikita nya sayo." Sabi ni Gov at ngumiti nalang ako.
BINABASA MO ANG
My Beloved Sandoval (Completed)
Teen FictionProvincial Series 1: Pampanga Aikatherine Villafuerte, she is the loving daughter of Mayor Santiago Luis Villafuerte, the Mayor of Magalang Pampanga. Aikatherine also known as Aika or Kath, sya ay isang pasaway, mabait at masayahing dalaga. Walang s...