Dear Kulot I

16 0 0
                                    

Dear Kulot,

Unang beses kitang nakita noong sumali ka sa pageant natin sa school. Agad akong tinamaan sa'yo lalo na nong kinanta mo iyong 'That's What You Get' ng Paramore. Ang ganda pala ng boses mo. Hindi man ikaw ang nanalo sa pageant pero para sa akin, ikaw ang panalo. ❤

PS: Kulot ang itatawag ko sa'yo ha dahil iyan naman ang tawag ng mga classmates mo sa'yo.

Lubusang humahanga sa'yo,
Jikoy

----

I crumpled the scented paper that was given to me. I then throw it to the trashcan together with the one stem of red rose. Hindi ko alam kung sino ang naglagay ng letter na ito kasama na ng rosas na iyon sa labas ng locker ko.

Tss, Jikoy? Who the hell is Jikoy? Sa apat na taon kong pag-aaral sa unibersidad na ito ng highchool, wala akong kakilalang Jikoy. Well, not to boast but kilala talaga ako dito sa university. I really don't give a damn about the people around me unless you are beneficial to me. Call me fake and user but I guess that's really me.

Everyone calls me "kulot" because of my long curly hair obviously. Maraming naiinggit din sa buhok ko dahil maganda daw ang pagkakulot nito. I was born curly and that is my asset I guess. My curly hair brings charm to the other people.

"May kilala ka bang Jikoy, Kenna?" I asked my classmate isang araw habang kumakain kami sa cafeteria.

Kenna is one my closest friend here in school. We were friends since grade school actually. I really like to be with her dahil siya ang Top 1 sa school and her family is influential. Her dad is the current mayor of the city.

I was told by my mother to be friends with the rich and successful people because it will motivate me to be successful too.

"Jikoy? Mukhang wala namang Jikoy ata dito kulot! Ba't mo natanong? Crush mo?" she pry kaya naman mabilis akong umiling.

Whoever he is, I am not interested. And I hope that letter would be the first and the last.

"Sure? First time ko kasing narinigna naging interesado ka sa isang tao!" she chuckled.

"I'm not interested, Kenna." mahinahon na sabi ko sabay kain ulit sa aking baked mac.

Me? Interested to this Jikoy whoever he is? No fucking way. Pangalan pa lang niya, hindi ko na type.

"Babe!"

Nilingon ko ang kakarating lang na boyfriend ni Kenna na si Rigo. I hate Rigo because he is annoying as hell. If hindi lang talaga siya ang varsity at MVP ng basketball, kung hindi lang siya anak ng may-ari ng mall dito sa city, hindi ko talaga siya kakaibiganin. But since he is handsome, rich and somehow influential, sige titiisin ko ang pagkahambog niya.

"Hi, Miss Sungit!" bati ni Rigo sa akin sabay gulo sa aking buhok. Agad ko namang binalibag ang kanyang kamay.

"Stay away from me, Rigo Ong! Your name sounds like bagoong. It stinks just like you." mataray na sabi ko sa kanya sabay balik kain ng aking baked mac.

I heard Kenna laughed. "Huwag mo na nga asarin iyan, babe! Baka tupunan pa tayo ng mesa niyan eh!"

"Sus, maganda nga ang taray naman!" rinig kong sabi ni Rigo na naupo katabi ni Kenna. Hindi ko siya nilingon o tinignan man lang.

"Babe, do you know someone named, Jikoy?"

Natigil ako sa pagsubo ng baked mac at tinignan si Kenna na kinagat na ang labi ng makitang masama ang tingin ko sa kanya.

"Jikoy? Taga ibang school? Bakit mo natanong?"

Rigo is very nosy. Isa sa mga ayaw ko sa kanya.

I gave Kenna a death glare. Mas lalo niyang kinagat ang labi niya at mukhang naintindihan naman ni Rigo ang pagtitinginan namin ni Kenna.

"Oh." humalakhak si Rigo. "Another admirer mo na naman? Good luck sa kanya!"

"I lose my appetite." sabi ko sabay tayo at umalis sa table na iyon.

Narinig ko ang pagtawag ni Kenna sa akin pero hindi ko siya nilingon.

Admirer my ass.

Dear KulotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon