Dear Kulot III

9 0 0
                                    

Maaga akong pumunta sa school dahil naiwan ko pala ang notebook ko sa math at may quiz kami sa math mamaya! Math is my second subject and I still need to study. Nandoon lahat ng notes nakakainis! Umagang umaga naiinis na ako. Sa lahat ba naman ng maiwan ko, notes pa sa math. Shit! 

Mas lalo pa akong nainis nang makita ako ng isa na namang pulang rosas kasama ang isang card na nakadikit na naman sa locker ko. Hindi iyon card na binili sa bookstore o pinageffortan na gawin gamit ang mamahaling materyales dahil ang card na nakadikit sa locker ko ngayon ay isang card na gawa sa cartolina! Kulay pink na cartolino ang gamit nito. 

Kailan niya ito nailagay? Maaga ba siyang dumating sa school? O hindi kaya kahapon pag-alis ko? But the rose is still fresh. Mukhang bagong bili palang ito 

I opened the card that is made from a cartolina. One thing I noticed about this guy is he has a very nice penmanship. But still, he is cheap. 

I started reading what is written inside. 

---

Dear Kulot,

Good Morning, Kulot! Sana maayos at maganda ang gising mo ngayong araw dahil ako? Kahit na gumising ako ng hindi maganda at mukha mo ay aking makikita pagdating ko sa school, magiging maganda na ang umaga at araw ko.

Alam mo bang napasaya mo ako kahapon?

Hindi mo na tinapon ang letter na binigay ko! Yellow paper lang pala ang katapat! Kahit na nakasimangot ka pa rin habang binabasa ang mga liham ko, alam kong balang araw ngingiti ka rin. Mapapangiti din kita balang araw, kulot. Balang araw.

Alam kong may test ka sa math ngayon at gusto lang sana kitang i-good luck! Kaya mo iyan. Ikaw pa?

Sana noh naging exam rin ako para sagutin mo rin ako! Hahaha kidding! Good luck sa exam mo, Kulot! 

PS: Sorry cartolina lang ang gamit ko. Nashort kasi ako sa pera kahapon. Okay lang iyan, it's the thought that counts right? Hahaha tama ba? Tama bang nasa isip kita palagi? Uyyy kinilig! Hahaha

See you when you see me, Kulot! 

Lubos na humahanga sa'yo,

Jikoy

---

Sino ba itong Jikoy na ito? Bakit alam niyang may test kami sa math? Is he my classmate? Stalker ko ba siya? Shit. 

"Hi Kulot!"

Agad kong nilagay ang love letter sa math notebook ko. Nilahad ko ang rose na bigay ng kung sino man ang nagbigay sa akin nito kay Rigo na nakakunot ang noo sa rose na nilahad ko sa kanyang harapan. 

"Ano iyan?" he asked stupidly. 

"Obviously it's a rose, stupid." sabi ko tsaka nilagay ang rose sa kanyang kamay. 

"I mean-" I cutted him off. I don't want to talk to Rigo. Talking to him makes me stupid. 

"Give it to Kenna." I said bago siya tinalikuran at naglakad na papunta sa room namin. 

Naramdaman ko ang pagtabi ni Rigo sa akin kaya naman mas binilisan ko ang aking paglakad. Why is he so annoying? Paano natitiis ni Kenna ang ganitong klaseng lalake?

Hinablot ako ni Rigo sa braso kaya naman napaharap ako sa kanya. Nanlaki ang aking mga mata sa ginawa niya at mabilis kong hinatak ang aking braso mula sa pagkakahawak niya. 

"Don't touch me, Rigo!" iritadong sigaw ko sa kanya tsaka ko kinuha ang alcohol ko sa bag at binuhos ito sa aking braso. 

I heard him laughed. "Grabe, ang arte! Allergic ka ba sa gwapo?" 

"Gwapo? Baka gago?" iritado paring sabi ko at naglakad ulit papalayo sa kanya. 

I still need to studymath! Damn that stupid boyfriend of Kenna! 

"Kulot!" Kenna gave me a quick hug as I entered our classroom. 

"Babe! Is that rose for me?" 

Nawala na ang atensyon ni Kenna sa akin at napunta na sa istupido niyang kasintahan. I walked fastly towards my seat tsaka ako mabilis na nagbasa ng notes ko sa math. 

"Galing to kay kulot, ibigay ko daw sa'yo." narinig kong sabi ni Rigo kay Kenna. 

Naramdaman ko ang pag-upo ni Kenna sa tabi ko at ang pag-upo ni Rigo sa harapan ni Kenna. 

"What's the rose for, kulot?" Kenna asked. I ignored her.

"Baka galing iyan sa kanyang secret admirer, babe?" 

"Oh my! Galing ba iyan kay Jikoy?!" 

Ipinikit ko ang aking mga mata dahil hindi na ako makapagtimpi pa. I still need to memorize the equation! Shit talaga. 

"Will you please stop talking? As you can see I am studying. Don't disturb me." singhal ko sa kanilang dalawa. 

"Sorry, kulot!" Kenna laughed.

See? She is that chill! Porke't matalino! 

"Hays, sana naging exam na rin ako para seryosuhin mo rin ako, kulot!" rinig kong sabi ni Rigo. 

"Babe baka kiligin si kulot." Kenna laughed.

"Nako, huwag ka mafall sa akin kulot ha may Kenna na ako."

As if I would fall for a stupid guy like you. Perfect match talaga sila ni Kenna. A bright girl and a stupid guy.

"Oy, Stephen, may kilala ka bang Jikoy?!" rinig kong sigaw ni Rigo sa kaklase namin. 

Inangat ko ang tingin kay Stephen na nakangisi papalapit sa amin. 

"Jikoy? Wala! Crush mo pre?" Stephen teased. 

"Hindi. Crush ni kulot." 

Kenna and Rigo laughed together. 

"Talaga?! That's... surprising, kulot." si Stephen na mahihimigan ang pagkamangha. 

That's it! Malakas na binagsak ko ang aking notebook sa aking armchair. Napatigil ang aking mga kaklase sa kanilang mga ginagawa at napatingin sa gawi namin. I stood up and walks towards Rigo na nanlalaki na ang mga mata. Mabilis na nakalayo si Stephen. Agad kong hinawakan ang tenga ni Rigo at pinikot ito. 

"Nakakainis ka! Bwiset ka talaga!" 

Narinig ko pa ang pagtawa ni Kenna. Sorry, Rigo pero pagdating sa mga ganito, kampi sa akin si Kenna. 

"Ow! Shit! Ang fuck! Ang sakit!" reklamo niya.

"This is hilarious!" Kenna laughed so hard that she can hardly breathes.

Nang makuntento na ako at makita ang namumula niyang tenga tinadyakan ko siya sa paa. 

"Stop messing with me, Rigo or I'll mess with you."

Dear KulotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon