Ginising na ako ni mama sa pagkakatulog at pagkamulat kong ng aking mga mata ay puro mga maleta ang bumungad sa kwarto ko.
Pinagbihis muna ako ni mama upang bumaba para kumain ng anmusal at makausap daw si papa.
Pagkababa ko ay bumungad sakin sila mama at PaPa na kumakain kaya sinaluhan ko na din sila.
"Ngayon ka na magttrabaho." Pagbasag ng katahimikan ni PaPa. Tumigil naman ako sa pagkain uoang kausapin sya.
"Pa. Pano yung school ko."
"Ipagsasabay mo ang pag aaral mo at pagttrabaho mo. You need to earn for your edukasyon." Sagot ni PaPa.
" Ma, akala ko ba. Papatapusin ko muna yung 1st sem. " Paghahanap ko ng kakampi but mama just looked away to me.
"Kung hindi ka lang sana burara sa mga actions mo kagabi, edi sana hindi kami umabot ng PaPa mo sa desisyon na to. "
" Ma. Totoo nga yung sinasabi ko. Hindi ako nakikinig hinila lang talaga ako ni Tuta--"
" Anong tuta? " Tanong ni mama.
" Respect, responsibilities and dignity. Aasahan ko sa muli mong pagbalik magkakaroon ka na nyan." Siryosong sabi ni PaPa.
Hindi na ako naka imik pa dahil ayoko ng humaba pa ang diskursyo sa pagitan namin at ayokong umabot sa puntong mas lalo silang ma disappoint sakin.
Pagkatapos kong kumain ay hinatid na ako nila mama at PaPa sa labas. Nakasakay na din lahat ng maleta ko sa sasakyan.
" Mag iingat ka dun ha." Bakas ang pag aalala ni mama sakin. Naiiyak na niyakap ko nalang si mama.
This is the first time na mawawala ako ng matagal sa bahay at paniguradong mahohome sick ako dahil wala si mama sa tabi ko.
"Mag ingat ka dun. Sana ibaon mo lahat ng lessons na makukuha mo sa pagttrabaho. " Si PaPa sabay yakap sakin. Tumango lamang ako sakanya at nagpaalam na din sakanila.
"Mag ingat din kayo ma at pa." Yan ang huling kataga ng aming paguusap. Pagkapasok ko sa sasakyan ay hindi ko na sila tinignan pa dahil mas lalo lang akong nasasaktan na makita silang umaalis ako.
Tinext ko na din ang mga kaibigan ko sa biglaang pag alis. Napangiti naman ako ng sabay saby silang nag reply sakin.
Roman:
Hala. Send mo yung address sakin at pupuntahan kita.Gaga of the year (Lorna):
Gaga naman. Bakit biglaan? Wala na tuloy akong kasamang pumasok sa eskul. I'm deforestation na! (╯︵╰,)Caspian:
Pupuntahan ka namin. Nasaan ka?Fiona:
No way. Kakausapin namin sila tito at tita.Ate Idina:
What? Biglaan naman. I'm going to miss you. Wag kang mag alala gagawa kami ng paraan.Masaya ako sa mga sweet reply nila sakin pero ng nahadlang lamang ito dahil sa pesteng nag message sakin.
Unknown number:
Goodluck.Reply:
The number that you have send wants to kill you right now please get a life and shupee! Thank you(•‿•)Unknown number:
Is that it?Bigla naman nya akong tinawagan at inis na sinagot ko ito.
"Good Morning." Bungad nya at mukhang nagmamaneho ito dahil naririnig ko ang busina sa daan.
"BAD Morning." Plastic kong sabi sakanya na kinatawa nya.
" Hoy! Anong nakakatawa. Anong good sa morning ha? Ng dahil sayo hindi na ako nakapag paalam ng maayos sa mga kaibigan ko tapos ibubungad mo sakin ang pa good morning, good morning mo?!" Inis na sabi ko sakanya pati ang driver ay napatingin na sakin.
BINABASA MO ANG
My Beloved Sandoval (Completed)
Teen FictionProvincial Series 1: Pampanga Aikatherine Villafuerte, she is the loving daughter of Mayor Santiago Luis Villafuerte, the Mayor of Magalang Pampanga. Aikatherine also known as Aika or Kath, sya ay isang pasaway, mabait at masayahing dalaga. Walang s...