Dear Kulot,
Sana saktan mo rin ako gaya ng pagsakit mo kay Rigo kanina. Pero gusto kong saktan mo ako sa ibang paraan. Gusto ko iyong tipo ng sakit na may kasamang ligaya. Hahaha biro lang! Ano kaya iniisip mo? Parehas ba tayo ng iniisip na masahe? Marunong ka bang magmasahe? Siguro hindi. Sa ganda ba naman ng mga kamay mo mukhang wala kang ginagawa sa bahay. Opposite pala tayo kung ganoon? Alam mo ba na opposite attracts?
Ako ang tagalaba, tagasaing, tagahugas, plantsa, at kung ano pang ibang gawaing bahay. Handa akong magpaalipin sa'yo, kulot.
Well, ako kasi ang tumatayo sa amin bilang padre de pamilya. Yung papa ko kasi na seaman, iniwan na kami dahil nagkapamilya na siya doon sa Australia. Kaya ako ang tumutulong kay Mama ngayon sa tatlo ko pang kapatid.
Sana mabusog ka sa lunch mo ngayon. Tsaka may iniwan ako na supot diyan na naglalaman ng yakult. Mahilig ka daw kasi sa yakult.
Happy Eating, Kulot!
Lubos na humahanga sa'yo,
Jikoy
----
Kilala niya si Rigo.. Well kilala naman ng lahat si Rigo pero paano niya nalaman na sinaktan ko si Rigo kanina? Tanging mga kaklase ko lang ang nakakita na sinaktan ko si Rigo. It means... kaklase ko si Jikoy? Sino siya sa mg kaklase ko?
Kinuha ko ang nakasabit na supot at may isang yakult na nakalagay doon. Tss.. so cheap. Isa lang talaga? My suitors gave me a box of yakults before tapos siya isa? Hindi ba siya nahihiya sa akin?
"Kulot! Ano iyan?"
Napalingon ako kay Rigo na nakasilip sa supot na hawak ko.
"Kabute ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Teka, pick-up line ba iyan?" nanlalaki pa ang kanyang mga mata.
"Tss.. bigla bigla ka nalang kasing sumusulpot!" mataray na sabi ko at padabog na binuksan ang locker ko.
"I really don't understand why Kenna is friends with you." matigas na ingles na sabi niya.
Hindi ko siya pinansin. Kung hindi lang siya boyfriend ni Kenna, hindi ko talaga siya kakaibiganin kahit na mayaman pa siya. He is very annoying! I really hate talkative people! It peeved me! Ang malas ko lang talaga at magkatabi pa kami ng locker.
Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay isinara ko na ito. Pagkasira ko ng locker ay bahagya pa akong nagulat nang makita si Rigo na nakasandal na sa locker habang nakatitig sa akin.
Kinuha ko ang yakult na bigay sa akin ng Jikoy na iyon at binigay kay Rigo.
"Ano ito?" he stupidly asked again.
"Will you stop asking the obvious, Rigo Ong?" I annoyingly said. "Just fucking accept it." sabi ko.
Iiwan ko na sana siya ng hinablot na naman niya ako. Nilagay niya sa aking kamay ang yakult na binigay ko sa kanya kanina. His gaze made me uncomfortable kaya naman mabilis kong tinulak siya palayo ss akin. He laughed at my reaction.
"Binigay iyan sa'yo ni Jikoy kaya ikaw ang uminom niyan." he gave me a smirk first before he left me.
Wait, hindi ko sinabi sa kanya na binigay ito ni Jikoy! How did he know?!
Maybe Rigo fucking knew who that cheap Jikoy is.
BINABASA MO ANG
Dear Kulot
Teen FictionEveryone calls her "kulot" because of her long and curly hair. Her life was peaceful until she met the annoying guy named "Jikoy".