Kabanata 29- SI SOLIMAN, SI MALAKAS AT ANG BIRINGAN

1.3K 117 12
                                    

Anya

Pagkatapos ng pagpupulong namin kanina ay umuwi na kami ni Jake sa sarili niyang bahay at katabi ng bahay nila Carol at Zandro. Akala ko ay iiwanan niya ako sa bahay nila Marikit ngunit gaya ng sabi niya—

"Hindi kita iiwan. Hindi ka makakalayo sa akin. Hindi tayo maghihiwalay mula ngayon."

"Nangingiti ka," puna ni Jake sa akin.

"Naalala ko lang si Jelie," kaila ko na ikinatawa ni Jake.

"Gigil na gigil si Tala kanina. Kung wala si Sidapa baka naging abo si Jelie."

"Nakakatuwa nga siya e."

Tumango si Jake at tumabi sa akin sa malambot na upuan. "Malaki ang kasalanan ko sa kanya."

"Nauunawaan naman nila sa palagay ko."

Napabutong hininga si Jake at umakbay sa akin. Inabot niya ang aklat na hindi ko alam na hawak nila.

"Ang Alamat ng Adarna. Hindi ko pa rin nababasa ang ibinigay mong libro."

May kaunting luha ang mga mata ko nang kuhanin ko ang libro na hawak niya.

"Ito ay higit pa sa isang alamat. Ito ang una nating buhay."

"Hindi ko naalala 'yan. Ang naalala ko ay ang araw na binigay mo sa akin iyang libro. Naalala ko na lagi kang gumuguhit... Tama ka, higit pa sa isang alamat ang Adarna."

Sinimulan kong basahin ang alamat at kung minsan ay nagtatanong si Jake at ipnapaliwanag ko sa kanya kung bakit... kung bakit siya nag-asawa noon.

Hindi ko lubos maisip na darating kami sa oras na ito. Dati ay isa lamang siyang panaginip na hinahangad kong magkatotoo. Dati ay isa siyang pangarap na hindi ko alam kung paano aabutin.

Wala na akong mahihiling pa bukod sa maging ligtas ang lahat ng kaibigan ko. Nilagyan ako ng panangga ni Bunao upang hindi atakihin ng kampon ni Sitan gaya ng ginawa niya kay Marikit at Carol. Ang bahay ni Jake— namin pala— ay mayroon ding panagga na gawa rin ni Bunao.

Nasasanay ako na ako sa pagiging may bahay. Nawala man ang aming marka sa isa't-isa, bumalik naman ang ala-ala niya at iyon ang mahalaga.

Hindi magkasundo ang buong grupo sa kung ano ang susunod nilang gagawin. Nasa bahay kami muli nila Marikit at Bunao upang magpulong. Lahat laban kay Tala ang nangyayari.

"Bakit ba hindi kayo makalakad ng wala ako?" giit niya.

"Ano ba kasi ang problema bakit ayaw mong magpunta sa Biringan gayong kailangan ka namin?" Nauubos na ang pasensya ni Bunao. "Isang grupo tayo, hindi ba?"

"Nariyan si Mayari at Hanan," giit pa rin ni Tala.

Napabuntong hininga ang dalawa.

Sa may bandang kusina ay kinawayan ako ni Marikit. Umalis ako sandali mula sa pagpupulong at pinuntahan siya. Tinulungan ko siyang maghatid ng pagkain sa nagkakagulong magkakaibigan sa sala.

"Fries, Tala. Favorite mo." Inabot ni Jelie ang isang supot kay Tala na agad nitong kinuha.

"Huwag mo na lang pansinin si Soliman," nakakaunawang wika ni Hanan. Pinapakalma ng magkapatid si Tala nang sumabat si Jelie.

"May hang-ups ka pa sa ex mo?"

Natawa kami nila Marikit lalo na nang titigan ng matalim ni Tala si Jelie.

"Hindi ko siya naging kasintahan," sigaw nito. Buti na lang at parating tulog si Makisig.

"Iyon naman pala, bakit ayaw mong pumunta?" tanong muli ni Jelie. "Kailangan ko ng tulong ninyo. Ako ang weakest link sa group."

Biglang natahimik ang lahat.

"Mahal—"

"Dodong, alam naman natin 'yon. Bubuyog nga lang ang alam kong tawagin. Paano ko bubuksan ang kulungan kung hindi ko alam buksan? Hindi ako makabasa ng old scriptures kaya kailangan ko si Carol. Hindi ako makabigkas ng spell kaya kailangan ko si Bunao. Hindi ko kayang magbukas ng portal nang hindi napupunta sa kung saan kaya kailangan pa kita para ihatid ako. Nakakapanliit din na parang ang importante ko pero wala akong magawang tama."

"Hindi naman sa gano'n, Jelie," wika ni Bunao na ikinangiti namin ni Marikit.

"Isantabi muna natin ang mga exes baggage para sa world peace?" May pagmamakaawang tiningnan ni Jelie si Tala.

Napabuntong hininga si Tala.

"Si Malakas ang huling kasama ni Ama nang mawala siya. Siya lang ang mayroon tayo para simulang hanapin si Ama. Nakakulong siya ngayon sa ilalim ng bulkan." Nagkatinginan kami sa sinabi ni Tala.

"Paano mo nalaman?" tanong ni Sidapa sa kanya.

"Sinabi ni Soliman," mahinang sagot ni Mayari. "Iyon ang pinag-awayan nila."

"Dahil nagtangka si Tala na puntahan si Malakas upang iligtas ngunit muntik na niyang ikasawi," dagdag ni Hanan.

"At nagalit si Soliman dahil doon?" tanong ni Carol.

Tumango ang dalawa ngunit si Tala ay walang kibo.

"Iniibig ka niya, Tala," hindi ko napigilang sabihin.

"Kaya ko ang sarili ko," giit ni Tala.

"Alam natin iyan, ngunit kung minsan ay hindi mo maiiwasan na may mag-alala sa iyo," wika ni Marikit.

"Ano, malinaw na ba? Kailan tayo pupunta ng Biringan?" Naubos na yata ang pasensya ni Bunao sa mga nangyayari.

Napabuntong hininga na lang si Tala sa kawalan ng magagawa.

"Biringan?" bulong ko kay Jake. Hindi ko maisitanig nan ais kong sumama.

Tumango siya sa akin na parang nababasa ang nasa isip ko at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko.

"Huwag kang lalayo sa akin," ganting bulong niya. 

The Book of MythsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon