Dear Kulot V

10 0 0
                                    

"Ano ang kakainin mo, kulot?" tanong ni Kenna sa akin pagkarating namin sa cafeteria. Himala at wala masyadong tao ngayon sa cafeteria. Madalas kasi masikip dito dahil sa dami ng estudyante.

Dumiretso ako sa paborito kong stall dito sa cafeteria. I ordered chicken fillet and burger steak. Nginitian ako ng tindera pero hindi ko siya nginitian. Nakita kong dinamihan niya ng gravy sa akin pati na rin mushroom. She already knew what I like. She then gave me a yakult and a bottled water.

"Happy eating ineng." sabi sa akin ng tindera pagkatapos kong magbayad. Tinanguan ko lang siya. I guess nasa kanyang 60s na ata ang tindera na ito.

Pagbalik ko sa table namin ay nandoon na si Kenna, si Rigo na nakangisi na naman at nandoon din ang ibang kateam niya sa basketball.

Uupo na sana ako sa ibang mesa nang tinawag ako ni Kenna.

"Kulot! Dito ka!" turo niya sa bakanteng upuan na nasa harapan niya.

Napatingin ako sa lalakeng katabi ko. He smiled at me pero inirapan ko lang siya. I heard him laughed.

"Sungit sungit mo talaga, Kulot!" Perocho said na natatawa pa rin.

Hindi namin kaklase si Perocho dahil sa kabilang section siya. Kilala ko siya dahil siya ang Vice President ng student council ngayon. Magkakilala na kami noong gradeschool pa lang kami dahil magkaklase kaming tatlo ni Kenna pero hindi kami friends. He is poor way back gradeschool at naging mayaman lang sila nang tumuntong siya ng high school because her mom married a business man. Patay na kasi ang ama niya.

Kung titignan mo ang kanyang physical atttributes, gwapo naman siya. Matangkad siya pero mas matangkad si Rigo sa kanya. Kayumanggi ang kanyang balat parehas sila ni Rigo. Kung titignan mo sila ay parang payat sila pero may mga muscles pala. Tss..

"Kulot! Halatang napilitan lang na umupo dito ha?" Tinignan ko saglit si Zion.

Para sa akin, si Zion talaga ang pinakagwapo sa kanilang team. May dugo kasi itong foreigner kaya naman sobrang mestiso. Minsan nga nakakalimutan kong pinoy siya. Kahit magulo ang kanyang buhok, gwapo pa rin siya. Gwapo talaga si Zion. No doubt maraming babaeng nagkakandarapa sa kanya.

"Wow! Ang sarap naman ng ulam na binili mo, kulot."

I looked at Rigo na nakangisi na naman. Naaangasan talaga ako sa kanya.

"Rigo, huwag mong asarin." si Kenna na natatawa.

"Hindi ka ba nagsasawa sa kakakain ng chicken fillet, kulot?"

Napalingon ako sa isa pa nilang annoying na kaibigan. Si Stig Stanley. Si Stig Stanley na bawal kontrahin at awayin because both of his parents are lawyers and his grandfather is a judge. Halos lahat ata ng students dito ay takot o hindi kaya nai-intimidate kapag siya ang kausap. Stig is friendly but there is something about him na matatakot ka. Maybe the way he looks? I don't know. I'm not afraid of him actually.

"Mas nakakasawa kang tignan, Stig." I coldly said kaya naman inasar siya ng kanyang mga kaibigan.

"That's what I like about you, kulot. You are not afraid of me." natatawang sabi niya.

"Bakit naman ako matatakot sa'yo? Hindi ka diyos para katakutan ko." sagot ko sa kanya.

"Wala ka pala, Stig!" Rigo's laughter roared at the cafeteria.

"Ano ba kayo! Let kulot eat!" si Kenna na tumatawa rin.

I was about to eat my burger steak ng biglang pinagpalit ni Rigo ang ulam ko sa ulam niya. Nasa kanya na ngayon ang burger steak ko at nasa akin naman ang chopsuey na binili niya!

Dear KulotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon