Kabanata 3

1.1K 26 0
                                    

"That's a good idea!" Full smile na sabi ni Gov habang ako naman gulat na gulat habang tinitignan si tuta na wala man lang expression.

I'm expecting na tumutol at sumalabat sya sa gusto ni gov ngunit hindi nya yun ginawa.

"Gov. Huwag na po. I'm trying to be independent naman po and what's the sense of being independent kung magsasama pa po ako ng mga taga-bantay."

" I totally agree with Kath. Darling, she doesn't need bodyguards, she knows what to do and let's trust her instead." Sabay kampi ni Mrs. Sandoval sakin.

"I think tama ang anak ko at si Mrs. Sandoval. What's the essence of being independent kung may magbabantay pang bodyguard guard sa anak ko." Si mama.

"Mrs. Villafuerte, I understand your point but I'm just worried dahil hindi naman natin alam ang takbo ng panahon. Ayoko naman na dumating sa puntong may mangyareng masama kay Kath, possible right? Babae ang anak nyo, one and only at ayoko lang magsisi kayo bandang huli." Pag lalaban ni Gov at may kakaibang tingin kay mama.

Napasimangot naman si mama sa sinabi ni Gov na para bang na apektuhan ito sa sinabi ni Gov. Pagkatapos nun ay nanahimik nalang si mama sa aking tabi habang hinahaplos ang buhok ko sa likod.

"Pero kaya ko naman po ang sarili ko and no need for bodyguards gov." Ngiti kong sabi.

" Hija. I'm just worried. Atyaka ok lang naman kay Lucasio na bantayan ka." Si Gov sabay tingin sa anak na naka ngisi.

" H-hindi na po. Atyaka ayoko na din pong maabala ang anak nyo para lang po bantayan ako at alam ko naman po na marami po syang ginagawa." Mabilis kong sagot sabay plastic na ngiting tingin kay Tuta.

Tumawa naman si Gov sabay akbay kay tuta na ngayon ay naka-ngisi, kumpara sa kaninang ekspresyon nya.

"Darling, hayaan mo na sila Mayor ang magdesisyon nito." Si Mrs. Sandoval sabay yapos sa braso ng asawa.

Para na tuloy silang nagpapa family picture para sa status picture ni Gov. What a happy family.

"What do you think, Mayor Villafuerte?" Tanong naman ni Gov kay Pa Pa.

I'm sure he won't agree, by the way.

Tahimik na tinignan muna ako ni Pa Pa at mukhang iniisip pa ata ung sinabi ni Gov.

"I'm just worri--" Di na natapos pa ni Gov ang mga sasabihin nya ng nagdecide na si Pa Pa.

"I agree. I agree." Si papa with his worried eyes looking straight on me and then to Gov.

"Pa!" Di ko na napigilan pang umangal. Humarap si papa sakin.

"Para sa kaligtasan mo naman ang ginagawa ko and pwede ka naman maging independent kasama ang mga bodyguards mo."

Tuluyan na akong lumapit kay PaPa para sulsulan ito. Desperada na kung desperada.

To be honest, wala naman kaso sakin kung sasama ang mga bodyguards ko sakin. Bodyguard seems great to be with me than tuta.

"Isama ko nalang si Lorna, Pa. Bodyguard seems to be awkward." Bulong at kumbinsi ko kay PaPa sabay yapos sa braso nito.

Nakatingin naman silang lahat sakin at curious sa binulong ko kay PaPa.

"In my opinion, she need someone to be with." Di pa din sumusukong sabi ni Gov.

"I don't need that Gov. Mawalang galang na po pero huwag nyo na po sanang pilitin yung about po sa mga bodyguards, I don't need them at lalong hindi ko po sila pinagkakatiwalaan tulad nga po ng sinabi nyo kanina, hindi po natin masasabi ang takbo ng panahon." Straight forward kong sabi kay Gov at himalang hindi ako sinuway nila mama at PaPa.

My Beloved Sandoval (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon