Kabanata 30- HABANG-BUHAY

1.4K 126 12
                                    

Jake

Iyon pala ang kasunduan, hindi kami makakapasok ng biringan kung wala si Tala. Mukhang tuso rin ang bagong pinuno ng Biringan. Hindi mo talaga pagkakatiwalaan ang mga engkanto, ano mang lahi nito.

Si Sidapa ang gumawa ng lagusan at isa-isa kaming pumasok roon. Hindi gaya dati na sa gubat kami napadpad ni Jelie noong pumunta kami rito, ngayon ay sa plaza kami lumabas mula sa lagusan at napapaligiran kami ng mga engkanto.

Napasinghap sila nang si Sidapa ang sumunod na lumabas sa lagusan pagkatapos makatawid ni Jelie. Sumunod si Mayari at Hanan kay Sidapa at huling lumabas si Tala.

Nakita ko pa ang kaunting ngiti ni Soliman bago magsarado ang lagusan.

"Maligayang pagbabalik sa Biringan," wika ni Soliman.

"Mukha tayong ia-ambush at nakapaikot sila sa atin," bulong ni Jelie kay Sidapa na may kalakasan.

"Hindi kayo masasaktan dito, itinataya ko ang ngalan ko."

"Mawalang galang lang, nang huli akong makapunta dito, ginilitan ninyo ako ng leeg," sagot ni Jelie. Napayuko ako. Hindi ko alam kung tatawa ako dahil nakuha niya talagang sumagot o mahihiya dahil kasalanan ko iyon.

"At marami sa amin ang nasawi dahil doon," balik na wika ni Soliman.

"Na hindi ko pinagsisisihan," may babalang sagot ni Sidapa.

"Kung tapos na kayong magpataasan na ihi, maari na ba kaming magpahinga?"

Natawa kami nila Zandro, Carol at Ms. Rose. Basag agad si Soliman kay Tala. Goodluck sa pag-stay namin dito sa Biringan.

"Maligayang pagdating sa Biringan, Lakan Dula, Amihan—"

"Rose," pagtatama ni Ms. Rose.

Isa-isa kaming kinamayan ni Soliman.

"Adarna," nakangiting bati nito kay Anya pagkatapos ay kinamayan ako. Si Tala ang bukod tanging hindi inabot ang kamay ni Soliman. Nakabitin ang palad nito at tinaasan lamang siya ng kilay ni Tala.

Sa isang compound kami dinala ng mga tauhan ni Soliman upang makapagpahinga. May tig-isa-isa kaming villa para sa privacy. Or para may privacy si Soliman at Tala. Mukhang masalimuot ang kwento ng dalawa na iyon.

Pagkatapos naming magpahinga ay inanyayahan kami sa palasyo. Oo— palasyo! Ibang-iba ang suot naming t-shirt, jeans at rubber shoes sa mga suot ng mga engkanto na gown.

"Mukha tayong mga bata," bulong ni Anya na nangingiti.

Sa mahabang mesa kami pinaupo. At nagkakatinginan kami ng pinaupo talaga ni Soliman si Tala sa kanang bahagi niya habang siya ay nasa dulo ng lamesa. Si Sidapa ay sa pinakamalayong upuan umupo.

"Hindi ba kami malalason—"

Napabuntong hininga ng malakas si Soliman sa sinabi ni Tala. "Hindi ko gagawin sa inyo ang ginawa ni Carolina. Walang matatali ni isa sa inyo sa amin. Binuksan ko ang Biringan para sa inyo para masanay ang huling taga-bantay ng tarangkahan."

"Huli na ako?" manghang tanong ni Jelie.

"Nag-iisa," sagot ni Soliman.

"Bukas ang silid-aklatan para sa inyo sa ano mang aklat na nais ninyong basahin."

"Salamat." Si Ms. Rose na ang sumagot para peaceful na.

Hindi na muling sumagot si Tala at nakakain kami ng matiwasay. Masarap ang mga pagkain at may gana ang lahat na kumain. Nalimutan pansamantala ang mga alalahanin. Pagkatapos kumain ay kanya-kanyang libot ang ginawa ng iba.

The Book of MythsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon