Jake
UST
[PAST]
Bad trip na bad trip ako kay Zandro. Dinamay pa ako sa kaga-gaguhan; sa akin pa nagselos.
"Miss, may extra kang ballpen?"
Nakalimutan ko pa tuloy ang ballpen ko dahil sa yamot sa kanya.
"Isasauli ko, promise."
Inabutan ako ng babae na nakaupo sa bench ng kulay purple na ballpen. Nakakunot akong lumingon sa kanya.
"Wala kang ibang kulay?"
Umiling siya at itinaas ang hawak na ballpen na kulay pink. Napabuga ako ng hininga.
"Saan kita hahanapin mamayang alas-tres?"
"Sa... library," mahinang sagot niya.
"Okay... thank you."
Hindi ko naitanong ang pangalan ng babae sa kakamadali ko. Late ako ng ilang minuto sa quiz namin. Naroon na si Zandro na hindi lumilingon.
Gung-gung.
Hindi kami nagpansinan ni Zandro pagkatapos ng klase, dumeretso ako sa library para isauli ang ballpen na kulay puto bungbong. Sa sobrang pagka-purple, gusto ko ng kagatin at laklakin.
Nakita ko ang babae sa isang sulok ng library. Naghead set siya at nagkukulay ng ibon.
"Thank you," may kalakasang wika ko. Agad akong pinaswitan ng librarian na si Ms. Mel. Nahinto sa pagkukulay ang babae nang makita niya ang ballpen na pnahiram niya sa akin kanina. Napatingin siya sa akin at tinanggal ang head set na nasa tainga.
"You can keep it," sagot niya. Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi niya at kinuha ang kinukulayan niyang sketch book.
"Ano ang course mo?"
"Fine arts," sagot niya.
"Kaya pala ang galing mong mag-drawing. Anong ibon ito?"
Sobrang detalyado na pati ang mata ay akala mo ay buhay. Magaling pa siyang magdrawing sa amin nI Zandro.
"Adarna," mahinang sagot ng babae.
"Ano ang pangalan mo?"
"Anya."
"Ako nga pala si Jake. Architecture—"
"Alam ko," sagot niya.
Oh... I see. Ibinalik ko ang sketch pad kay Anya at kinuha muli ang purple pen.
"Salamat sa ball pen."
"Welcome," sagot niya. Inilagay muli ang head set sa tainga at nagsimula muling magkulay.
"Alam mo ba ang alamat ng Adarna?"
Tuluyang ngumiti si Anya at ibinaba ang kinukulayang sketch pad.
[PRESENT]
"Sino kayo?"
"Ako ito, Anagolay, si Sidapa."
Napasinghap ang isang matanda at binuksan ang pintuan na naghaharang sa amin.
Susuyurin ko ang buong daigdig mahanap lamang si Anya. Nararamdaman ko ang marka sa aking braso... ang mark ana nagtatali sa aming dalawa ngunit hindi sapat upang mahanap ko siya. Hindi gaya nila Jelie at Sidapa, hindi kami lubusang mag-asawa ni Anya. Akin siya ngunit hindi niya pa alam.
Napahinga siya ng malalim ang matandan nang Makita kami at niluwagan ang pintuan. Tumingin siya sa buong grupo namin. Yumuko siya ng kaunti si tatlong Diwata.
"Lumabas kayo riyan at sasabihin ko ang nais ninyong malaman."
Hindi ko na kinailangan sabihan muli. Nauna akong lumabas at kusang napahakbang paatras ang matanda.
"Anagolay, siya ang—"
"Anak ni Sitan," pagtatapos ng matanda.
Huminga ako ng malalim upang pigilang magalit. Sa tuwina ay naroon ang takot sa mga mata ng lahat. Anak ni Sitan— masamang nilalang. Kakabit ng pagkatao ko kung kanino ako nagmula ngunit ni isa ay hindi naglakas ng loob na alamin kung sino talaga ako maliban kay Carol, Zandro at Ms. Rose.
"Anak lamang ngunit hindi ako si Sitan," may pait na sagot ko.
"May hinahanap kami—" wika ni Bunao.
"—lahat naman ay may hinahanap. Ang iba ay natagpuan na ito," makahulugang wika niya habang nakatitig kay Sidapa. "—at ang iba ay naglalakbay sa mundo upang hanapin ang nawawala," pagpapatuloy ng matanda.
"Lumabas kayo riyan sa masukay na silid. Bakit diyan kayo dinala ng lagusan ay hindi ko mawari. Dumito tayo sa labas," yaya ng matanda sa amin.
Pinaupo niya kami sa maliit na sala at nagpunta siya sa kusina. Isang dalaga na ang bumalik sa amin na may dalang inumin.
"Pagpasensyahan ninyo at malamig na tubig lamang ang nakayanan ko," ani ng dalaga.
"Nasaang ang matanda?" natatarantang tanong ko.
"Nasa iyong harapan. Huwag kang magpapalinlang sa panlabas na anyo," ani nito. Tanging ako at si Jelie na nakanganga ang naguguluhan sa nangyayari ngunit hindi ko pinahalata.
"Nais kong marinig ang inyong sadya," wika ni Anagolay.
"May hinahanap kami. Isang babae na tinangay ng mga dalaketnon," simula ko sa pagkukwento. "Pinuntahan namin siya sa Biringan ngunit wala siya doon."
"Wala sa Biringan ang hinahanap mo. Nasa ibang antas ng Kasamaan. Doon dinala ng alagad ng iyong Ama."
Napasinghap maging ang tatlong Diwata sa sinabi ni Anagolay.
"Naroon lamang siya?"
Tumulay sa aking ugat ang galit. Kamay nI Zandro ang pumigil sa aking balikat upang hindi ako makatayo sa aking upuan.
"Nais kong malaman mo na hindi lamang iisang antas ang Kasamaan. Malawak ang kaharian ni Sitan."
"Saang antas naroon ang kasintahan ni Jake?" magalang na tanong ni Bunao.
"Sa antas kung saan naroon ang mga namumuhi," sagot muli ni Anagolay. "Kailangan mong tawirin ang ilog ng pagkamuhi upang makarating sa hinahanap mo."
BINABASA MO ANG
The Book of Myths
FantasyIka-apat na aklat. Hindi makapaniwala si Jake sa kanyang pinagmulan. Mula nang tulungan niya si Carol na sagipin si Zandro, hindi na niya muling naalis sa kanyang isipan na galing siya sa masamang angkan. Sa likod ng kanyang isipan, naroon ang agam...