Kabanata 6- ANG MGA ENGKANTO

1.2K 113 8
                                    

Anya

[PAST]

"Adarna, nalalapit na ang paniningil."

"Bigyan mo pa ako hanggang bukas."

Graduation ni Jake, bukas.

Napailing si Carolina sa harapan ko. "Ang mga isinakripisyo mo nang dahil sa isang tao."

It's worth it. Jake is worth my sacrifices.

"Tatlong kahiling na ang ibinigay ko, Adarna."

"Hindi ko nakakalimutan," mahinang sagot ko.

"Maging tao ka, makita ka niya at nasagip ang buhay niya sa kamatayan; pinagbigyan na kita."

"Pakiusap, hanggang bukas na lang Carolina," pagmamakaawa ko.

"Kung gano'n ay bago mag-ala sais ng gabi bukas ay nasa Biringan ka na."

Malungkot akong tumango kay Carolina.

Kinabukasan, maaga akong pumunta sa venue para abangan si Jake. Alas-quatro ng hapon nang makarating ako doon. Kakaunti pa lamang ang tao ng mga oras na iyon. May isang oras pa bago magsimula ang program.

Naghintay ako kay Jake dala ang regalo ko sa kanya. Naunang dumating si Zandro sa kanya kasama ang daddy nito. Naghintay pa ako ng kaunti para kay Jake. May lumapit sa aking isang lalaki. Napapikit ako nang makita ko ang mukha niya. Wala itong philtrum.

"Pinapasundo ka ni Carolina."

"Kaunting oras pa," pakiusap ko.

"May limang minuto ka pa," sagot nito.

Jake... dumating ka na, please.

Lumipas ang limang minuto ay hindi dumating si Jake. Hinaklit ako ng dalaketnon sa braso at pilit itinayo mula sa kinauupuan kong baiting ng hagdanan. Nalaglag ang regalo na hawak ko sa semento.

"Tayo na at huwag kang gagawa ng gulo kung ayaw mong may madamay na iba," banta nito.

Hinila ako palayo ng dalaketnon papunta sa isang portal. Isang lingon pa ang nagawa ko bago ako tuluyang hilahin papasok. Doon ko nakita si Jake na nagmamadaling bumaba ng kotse. Lilinga-linga siya sa paligid na parang hinahanap ako.

"Jake," tawag ko sa kanya ngunit hindi na niya ako narinig.


[PRESENT]

Masama ang tingin sa akin ng magkapatid. Naglalangib ang sugat ni Pedro sa mukha. Nandidiri akong tingnang ngunit hindi ako nagbawi ng paningin.

"Nasabi ko na kay Ama," ani ni Diego.

"Patayin mo 'yang ibon na iyan."

"Ayaw ni Ama," umiiling na sagot ni Diego. "Magagamit n'ya 'yan kay Juan."

"Hindi na babalik si Juan," sigaw ni Pedro.

"Babalik siya ng kusa sa palagay ko," mariing sagot ni Diego at lumapit siya sa hawla ko. "Dahil may ginawa siya rito sa ibon kaya naging itim ang ilang balahibo."

Lumingon si Diego sa kapatid. "Magpagaling ka—"

"Hindi ganoong kadali na bumalik ang balat na nalapnos sa akin. Tampalasang ibon. Papatayin kita kapag nagkaroon ako ng pagkakataon."

"Oo nga pala. Dadalaw si Carolina. Pinapasabi ni Ama na gusto nitong makita ang ibon. Mukhang may galit na rin dito kay Adarna."

Hindi nga nagtagal ay dumating si Carolina kasama ang ilang dalaketnon na kampon niya.

"Nang dahil sa iyo, Adarna... sinugod kami ni Sidapa..." Galit na galit si Carolina nang kuhanin ang hawla at ibato sa madilim na paligid. Tumama ang kulungan ko sa malaking bato at nauntog ako sa loob ng kulungang gumong-gulong sa lapag.

"Kakampi na nila si Sidapa," sigaw ni Carolina.

"Hindi maari," ani ni Diego.

"Mukha ba akong magsisinungaling sa ganyang bagay? Sumugod ang kapatid ninyo sa Biringan dahil nakita marahil nito nang hilahin ng isang dalaketnon ang Adarna. Kasama siya ang tampalasang babae na kinahuhumalingan ng diyos ng kamatayan. At si Sidapa ay sumunod sa pag-aakalang kinuha ko ang babaeng taga-lupa."

"Alam n ani Ama?"

"Sinabi ko na," sagot ni Carolina. Nakatingin ito ng masama sa akin. "Wala kang utang na loob, Adarna. Pagkatapos kitang tulungan ay gulo ang dinala mo."

May kapalit ang tulong mo, Carolina.

"Magkatawang-tao ka. Hindi bai yon ang nais mo?" nang-uuyam na tanong nito. Nagyuko ako ng ulo at hindi na muling tumingin sa kanila.

"Unahin ninyong hanapin si Bathala bago pa kayo maunahan ng mga taga-lupa," sambit ni Carolina.

"Matagal nang wala si Bathala... ni si Sidapa ay hindi alam kung nasaan siya," sagot ni Pedro.

"Hindi ibig sabihin noon ay magiging habang-buhay mawawala si Bathala. Hindi natin alam kung buhay pa siya o patay na," katwiran ni Carolina. "Ngunit unahin ninyong patayin ang ibon."

"Ayaw ni Ama," sagot ni Pedro. "Kung nais mong patayin ay wala kaming kinalaman d'yan."

"Ayaw kong balikan ni Sidapa dahil sa kanya. Hindi iyon ang pinangarap kong muling pagkikita naming muli," sagot ni Carolina.

"Hindi ka mamahalin ni Sidapa, Carolina. Ikaw ang pumatay kay Kinabuhi," ani ni Pedro. "O baka nakakalimutan mo na iyon?"

Hindi sumagot si Carolina.

"Unahin mong patayin si Juan at palabasing aksidente ang lahat," suhestion ni Pedro.

"Jake!" sigaw ng isip ko.

"Titingnan ko ang magagawa ko sa kapatid ninyo. Sa galit ni Sitan ay baka siya ang nais kumitil sa buhay ng bunso niya," nang-uuyam na sagot ni Carolina.

Umalis ang mga engkanto at naiwan muli kami nila Pedro at Diego. Pinulot ni Diego sa sahig ang hawla at isinabit muli sa ginawa nilang sabitan para sa akin.

"Hindi ka ba magkakatawang tao, muli, Adarna? Hindi mo naman kami isusumbong, hindi ba?" Tumawa na parang demonyo si Diego.

Kailangan akong makalabas... kailangan akong makatakas. 

The Book of MythsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon