Kabanata 21

800 11 3
                                        

"W-hat are you doing here?" Sabay tayo ko sa upuan ko. Madilim at mabigat ang mga titig ni Lucas sakin habang tinitignan ang papel sa mesa.

"Si PaPa?" Tanong ko ngunit imbis na sumagot ito ay lumapit sya sa mesa at bago pa nya makita kung ano ang nasa papel ay agad ko itong kinuha.

Napataas naman ang noo nito. "This is just some sort of... Joke." Pagdadshilan ko kagit totoo naman ngunit hindi ito agad naniwala sakin.

"Really? Can I see it?" Naka tiim nyang bagang na tanong.

"No."

"Or are you hiding something." Mapag duda nyang sabi. Umiling nalang ako at ramdam ko na namumula na ako.

"Wala. Corni lang kasi.."

"Oh andyan lang pala kayo. I'm done with the meeting, kinausap ko lang ang secretary ko." Bigla naman sumulpot si PaPa sa pintuan. Tumango naman ako at agad ng lumapit sakanya.

Hindi ko na tinignan si Lucas. Nauna na akong lumabas at iniwan ko na si PaPa at Lucas sa opisina. Nasa labas ako ngayon habang hinihintay si PaPa.

"Are you dating someone?" Biglang sumulpot si Lucas sa likod ko.

"Wala nga." Iritado kong sagot dahil sa hindi ako comfortable sa pinaguusapan namin at da pagharap ko sakanya.

"Really? Then let me see the paper."

"Kung ayaw mong maniwala sakin, that's not my problem anymore. Ano naman sayo kung may dinedate ako?" May halong inis kong kompronta sakanya. Napaayos naman sya ng tayo at napapikit na tila ba nahihirapan syang sagutin ito.

"You know the answer for that question. Kung hindi pa malinaw sayo---"

" Ayan. Ayan yung sinulat ko kanina." Sabay pakita ko sa papel sa harapan nya.

"What did Sam Smith?, Celine Dion.." Basa nya habang nakataas ang kikay nito.

Hindi ko naman mapigilan ang tawa ko. "Celine dito." Pag patuloy ko. Napanguso nalang ako upang mapigilan ang tawa ko.

"What happen when Bruno went to Mars." Pagpatuloy nito. Napapikit nalang ako sa pagpigil ko ng tawa.

"I told you, wala lang yan." Sabay kuha sa papel na nasa kamay nya at tinago ko na sa bag.

"How about yung sinabi mo sa hospital bago ka hinatayin?" Tanong sakin ni Lucas at naging tensyon din ang paligid namin.

" Pa. Tara na?" Lumabas na din si PaPa at agad na akong nagtungo sa sasakyan. Tinignan naman ako ni PaPa nang sumakay ito ng sasakyan.

Pumunta kami ngayon sa mall at doon na kami kumain. Madaming tao ngayon sa mall at sakto madami din ang bodyguard namin. Nagpaalam naman ako kay PaPa na may bibilhin lang sa National bookstore mabuti nalang ay pinayagan ako nito ngunit kasama ang mga guards.

Bumili ako ng mga sketch pads na kilangan for our assignments. Bumili na din ako ng libro na matagal kong pinagiipunan. Nagtataka namana ko ng pinagtitinginan ako ng mga tao dito ngunit napansin ko din na sa likod ko sila tumitingin.

Pagkaharap ko sa likod ko ay agad na kinuha ni Lucas ang mga gamit sa kamay ko. Walang kahidaphirap nya itong dinala samantalang ako ay hirap na hirap.

"Kaya ko na yan." Pigil ko sakanya.

"Are you done choosing?" Tanong nya sakin. Napalinga naman ako sa paligid dahil sa mga bulung bulungan ng mga babae. Si Lucas naman ay firetso lang ang tingin nya sakin.

"Oo." Sagot ko, napatango naman ito at dinala na sa counter ang mga pinamili ko. Humuhigot palang ako ng pera sa wallet ko ngunit binigay nya na ang card sa cashier na kinagulat ko.

My Beloved Sandoval (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon