Dear Kulot II

23 0 0
                                    

"Class dismiss."

Agad akong tumayo at sinuot ang aking backpack. Pupunta pa ako sa aking locker para kunin ang mga librong daldalhin ko sa bahay. I need to study para naman mapasali ako sa top ten. Miski with honors man lang, okay na ako. I am not that bright unlike Kenna pero matataas naman ang grades ko. Ang unfair talaga ng buhay. Kenna is very chill kapag may mga exams habang ako nagkakandarapang mag-aral pero hindi napapasama sa top ten tapos si Kenna top one. Tss.. Kenna is very blessed. She's rich, beautiful, talented and intelligent. Rigo is very lucky to have her.

"Kain muna tayo sa café, kulot!"

Hindi ko napansing nakalapit na pala si Kenna sa akin. Nalipat ang aking paningin sa lalakeng nakangisi sa tabi niya. The annoying boyfriend of her.

"Sama ka kulot para third wheel ka!" Rigo chuckled.

"Rigo! Stop teasing kulot!" sinapak ni Kenna si Rigo sa braso.

"Can't help it babe! It is fun teasing her." Rigo gave me an annoying smile.

"Ayoko sumama kung kasama si Rigo." sabi ko at mabilis kong tinalikuran sila.

Habang naglalakad ako papunta sa locker ko sa kabilang building ay maraming studyante na hindi ko kilala ang bumabati sa akin. Tinatanguan ko lang sila because some of them doesn't deserve my smile.

Nang makarating na ako sa locker ko, malayo pa lang ay natatanaw ko na ang isang stem ng pulang rosas at isang yello paper na nakadikit sa locker ko.

Fuck, akala ko isang lang?! Then there's another one?

Nagpalingon-lingon ako sa paligid baka sakaling may makita akong suspicious na lalake na nakatingin sa akin but every guy I see around is stealing a glance from me.

Mabilis kong hinablot ang yellow paper at rosas. Binuksan ko ang papel at agad kong binasa kung ano man ang nakasulat dito.

Dear Kulot,

Sinaktan mo ang puso ko! Sinaksak mo ng kutsilyo! Aray naman, kulot! Talagang tinapon mo lang sa basurahan ang pinaghirapan kong love letter na isinulat para lang sa'yo. Tapos scented paper pa ang gamit ko doon. Alam mo ba na pinaghirapan kong makuha ang scented paper na iyon? Hiningi ko iyon sa kapatid kong babae kapalit ng paghuhugas ko ng pinggan tapos itatapon mo lang? Tsk. Tsk. Pati rosas tinapon mo. Alam mo ba na hindi ako kumain ng recess para lang mabili iyon? Tsk. Sobrang nasaktan talaga ako kulot. Ang sakit sakit ng ginawa mo.

Pero kahit ganyan ka, hinahangaan pa rin kita. Yieeeee. Sana mapasaya kita balang araw. Sana mapangiti kita. Sana matunaw ko iyang nagyeyelo mong puso sa init ng pagmamahal ko sa'yo. Ayieeee ulit.

PS: Sorry at yellow paper lang ang gamit ko ngayon ha? Naubos na kasi ang scented paper ng kapatid ko! Hayaan mo bibili ako. Promise!

Lubos na humahanga sa'yo,
Jikoy

----

One thing for sure, the sender of this fucking letter is cheap! He is really cheap!

Dear KulotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon