Chapter 56

38 1 0
                                    

Chapter 56

Truth

Agad akong pumunta sa labas para salubungin si Papa. Kahit ako siguro ay namumula ngayon dahil sa nangyari. Ah, bahala na. Medyo madilim naman na kahit papaano kaya hindi naman ito halata.

Hindi pa pumapasok si Papa kaya lumabas na ako ng gate.

"Ma'am, delivery po. Nadine Palmares po, tama?" the delivery man smiled at me.

"P-Po? Ah, delivery... Magkano raw po ba 'yan?"

"One thousand po, Ma'am."

Pinakaba ako ng batang 'yon! Akala ko ay si Papa na. Buti na lang delivery lang. Ako na muna ang nagbayad para hindi na ako bumalik pa sa labas. Ano naman kayang binili nito ni Nadine? Naka-box pa ito at mukhang marami dahil medyo mabigat.

"Thanks po," sabi ko saka pumasok na rin sa loob.

Binaba ko ang box sa center table.

"Delivery lang."

Tumango siya.

Nakapamaywang kong tiningnan si Jonas. He's still sitting on the couch, looking at me as well. Binasa nito ang sariling labi. Umiwas ako ng tingin dahil baka this time ay maabutan na talaga kami ni Papa.

Umupo ako sa isa pang couch, hindi sa katabi niya.

"Let's just wait for a couple of minutes, then we're going." Seryosong sinabi niya.

Wala naman akong magagawa. Hindi naman ako lalaki kay hindi ko alam kung anong gagawin niya para lang mawala iyan. Nakita kong hindi na siya naka-tingin sa'kin. Diretso ang malalim na mga mata at malalim ang paghinga.

"I think, we shouldn't do it again." Iyon na lang ang biglang lumabas sa bibig ko.

"Shouldn't do what?"

"Of course, the kiss!" I lowered down my voice.

Malalim siyang napabuntong hininga. Hindi ako makapaniwalang ito ang pinoproblema namin ngayon. Mabuti nang mapag-usapan ito dahil kung ganito pala ang mangyayari at nahuli kami ni Papa, hindi ko na alam! Baka hindi na ako makauwi ng bahay!

"I'll try..."

"Jonas!" pinandilatan ko siya ng mata.

"Hindi naman madali iyon kung gan'yan ka, Anna."

"Anong ako? Wala naman akong ginagawa, ah?"

"You know what I'm talking about."

"Kaya mo naman 'yan. E 'di let's not be physical, 'di ba? Madali lang naman 'yon."

"Yeah... for you," ismid niya.

"Saka malalayo naman ulit tayo sa isa't-isa. Sa Manila ka at ako ay dito. Ayun, no kiss." I think it's a problem solved now.

"Exactly. Kaya kapag nakita kita ulit, nasasabik ako sa'yo."

He looks frustrated while I smirked a bit. I can't even take this seriously but I have to.

"What are we gonna do then? Not kiss until we're married? Kailan pa tayo magpapakasal? Two, three years?"

Nabigla ako sa pagpapakasal. Iniisip ko naman talagang mag-pakasal sa kaniya, dahil kanino pa ba? Kaso lang ay kapag pinag-uusapan na parang kinakabahan ako.

"Yeah?"

Matagal niya akong tinitigan bago bumuntong hininga, medyo may ngiti na sa labi. He then nodded half-heartedly.

"Sounds good. You're marrying me."

"Are you proposing right now?"

"This is an unofficial proposal. Hindi pa ako nakapagpapaalam kay Tito. Pero at least secured na akong sa'kin ka lang talaga." He smirked.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon