Chapter 3

3 0 0
                                    


Best Prize

Pumasok na Kami sa loob ng resto-Bar at agad sumalubong saamin ang malinamnam na amoy ng mga inihaw sa gilid. Hindi pa ganon karami ang mga Tao dahil Eight palang ng Gabi. I know that this kind of place only lit up it's vibes when it already hit Nine in the evening until Sun rise.

"Nasaan na sila? Naka park naman sa labas yung mga sasakyan nila ah." Ani ni Genova ng palinga-linga sa paligid.

Malaki ang Lugar at may pag ka-Westernized ang theme. May mga fairy lights and bulbs rin ang mga nakasabit sa mga dingding. May maliit rin na stage ang nasa harap at mukhang inaayos palang ng mga staff ang susunod na gagamit dito.

Malinis ang Lugar at mukhang madalas lang masangkot sa problema Ang Ganito. Mga nakasuot ng apron ang mga staff at isang matandang babae at lalake ang pumapaypay sa inihaw.

Akmang babalik na sana Kami sa labas para hanapin sila ng makita ko si Xyllian, Riley at Devon na lumabas mula sa likod ng stage. Genova waved her hands which caught their attention. Lumakad sila papalapit saamin.

Parang nang hihina ang tuhod ko ng makita ko siyang lumalakad papalapit sa pwesto namin. The smile on his face makes me dizzy. Bigla ko nanaman natandaan ang text niya sa cellphone ni Genova.

Which makes me wonder. Paano niya nalaman na ako Ang may hawak sa cellphone ni Genova? Na-hack niya kaya ang camera ng Phone? Hacker ba siya?

Oh gosh! I'm starting to over think again!

Kaysa lumapit sila sa pwesto namin ay tumigil ito sa isang bakanteng lamesa na mahaba at Umupo dito. Sinenyasan kami nito na lumapit kaya agad naman kaming sumunod.

On the both aisle, Riley and Xyllian sitted there. Meanwhile Devon sitted at the corner, beside Riley. Umupo si Genova sa tabi ni Xyllian sa kabilang dako. Akmang susunod na sana ako sakanya para tumabi ng biglang tumayo si Devon at hinila ang upuan para saakin.

He tapped the seat while looking at me. Sumulyap ako Kay Riley at nakita siyang nagtataka sa galaw ni Devon. Lumingon naman ako kay Genova at nakita siyang nagtatago ng ngiti at humahagikgik.

I didn't hesitate anymore, it might be rude if I refuse Devon's offer. Kaya lumapit ako dito at Umupo nalamang.

Wala naman sanang issue ang maganap.

Isang mahabang lamesa at may sampung upuan ito. Apat palamang Kami at may bakante pang Anim. And those sits are for Clyde, Henry, Andrew and William. Malapit Lang sa stage Ang lamesa namin at mukhang planado nila na dito na umupo para madali nalang para sa Banda ni Devon na mahanap Kami.

May pinaguusapan sila at mukhang nangangamustahan sa bawat isa. "Nasaan yung iba?" Tanong ko ng Natigil sila at itinuon Ang atensyon saakin.

"Yung Banda ko naghahanda ng mga gagamitin nila para mamaya. Si William naman nasa Cr." Pagpapaliwanag ni Devon gamit ang malalim na boses. I didn't expect him to answer.

Tumango nalamang ako bilang sagot. Makalipas ang Ilang Segundo ay Dumating na si William at Umupo sa tabi ko. I wanted to exchange sits with William. In that way, magkatabi sila ni Devon at Hindi ako out of place ngayon. Pero Hindi ko maituloy ang Plano ko dahil sa kamay ni Devon na nakapalibot sa likod ng upuan ko.

Nahihiya akong lumingon at Tumingin sa pwesto nila ni Riley dahil alam kong tatama ang paningin ko sakanya. I need to avoid him as much as possible kaya Lagi akong tumitingin kay Genova at Minsan naman ay tumatawa sa mga jokes nila.

Maya- maya pa ay lumabas narin ang Banda ni Devon at nag-si upuan sa mga bakanteng upuan. Nag- order na Kami ng iba't ibang klase ng inihaw. Halos mapuno ang buong lamesa sa dami ng in order ng mga kasama ko. Malalakas naman kasi kumain ang mga lalake kaya parang fiestahan ang pagkain namin ngayon. Nag-order rin kami ng dalawang bucket ng beer at soft-drinks.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

At the end of the line (wheels series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon