Dear Kulot VI

13 0 0
                                    

Unknown : 


Dear Kulot, 


Enjoy eating your lunch! Don't forget our deal ha? Enjoy eating veggies, Kulot! 🍆🥔🥕🥒🥦❤


Lubos na humaganga sa'yo,

Jikoy


---


I closed the message. May mga reply pa siyang sinend kanina na hindi ko na inabalang basahin pa. Deal? Tss.. I am sure that he is going to lose this deal. I would never ever like vegetables. Kahit noong bata palang ako, ayoko na talaga sa vegetables. It is always chicken, pork and beef that I always eat. May chef nga kami na masarap magluto but he wasn't able to make me it vegetables. I just hate vegetables. 


Adobong batong? Ginisang squash and ginataan? As if I would like to eat those shits. Baka masuka ko lang. 


But then, we have a deal right? If hindi ko magustuhan, he will stop pestering me. Malaki ang kompyansa ko na hindi ko talaga magugustuhan ang mga sinabi niya. 


"Chicken fillet at burger steak ba ulit ineng?" nginitian ako ng ale kaya naman mabilis akong umiling. Tila nagulat siya sa pag-iling ko. 


"One adobong batong, one ginisang kalabasa at isang ginataan po." sabi ko. "Tsaka, dalawang yakult din and one bottled water." 


"O-okay, Ineng?" she looks confused dahil sa pag-iiba ko ng order. "Mabuti naman at kumakain ka na ng gulay." she smiled at me, mukhang natutuwa sa kakainin ko ngayong araw. 


After I got my order ay bumalik na ako sa mesa kung nasaan si Kenna at Rigo na naglalambingan. I almost rolled my eyes. Being a third wheel always sucks right? 


Nakuha ko lang ang kanilang atensyon nang nilapag ko na ang tray sa mesa. 


"Wait! Am I seeing things, babe?" oa na sabi ni Kenna habang nakatingin lang sa mga ulam na nakalapag sa mesa. 


Tss... Hinintay ko din ang oa na reaksiyon ni Rigo pero hindi iyon nangyare. Nakangisi lang siya habang nakatingin sa mga nilapag kong pagkain. 


"Makikiupo rin ako- woah! Kulot?! Talaga bang?!" 


Hindi ko na nilingon pa si Perocho na nakaupo na sa tabi ko. Himala at siya lang ang nandito ngayon? Asan kaya iyong dalawang asungot na kaibigan nila? 


"Enjoy eating your lunch, kulot!" narinig kong humalakhak si Rigo. 


"Mukhang hindi naman ata siya mag-eenjoy, babe! Nakasimangot oh!" sabi ni Kenna. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear KulotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon