Kabanata 5- TATLONG HILING

1.5K 141 6
                                    

Jake

[PAST]

"Graduating ka na ba?"

Umiling si Anya.

"Kailan ka ga-graduate?"

"Next year," sagot niya. Busy siya sa pagkukulay ng ginagawa niyang illustration ng pinya.

"Graduating na ako. Attend ka ng graduation ko?"

"Gusto mo?" tanong ni Anya. Napatigil siya sa pagkukulay at lumingon sa akin.

"Uh-huh." Tumango ako bilang sagot.

"Okay," mahinang sagot niya.

"Naawa ako kay Carol," bigla ay nais kong magkwento kay Anya dahil sa bigat ng dinadala ko. Naawa ako sa magiging itsura ni Zandro kapag naalala niya si carol.

Dahil hindi pa siya naalala ni Zandro?" Anya asked back.

"Dahil umaasa siya kay Z."

"Ang nagmamahal na puso ay umaasa," nakangiting sagot ni Anya. Kinuha niya muli ang ginagawa nia at nagpatuloy. "Mahal ni Carol si Zandro, ikaw na ang may sabi no'n. Maalala rin ni Z si Carol."

"Bakit kasi kailangang maging complicated ang lahat?" Napabuntong hininga ako.

"Kung madali ang lahat, ano pa ang silbi ng buhay?" wika ni Anya.

"May tanong ako, hypothetical question lang. What if... may lalaking galing sa masamang angkan. Does it mean ba masama na rin siya?"

Muling napahinto si Anya sa ginagawa niya at humarap sa akin. "Galing sa iisang ama ang magkakapatid na Pedro, Diego at Juan ngunit may lumabas sa kanila na dalawang masama at isang mabuti."

"Sino si Pedro, Diego at Juan?"

Malungkot na ngumiti si Anya.

"Hindi mo pa nababasa ang ibinigay kong libro sa iyo," aniya at bumalik sa pagkukulay.

"Sorry, hindi pa," nahihiyang sagot ko.


[PRESENT]

"As in 'yong ibon?" hindi makapaniwalang tanong ni Carol.

Tumango ang tatlong Diwata sa akin.

"Mahihirapan tayong makalapit sa Adarna. Makakatulog tayo o 'di kaya ay magiging bato," saad ni Mayari.

"'Di ba sa alamat, kailangan may sugat ka at papatakan ng kalamansi para magising at hindi antukin sa awit ng Adarna?" naguguluhang tanong ni Jelie.

"Kapag nakaamoy ng dugo ang mga kampon ni Sitan, magiging katapusan natin sa Kasamaan," sagot ni Sidapa.

"Ano ang plano natin ngayon?" tanong ni Zandro sa lahat.

"Turuan si Jelie sa ritwal na gagawin," sagot ni Bunao. Napalunon ng laway ni Jelie at kumapit kay Sidapa.

"Paano tayong hindi aantukin sa awit ng Adarna?" tanong muli ni Zandro.

"Kailangan ninyong masugatan," sagot ni Bunao. "Ngunit hindi pisikal na sugat kung hindi sa loob— sa inyong kaluluwa."

Napapikit si Carol at Jelie.

"Kailangan ninyo ng apoy na magtutulak ng sakit upang hindi kayo dalawin ng antok."

Maging ako ay napapikit sa dadanasin ng mga kaibigan ko. "Iyan ang dahilan kung bakit ayaw kong lumapit sa inyo. Masyadong mapa—"

"Ito ang dahilan kung bakit kailangan mong lumapit sa amin, Jake. Hindi mo ito kakayaning mag-isa," sagot ni Kit.

"Jelie, nasaan ang libro mo?"

"Hindi ko alam. Naiwan ko iyon sa gubat nang kuhanin ako ni Jake at—"

"Kami na ang babalik sa Makiling," ani ni Sidapa. Tinanguan niya si Bunao na tumayo sa kinauupuan.

'Maghintay lang kayo dito. Jelie—" may pagbabanta na wika ni Sidapa sa kabiyak.

"Yes babe," sagot ni Jelie na ewan ko ba kung bakit natawa kami. Sa kabila ng nangyari ay napatawa kami nito.

"Sabi ko nang 'wag mo akong tatawagin ng ganyan," wika ni Sidapa.

Tatawa-tawa si Jelie na nag-peace sign.

Sumunod si Bunao kay Sidapa sa lagusan. Naiwan kami na natahimik sa mga iniisip.

"Jake, bakit sa tingin mo noong una ay dalaketnon ang kumuha kay Anya?"

"Iyon ang sinabi niya sa akin, Carol, na nakatali siya sa isang dalaketnon. Tumanggap siya ng tatlong kahilingan noon kapalit ng pagiging tao."

Napasinghap ang mga Diwata.

"Napakalaking kapalit—"

Tumango ako kay Tala.

"Bakit niya hinangad na maging tao?" tanong ni Kit. Doon parang nag-init ang mga mata ko at may luhang nais pumatak.

"Nais niyang makilala ako," sagot ko.

"Aw Jake..." Luapit si carol sa akin at saka yumakap. "...babawiin natin siya."

"Babawiin ko talaga, Carol."

Nagpahid ng luha si Kit, gayo'n din si Jelie. Si Carol ay hinintay kong tumahan.

"No'ng makita ko siya sa Kasamaan, nakagapos ang paa sa isang tanikala... no'n ko na lang ulit siya nakita pagkatapos niyang mawala no'ng graduation namin."

"Pag-aaralan ko ng mabuti, Jake," pangako ni Jelie.

"Thank you," mahinang sagot ko. Bumalik si Sidapa at Bunao sa bahay dala ang libro.

"Nabasa ng ulan," ani ni Sidapa.

"Akin na," wika ni Kit. Kinuha ang libro at iniwan kami. 'Bunao, bantayan mo ang bata," bilin nito.

"Babalik kami bukas," pangako ng tatlong Diwata. Si Jelie at Carol ay sumunod kay Kit sa workroom nito. Naiwan kaming mga lalaki sa sala.

"Hindi pa kayo mag-aanak, Z?"

Ngumiti ang kaibigan ko at umiling. "Hindi muna," sagot niya. "Busy pa tayo sa kakalaban sa masama."

"Ikaw Sidapa?"

"Kakasal ko pa lang, hayaan muna natin na gano'n kami," sagot nito.

"Naniniwala ba kayo na hindi sukatan ang pamilyang pinagmulan kung ano ang mararating mo sa buhay?"

"Oo, tingnan mo ikaw... hindi ka gaya ni Sitan," sagot ni Bunao.

"Iyon din ang sabi ni Anya. Sa tatlong anak ng hari, dalawa ang naging masama at isa ang naging mabuti," saad ko.

"Gusto kong makilala si Anya. Magsasanay tayo at hahanapin siya," pangako ni Zandro sa akin.

"Thank you," mahinang sagot ko. 

The Book of MythsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon